---Ella's POV---
Habang nagaayos ako ng gamit ay nahulog mula sa isang libro ang pamphlet na binigay sakin ni Miss Ocampo. Pinulot ko ito at binasa..
May musical play pala na gagawin sa December para sa Christmas Presentation at para na rin sa ika-18 na Anniversary ng school.
"Wow. Ang galing naman. Siguro bongga to." sabi ko habang patuloy na nagbabasa.
Pagkatapos kong basahin ay parang nalungkot ako, ewan ko ba. Siguro rin dahil gusto kong sumali at maging lead pero alam kong hindi pwede at IMPOSIBLE kasi baka masira ko lang yung musical play na yun.
Nilagay ko sa basurahan yung pamphlet kasi hindi ko na naman kailangan yun at dagdag basura lang yun sa bag ko.
---Andrea's POV---
Sa Friday na yung audition. Excited na ko na kinakabahan na ewan, basta mix emotion. Pero hindi dapat ako kabahan, alam ko namang ako ang mapipili dun eh. Dalawang taon ko tong pinaghandaan, imposibleng hindi ako makapasok. Wala ng iba pang mas gagaling sakin sa pagkanta at pagsayaw sa school.
Ito lang ang tanging paraan ko para mapalapit ako kay Lance, dahil kung kaming dalawa ang lead ay palagi kaming magkasama sa practice at may pang-excuse pa ko para makalabas kami. At isa pa, marami rin akong sinakripisyo para lang dito, palagi akong nagkaka-sprain dahil sa pagpa-practice sa pagsayaw, napipilitan din akong hindi kainin ang mga pagkain na gustong-gusto ko para mapanatiling maganda ang boses ko at minsan ko ng ginutom ang sarili ko para lang makapagbawas ako ng timbang.
"Hindi ko hahayaang may humadlang ng plano ko. Walang sinuman ang hahadlang nito."sabi ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin.
---James's POV---
Musical play? Ano nanamang pumasok sa isip ng mga magulang ni Darwin para gawin to? Nagsasayang lang sila ng pera at ng oras para dyan.
"Dude, mag-a-auditon ka ba?" tanong sakin ni Darwin.
"Hindi ko papatulan ang kalokohan ng mga matatandang ungas na yun noh." sagot ko naman sa kanya,
"Sabi mo eh. Halika na practice na tayo." Sabi naman ni Miggy.
"Wag niyong sabihing mag-a-auditon kayo?!" tanong ko naman sa kanila dahil nabigla ako sa sinabi ni Miggy.
Tumango silang lahat. Nakakabadtrip. Anong pumasok sa mga to at ginagawa nila ang mga walang kakwenta-kwentang bagay? Nahiga na lang ako sa may sofa at sinabing..
"Mag-a-audition pa kayo eh panigurado namang si Lance na ang pipiliin nila." sabay tinakpan ko ng unan ang mukha ko.
"Hindi naman lead ang gusto naming makuha eh." sabi ni Nikko.
"Eh ano? Extra lang? Naku gagawin niyo lang katawa-tawa yang saril niyo don." sabi ko sa kanila habang nakatakip parin ang mukha ko ng unan. Hindi ko alam kung naintindihan ba nila yung sinabi ko.
"Kami ang banda na kakanta sa finale kasabay ng pagkanta at pagsayaw ng lahat ng character na kasama sa play." sabi ni Darwin.
"Oh diba, astig?" sabi naman ni Nikko.
"Astig? Sus. Bahala nga kayo dyan." sabi ko sa kanila.
"Alam ko namang pwede pang magbago yang isip mo eh. Wala kaming vocalist, gusto mo ikaw na lang?"
"Ayoko. Sasayangin ko lang ang oras ko dyan. Maghanap kayo ng ibang vocalist niyo." sabay lumabas na ko ng kwarto (school) namin.
===========================================================================
Bibitinin ko muna.. May naisip kasi akong magandang title para dun sa next chapter eh.
Salamat sa pagbabasa! :)
Don't forget to comment and vote! :D
BINABASA MO ANG
We're Perfectly Imperfect
Teen FictionAnong pipiliin mo kung sakaling nagkagusto sayo ang crush mo pero hindi lang siya kundi pati yung pinsan niya.. Pero may nararamdaman ka na ring ibang feeling para dun sa pinsan niya. Sinong mas pipiliin mo? Ang ultimate crush mo o yung isang lalaki...