Ilang araw ng absent si Ella. Nag-aalala na ko kung ano na bang nagyari sa kanya. Dapat ko ba siyang punatahan sa kanila? Eh pano naman? Hindi ko naman alam kung san. At baka kapag tinanong ko yun kay Lance ay asarin lang nila ako. Kung hindi ulit papasok si Ella ngayon ay pang-apat na araw na niya tong absent. Madami siyang activities na nasayang.
First two subjects namin ay wala akong Ella na nakita sa classroom.
"Hanggang kailan ba siya wala?" napabulong ako sa sarili ko at napayuko.
"Oh bro, ang lalim ng ini-isip natin dyan ah." sabi ni Miggy.
"Hindi ah. Inaantok lang ako." palusot ko sa kanila.
"Inaantok? Bakit mukha kang nag-aalala? Hinahanap siguro si Ella." kantsaw naman ni Darwin.
"Hindi ah. Lumabas na nga kayo. Susunod na lang ako sa baba."
Nauna ng pumunta ng canteen sina Lance.. samantalang ako, nagpaiwan muna sa classroom para magisip. Hindi ko nakayanan ang sobrang katahimikan sa loob kaya lumabas na ko.
---Ella's POV---
Ang dami ko na ngang absent, late pa ko. Patay ako nito pag may nakakita saking teacher, ano ie-excuse ko? Hay bahala na si batman.
Habang papakyat sa classroom ay nakabangga ko ang isang teacher. Teacher namin sa Arts.
"Miss Magtalas, tumingin ka naman sa dinadaanan mo." sabi sakin. Kung minamalas-malas ka nga naman oh.
"Ma'am sorry po. Nagmamadali po kasi ako eh. SIge po, una na ko. Good Morning po pala Ma'am." sabay takbo paakyat ng hagdan pero tinawag ako muli ni Miss Ocampo..
"Miss Magtalas.."
"Yes, Ma'am?"
Feeling ko papagalitan ako ni Ma'am, patay na talaga ako.
"Do you know how to sing and dance?"
Nagulat ako sa tanong niya..
"Po?"
"Oh nevermind. If you're interested, you can audition for the school's musical play. Here is the pamphlet for the details. I expect you to be there, Miss Magtalas. I trust you." sabay ngumiti siya sakin tapos ako naiwan dun na nakatayo hawak-hawak ung papel na binigay niya.
Habang tinitignan ko ang papel na hawak ko ay nagsalita ako mag-isa..
"Pagkanta? Mahilig ako kumanta pero.."
"Mag-a-audition ka?" nagulat ako nung biglang may nagsalita. . . si James.
"Hmm. Hindi, alam ko namang di ako makakapasok eh." sabi ko sa kanya.
"Buti alam mo. Oh eto." nagulat ako nung may inabot siyang notebook sakin.
"Ano to?" tanong ko sa kanya.
"Notebook. Di ba halata? Mauna na ko. Baka may makakita pa satin, diba ayaw mong may makakita sakin. Sige, bye." agad siyang tumakbo pababa.
Grabe yung lalaking yun, wala talagang modo. Kainis. Ano naman tong binigay niya? Basura? Hayy.
Pagkapunta ko ng classroom ay walang estudyante. Break na pala namin kaya pala pababa si James kanina. Nilapag ko ang bag ko at umupo sa upuan ko at tinignan kung ano yung meron sa notebook na binigay sakin ni James..
Nagulat ako sa nakita ko.. Lecture namin sa iba't-ibang subject ang nakasulat doon.
"At kailan pa siya natutong magsulat kapag lecture time?" tanong ko sa sarili ko..
Hindi na ko nagdalawang isip pa, bumaba ako sa office para ipa-xerox ung laman ng notebook para hindi na rin ako mahirapan sa pagsulat. Mura lang naman magpaxerox eh kaya ganun na lang ginawa ko. Saktong pagtapos nung pina-xerox ko ay nagring na ang bell. Time na kaya dali-dali akong umakyat sa taas. Bago pa dumami ang estudyante sa classroom ay nilagay ko na sa armchair ni James yung notebook niya.
