Ella's POV
"Ano? Gusto mo na bang umuwi? Ihahatid na ba kita?" nagulat ako nung biglang tinanong ako ni Lance. Napatulala na lang kasi ako sa ginawa ni Andrea kanina ehh.
"Ahh.. ehh ikaw? May iba ka pa bang bibilhin?" tanong ko naman sa kanya.
"Wala na ehh.. Kung gusto mo gala na muna tayo?" napanganga ako sa sinabi niya? Kami? Mag-gagala? Kaming dalawa lang? Emeged.
Tumingin muna ako sa orasan at nakitang 6 na pala tapos may kailangan pa kong gawin kasi pasahan na rin ng mga projects next week. Hindi pa ko nakakapagsimula sa iba. Hayy. Forever rush talaga.
"Uhmm. Baka sa susunod na lang kasi.. may gagawin pa ko ehh. Madami pa kong projects na hindi natatapos." nakita kong nawala ang ngiti sa mga mukha ni Lance. What am I gonna do? Di ko rin naman pwede pabayaan pag-aaral ko para lang sa crush ko diba? Hayy. Tiis-tiis muna, okay?
"Ah ganun ba?" tapos bigla ulit syang ngumiti. Tae. Ang gwapo. :"> "Eh di ihahatid na lang kita." Ajejeje. Ookayy sige. Nag-nod na lang ako at sabay na kaming naglakad palabas ng mall.
Vincent's POV
Hindi ko alam kung matutuwa si Andrea sa ginawa kong to. Ni-hindi ko nga rin to plinano ehh, basta-basta ko na lang ginawa.
"Vincent nasan ba tayo ha? Bakit walang wifi? Mahina rin signal, Ano bang lugar to?!" pagrereklamo ni Andrea. Kahit kailan talaga, itong babaeng to, ang arte arte.
"Wala talagang wifi dito, probinsya to eh. At mas lalong mahina ang signal dahil hindi mo ba nakikita? Puro bundok yang nasa paligid mo!" nasa Zambales kasi kami ngayon. Kung san ako lumaki dati. May resort kami dito pero mamaya ko na papupuntahin dun si Andrea. Dapat muna siyang magtiis ano. Haha.
"Eh pano ako makakapgtext nito? Walang FB, walang Twitter, walang Tumblr, walang Wattpad. Lahat wala! Ano ba yan.." tae. Akala ko hindi maingay si Andrea, mali pala ako.
"Alam mo, ung tower nasa likod pa ng bundok na yan!" sabay turo dun sa malaking bundok sa may tabi. "Tsaka hindi ka naman mamatay kung mawawalan ka ng internet life for 1 week ehh."
"What?! 1 week, ganito ang buhay ko? 1 week tayong nandito? 1 week kitang makakasama?! mygawd. Nasan ba tayo ha? Magpapasundo na nga ako kay Daddy!" shet parang armalite ang bibig.
Lumapit ako sa kanya at nilapit ko rin ang mukha ko sa mukha niya.. "Yes, we will stay here for a week.." tapos nilapit ko pa ulit ung mukha ko hanggang sa nakikita kong naiilang na siya. "Only the two of us." sabay smirk ko sa kanya.
Umalis na ko sa pwesto ko dahil kita kong namula bigla si Andrea. "Nasa Zambales tayo ngayon, sa may Anawangin." naglakad ako papalayo sa kanya at muli akong nagsalita. "Go contact your Dad if you can, akyatin mo yang bundok na yan sa may tabi para makakuha ka ng signal." sigaw ko sa kanya.
"Ugh! Vincent Panget! Nakakasar ka talaga!" narinig kong sigaw ni Andrea. Haha. Ang lakas ng sigaw nya, grabe.
Umalis ako saglit para bumili ng makakain namin at ng inumin. Kahit triple ang bayad sa tindahan dito, bibili na lang ako kesa naman magutom kami dito noh. Malayo kasi to sa bayan eh, sasakay ka pa ng bangka para makapunta sa isang isala tapos bbyahe ka pa ulit. Basta malayo. Kaya feeling ko hinsi rin kami tatagl dito ni Andrea. Siguro dito lang kami mago-overnight at pupunta na rin kami sa resort namin.
Pagbalik ko ay dala-dala ko ang isang galon ng mineral water at mga pagkain. Napansin kong wala si Andrea sa tent. Eh nasan ung babaneg yun?!
Sinubukan kong mag-ikot-ikot pero wala talaga. Bigla akong may narinig na tili ng isang babae pagtingin ko ay si Andrea. Sinusubukang akyatin ung bundok sa gilid.
BINABASA MO ANG
We're Perfectly Imperfect
Fiksi RemajaAnong pipiliin mo kung sakaling nagkagusto sayo ang crush mo pero hindi lang siya kundi pati yung pinsan niya.. Pero may nararamdaman ka na ring ibang feeling para dun sa pinsan niya. Sinong mas pipiliin mo? Ang ultimate crush mo o yung isang lalaki...