Pagkapasok ko ng school kinabukasan, as usual, nakatingin nanaman silang lahat sakin. Tapos nagbubulung-bulungan pa. Ano nanamang nagawa kong masama? Baka dahil kahapon kasi nakita nila kami na magkasama ni Lance. Inggitera talaga mga tao dito. Kaasar.
Nakita ko si Andrea na nkausap ng mga maaarteng babae na umaway sakin kahapon. Bakit niya kaya kinakausap yung mga ganung tao? Baka pinagsasabihan niya ang mga to. Mapuntahan nga.
"Andrea!" sinigaw ko ang pangalan niya at lumapit sa kanya.
"Bakit wala ka kahapon? Nagkasakit ka ba?" sabay nilagay ko ung kamay ko sa may noo niya pero nagulat ako nung tinanggal niya to.
"Andrea.. bakit? May problema ba?" tanong ko sa kanya.
Hindi siya nagbitiw na kahit na anong salita, nakatingin lang siya sakin ng diretso tapos naglakad siya papalayo, hahabulin ko siya pero humarang yung mga babae na kausap niya..
"Ayan ang napapala ng mga babaeng mangaagaw!" sabi ng babae sabay irap sakin.
"Mangaagaw? Ano nanamang pinagsasabi niyo?"
"Mangaagaw ka diba? Inagaw mo si Lance kay Andrea! Hindi mo ba alam na matagal ng gusto ni Andrea si Lance pero never pa siyang niyaya nito na lumabas? Samantalang ikaw, kabago-bago mo pa lang, lumalandi ka na agad." paliwanag nung isa pang babae.
Halos hindi ko alam kung anong irereaksyon ko sa mga sinabi nila. Matagal ng gusto ni Andrea si Lance? Pero bakit hindi man lang niya nasabi yun sakin nung nagkkwentuhan kami?
Ang dami nanamang pumapasok sa isip ko. Hindi ko napansin na iniwan na pala ako nung mga babae. Napaupo na lang ako sa bench at patuloy na iniisip kung ano yung nangyari kanina. Kung matagal ko ng alam ang tungkol sa pagkakagusto ni Andrea kay Lance eh di sana matagal na kong lumayo. Hindi ko kayang mangagaw ng isang lalaki sa isang kaibigan ko. Hindi ako ganung klaseng babae.
Buong araw akong wala sa sarili. Gusto kong kausapin si Andrea pero naiwas talaga siya sakin. Pag break time ay lagi siyang wala, kapag napunta naman ako sa classroom nila lagi niyang sinasabi na madami siyang ginagawa kaya hindi pwede. Pati ang mga tao sa paligid ko, pinagtatakpan kung nasan si Andrea. Pano kami magkakaayos ni Andrea kung ganito kami? Siguro kailangan ko rin siya bigyan ng oras, ng space para makapagisip-isip.
Dahil wala akong kasama kumain sa canteen ay pinili ko na lang mapagisa. Dun sa likod ng clinic ako pumunta dahil alam kong walang pumupuntang tao don. Dun ako kumain ng lunch ko, halos isubo ko na pati kutsara ko, stress na stress ako sa nagyayari sa buhay ko dito sa paaralang to. Hinangad ko lang naman na mapalapit kay Lance Angelo Javier, ang ultimate crush ko pero never kong plinano na agawan siya sa kung sinuman.
Habang kinakausap ang sarili ko, napansin kong may tao rin pala malapit sakin pero tingin ko naman hindi siya nakikinig kasi may nakasalpak na earphones sa tenga niya at mukhang natutulog rin siya kaya safe ako. Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ko sa classroom para mag-advance study pero hindi ako nagtagumpay. Walang pumapasok na kahit na ano sa isip ko sa mga binabasa ko.
===============================================================
Magkakabati pa kaya si Andrea at Ella? ABANGAN.
Don't forget to vote and comment or any suggestion for the future chapter? :)) Free to suggest, just comment or message me. :)
BINABASA MO ANG
We're Perfectly Imperfect
Teen FictionAnong pipiliin mo kung sakaling nagkagusto sayo ang crush mo pero hindi lang siya kundi pati yung pinsan niya.. Pero may nararamdaman ka na ring ibang feeling para dun sa pinsan niya. Sinong mas pipiliin mo? Ang ultimate crush mo o yung isang lalaki...