---James'sPOV---
Akala ko absent nanaman si Ella ngayong araw kundi magkakakalyo na yung kamay ko kakasulat ng lecture para sa kanya. Ang hirap kaya magsulat lalo na kung dectation pa.
Nagring na ung bell, time na.. Nung umakyat na ang tropa, nakita namin si Ella na nakaupo na, paupo na rin sana ako nung napansin kong nakapatong na yung notebook na binigay ko kay Ella. Nakopya na niya yun agad? Ang bilis naman! O baka hindi naman niya tinanggap. Grabe talag tong babaeng to.
Oo nga pala may recitation ngayon sa Chemistry about sa past lessong namin. ALam kong hindi nanaman ako makakasagot, nakakatamad magsayang ng laway sa walang kakwenta-kwentang bagay na yan. Hindi ko naman kailangan yan sa buhay ko noh. Mayaman kami, Javier ata to.
Wala na dapat akong balak sumagot pero dahil walang nakasagot ng tanong ng teacher namin ay nagpakitang gilas ako sa klase. Minsan lang to noh. Nung pagkasagot ko ay nagpalak-pakan ang mga kaklase ko. First time ata nila akong nakitang nagrecite. Nung pagkaupo ko ay napatingin ako kung san nakaupo si Ella. Narinig ko rin na tinawag ng teacher namin ang pangalan niya para sagutin yung tanong.. Sa pagkakatapos magsalita ng teacher ko ay natameme kaming lahat, parang hindi pa namin napag-aralan kung ano ang sinabi niya. Kaya alam ko na imposibleng masagot yun ni Ella.
Ang tagal na nag-isip ni Ella. Pero matiyagang naghintay ang teacher ko sa sagot niya. May sinagot si Ella, hindi ko halos maintindihan dahil ang lalim nung explanation niya. After niyang sumagot ay napatingin naman ako sa mukha ng teacher namin. Mukha siyang seryoso, sabi na nga ba mali yung sagot ni Ella eh. Pero nagulat ako nung biglang ngumit yuung teacher namin tapos sinabing "Very Good" si Ella. TAE. Eh hindi pa nga namin naaaral yun eh!! Katulad sakin ay pinalakpakan din ng mga kaklase ko si Ella.
Natapos na ang recitation namin sa Chem. break na ulit namin. Wala kasi yung next na teacher eh, absent. Hinintay ko munang umonti ang estudyante sa classroom bago ko puntahan si Ella.
"Hoy. Akala ko pa naman hindi mo masasagot."
"Anong akala mo sakin? Top 1 ata to. Ikaw nga tong akala ko di mo masasagot eh."
"Naalala ko lang yun dahil sa sinulat ko. Nga pala, nakopya mo na ba lahat ng lecture?"
"Hmm. Hindi ko kinopya. Sayang tinta ng ballpen ko kaya pinaxerox ko na lang. Thank you nga pala ah. Sige, una na ko."
naiwan akong nakatayo dun habang si Ella ay lumabas na ng classroom. Thank you? Thank you lang ang sasabihan niya samantalang muntik na ko magkakalyo dahil lang sa kakasulat! Mga babae talaga, di naaapreciate ang effort na ginagawa sa kanila ng mga lalaki. Kainis.
===========================================================================
Don't forget to vote and comment or any suggestion for the future chapter? :)) Free to suggest, just comment or message me. :)
BINABASA MO ANG
We're Perfectly Imperfect
Teen FictionAnong pipiliin mo kung sakaling nagkagusto sayo ang crush mo pero hindi lang siya kundi pati yung pinsan niya.. Pero may nararamdaman ka na ring ibang feeling para dun sa pinsan niya. Sinong mas pipiliin mo? Ang ultimate crush mo o yung isang lalaki...