---Ella's POV---
Dalawang araw ng nakakalipas pero di ko parin nakakausap si Lance..
Ganun-ganun na lang ba yun?
Hindi man lang niya ko pipilitin?
Di man lang niya ko kakausapin or papansinin?
Hayy.
"Ella" isang pamilyar na boses.. si Lance..
Papansinin ko ba?
Sasagot ba ko?
O magpapakipot muna ako?
Hmm.
"Ella, bakit mo ba ko iniiwasan?"
"Huh?"
"Wag ka na ngang magmang-maangan dyan. Iniiwasan mo ko diba?"
"Oo. Eh diba ito naman ung gusto mo...?" mahina kong sabi sa kanya.
"Ano? Gusto? At bakit ko naman gugustuhin yun?"
wait pwede mag-brb? Kinikilig ako. Shems! Okay, okay kalma Ella, kalma..
"Eh akala ko ba na ayaw mong may masabi satin yung ibang tao? Wag mo ng ikaila. Alam ko namang ayaw mong mabahiran ng baho yang maganda mong pangalan eh." sabay ngiti at talikod sa kanya para lumayo na.
"Teka.. teka. Teka nga Ella, saglit lang please? Kausapin mo muna ako ng maayos. Kasi hindi ko talaga alam kung bakit ka umiiwas sakin."
"Eh diba nung isang araw, pinauna mo ko kasi ayaw mong may makakita satin na magkasama?"
"Ha?"
nagulat ako nung bigla siyang napangiti.
"Oh? Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" tanong ko sa kanya.
Pero hindi niya parin ako sinagot kaya pinalo ko siya pero mahina lang naman. XDD
"Uyy ano ba yun? Sabihin mo na kasi!" pero imbis na sumagot siya ay tumitig siya sakin at hinawakan ung balikat ko. Kaya magkaharap kami. Gusto ko sanang umalis muna kahit saglit kasi ayoko ipakita na kinikilig ako pero baka eto na ehh. Cho-choosy pa ba ko, diba?
Hindi ko alam kung titingin din ba ko sa mga mata niya or what..
Baka may makakita samin.. baka magka-issue nanaman..
Pero bakit ito yung iniisip ko ngayon?
Bakit hindi ko muna enjoyin ung panahong to, diba?
"Ella.." sabi niya na parang may halong panlalambing..
"Bakit ko naman gugustuhin na iwasan ka? Sinong lalaki ang susunduin ang isang babae sa bahay nila tapos pagdating lang sa school ay pababain magisa para lang walang masabi yung ibang tao sa kanila? Ha? Tingin mo? Sino? Wala naman, diba?"
Halos pumalakpak ung mga tenga ko sa mga narinig ko. Shems! Pwede na ko mamatay after nito pero please, tapusin muna natin to o kung pwede sana ganito na lang forever? Please, Lord? Malakas naman ako sa inyo diba? Please? Ganito na lang forever.
^____^v
Hindi parin ako makapagsalita at makasagot sa sobrang kilig.
"At isa pa, wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao sa kung sinuman ang kasama ko miski ikaw pa yan o pulubi pa. Ella.. kaibigan kaya kita."
=____________="
'KAIBIGAN' kaya kita.
Okay na sana eh...
Tapos... okay.
Kilig factor is overr. Hayy. :(((
Agad namang nagbago bigla ung mood ko pero syempre may kilig parin kahit papano pero hindi na katulad ng kanina.
Inalis ko ung mga kamay ni Lance sa balikat ko..
"Eh kung ganun, bakit mo ko pinaunang bumaba?" tanong ko sa kanya.
"Eh kasi, magpapark pa ko nun ng sasakyan. Pinauna na kita para di ka malate kasi diba mabagal ka maglakad dahil sa sugat mo?"
TOINKS!
Sa mga narinig ko sa kanya lalo ko lang napatunayan na ang OA ko magisip. Na hindi muna ako nagisip ng ibang bagay kung bakit niya ko pinauna muna.
Magpapark lang pala siya?
Kung anu-ano pa pinagiisip ko. T_____T
Kakahiya kay Lance.
Nakailang strike na ko dito.
Lagi na lang. :(((
Ung saya na nararamdaman ko kanina bigla na lang nawala. Parang ang bilis niyang mapalitan ng kahihiyan at asar sa sarili ko. :((
Pero inakbayan ako ni Lance..
"Okay lang yan. Naiintindihan naman kita eh. Basta sa susunod wag mo na lang uulitin para hindi tayo nagkakaproblema ah?" sabi niya sakin. Yung akbay niya, alam kong akbay na pangkaibigan lang yun. Kaya di na ko nage-expect.
Tumango na lang ako.
"Oh ano? Gusto mo kain tayo sa labas? Tapos practice na rin tayo ng mga lines para sa musical play? Malapit na yun eh. Kabisado mo na ba lines mo?"
Biglang nabuhayan ang katawang lupa ko nung sinabi niya yun.. Pero pinigilan ko ang emosyon ko, ayoko nanamang maging masyadong masaya kasi mamaya may kontrabida nanamang dumating.
"Sige ba. Basta libre mo ah?" maloko kong sagot s kanya.
"Oh ano? Halika na?"
Paalis na sana kami pero bigla kaming napatigil dahil sa nakita namin..
"Magp-practice kayo? Bakit? Ikaw na ba, Ella ang sinabing lead role, ha?" si Andrea..
Hindi ako sumagot, ayoko makipagaway lalo na kung si Andrea ang makakalaban ko.
"Andrea, please stop? Not now, please?" sabi naman ni Lance.
"Oh why Lance? Wala naman akong ginagawa ah. I'm just asking her, right Ella?"
Tumingin lang ako sa kanya at kay Lance..Walang ni-isang nagsalita samin hanggang..
"Kung magppractice kayo eh di dapat kasama ako. Tutal ako naman talaga yung lead role eh. So? Let's go na?" sabay kumapit siya sa braso ni Lance at hinili ito palabas samantalang naiwan ako dung nakatayo.
"Ella, ano pang tinatayo-tayo mo dyan? Bilisan mo na. Baka maiwan ka pa." Sigaw ni Andrea nang hindi natingin sakin.
Dali-dali naman akong sumunod.
==========================================================================
Ano kayang mangyayari sa gala nung tatlo? Disaster or... hmm.
Hanggang dito na lang muna. Magrereview pa ko. Byee~
Don't forget to vote and comment!! :D
BINABASA MO ANG
We're Perfectly Imperfect
Novela JuvenilAnong pipiliin mo kung sakaling nagkagusto sayo ang crush mo pero hindi lang siya kundi pati yung pinsan niya.. Pero may nararamdaman ka na ring ibang feeling para dun sa pinsan niya. Sinong mas pipiliin mo? Ang ultimate crush mo o yung isang lalaki...