Sino ba siya? Teka. Parang pamilyar ung buhok tas ung mukha. Hindi ko alam kung kailan at kung saan ko na siya nakita pero nasisiguro ko na nakita ko na siya, hindi ko lang talaga matandaan.
"Do you mind if I ask you if there's a problem? If none, kindly excuse us. You're blocking our way." sabi ni Lance sabay nagpatuloy siya sa paglalakad.
Medyo nahuli ako dahil muli ko pang tinignan ung lalaki. Habang nasa likod ay napansin ko ang mabilis na paglalakad ni Andrea. At patingin-tingin pa siya sa likod na para bang may humahabol sa kanya. Sa bawat pagtingin niya sa kanyang likuran ay mas lalo pang bumibilis ang paglalakad niya at alam kong napapansin na rin ito ni Lance.
Sinubukan kong lumingon para tignan kung anong problema. Pagtingin ko ay sinusundan na pala kami nung lalaki kanina. Ang creepy niya ah. Akala ko ay baka pareho lang kami ng pupuntahan pero hindi. Kahit saan kami magpunta ay sinusundan niya kami. Feeling ko hindi naman kami ung sinusundan niya kundi si Andrea.
Anong meron sa lalaking to? Bigla ko na lang siyang hinarang.
"Bakit mo kami sinusundan ha?!" tanong ko sa kanya. Halos pagtinginan na kami ng mga tao sa pagsigaw ko. Hindi siya sumagot. pshh. Ayokong mapahiya!
"Sumagot ka nga!" pero imbis na sumagot siya ay nilagpasan niya lang ako at nagpatuloy sa direksyon nila Andrea. -____-
Hinawakan niya si Andrea sa braso at kinaladkad ito habang si Andrea nagpupumiglas. Pero bigla namang inagaw ni Lance si Andrea sa misteryosong lalaki. "Dude, what's your problem huh?" seryosong sabi ni Lance sa lalaki.
"Vince, don't make a scene." sabi ni Andrea sa lalaki. So magkakilala pala sila? At Vince pa ang pangalan niya. Hmm.
"Hindi naman ako gagawa ng kung anumang gulo. I just want to make sure that you're safe and okay. And your Dad wants to see you." magkakilala pala talaga sila ehh, eh bakit parang iniiwasan ni Andrea ung Vince na yun?
"Kung gusto niya kong makita, tatawag na lang siya sakin, eh bakit kailangan nandito ka pa?" as usual, mataray na sagot ni Andrea dun sa lalaki.
"Cause I'm your fiance"
ANO DAW? fiance?! Nino? Ni Andrea?? Ung lalaking yun?
O___O
Nakita ko rin ang bakas ng pagkagulat sa mukha ni Andrea sa sinabi nung lalaki.
"Fi-fiance?? Ha-Hahahaha. You're so funny huh? Naku, Ella and Lance, don't mind him na nga, he's just one of my bodyguard. Oh well, I neet to go. Bye!" bodyguard? Ang gwapo naman niya para maging bidyguard. Fiance? Akala ko ba si Lance ang gusto niya. Ano ba talaga?
Andrea's POV
Balak ba talagang sirain ng Vince na to ang buhay ko ha? Nakakainis. Napahiya ako sa harap ni Lance at sa harapan din ni Ella. Hindi ko na alam kung ano ng tingin nila sakin. Naniwala kaya sila na bodyguard tong si Vince sa porma pa lang nito?
"Teka, ung kamay ko." nasa may parking lot na pala kami nitong ungas na to.
"At ano namang paki ko sa kamay mo, ha?!" sigaw ko sa kanya.
"Hawak mo kaya.." HAWAK KO? Omg. Hindi pwede. Agad naman akong napabitaw sa kamay niya. Hindi ko pa pala nabibitawan simula nung hinila ko siya papalayo. Nakita ko naman na nagsmirk siya. Kainis!
"Nasan ba dito sasakyan mo ha?" tanong ko sa kanya. Sabay turo naman niya sa isang sasakyan na hindi masyadong malayo banda samin.
BINABASA MO ANG
We're Perfectly Imperfect
Novela JuvenilAnong pipiliin mo kung sakaling nagkagusto sayo ang crush mo pero hindi lang siya kundi pati yung pinsan niya.. Pero may nararamdaman ka na ring ibang feeling para dun sa pinsan niya. Sinong mas pipiliin mo? Ang ultimate crush mo o yung isang lalaki...