Chapter 16 *Rehearsal*

75 3 0
                                    

~~FAST FORWARD~~

---Ella's POV---

Simula na ng rehearsal. Hindi pa kami magppractice umacting. Sayaw lang muna. Eh pano ako? Sige kanta keri ko pa pero sayaw? Hello?! Pareho kaliwa ang dalawang paa ko. Matigas din ang katawan ko, mas magaling pa nga gumiling yung bata sa may kanto namin kesa sakin eh. 

Pagkapasok ko ng music room ay pinagtitinginan nanaman ako ng mga tao. 

"Oh bakit nandtio yan?"

"Akala ko ba si Andrea ang nakakuha ng role?"

"Feeling naman niya. Kainis talaga siya."

Narinig kong pinaguusapan ako ng mga babae pero hindi ko na lang sila inimik at pumunta ako dun sa kabilang dulo at nagsimulang magstretching. Pero biglang lumapit sakin si Andrea, akala ko kakausapin niya ko pero hindi.. pwesto niya pala yun. Kaya dun na lang ako sa may sulok pumwesto, siguro naman dito wala ng nakapwesto diba? Hayy.

Dumating na sila Miss Ocampo na magtuturo rin samin sa sayaw. Maganda si Miss Ocampo, matalino, at syempre talented. Sa lahat ng teacher namin, siya ang pinaka-hinahangaan ko. Approachable kasi siya at hindi mahirap pakisamahan. Parang barkada mo lang ganun. Kaya nga siya rin ang favorite ko eh.

"Okay students.. Nandito na ba lahat? Nakapag warm up na ba kayo?"

"Yes Ma'am."

"Okay let's start."

Hindi naman pala masyadong mahirap yung mga steps kaya medyo nakasunod ako nung una pero nung may music na, grabe. Hindi ko alam na mabilis pala yun, halos matumba na ko kakasayaw. Pinagtatawanan nga ako ng ibang mga estudyante eh. 

"Tignan mo siya oh. Hindi ko alam kung bakit siya ang napili nila para maging substitute ni Andrea. Eh samantalang mas magaling pa tayo sa kanya eh."

"Oo nga. Sipsip lang siguro yan kay Miss."

Halos hindi ko na kinaya yung mga sinabi nila sakin. Ano bang akala nila? Na hindi ako nasasaktan? Na manhid ako? Grabe ah. Hindi ko na talaga kaya. Tumakbo ako palabas ng music room at pumunta sa likod ng clinic. 

"Hindi ko naman kasalanan kung ako yung kinuha nilang substitute para kay Andrea ah. Hindi rin naman ako sipsip noh. Hindi ko gawain yun. Grabe sila magsalita. Alam ko namang hindi ako magaling kumanta at sumayaw pero tao rin naman ako eh.. may pakiramdam.. nasasaktan.. NASASAKTAN RIN AKO NOH. Pagod na pagod na kong maging mabait sa ibang tao. Pagod na kong makipag plastikan sa kanila."

Feeling ko sasabog na ko. Feeling ko lahat ng babae sa school ay galit sakin at ayaw sakin. Tapos kapag lalaki naman yung mga kasama ko o mga kinakaibigan ko, sasabihan nila akong malandi. Grabe talaga sila. Mas malandi pa nga sila kesa sakin. Bakit kaya hindi muna sila tumingin sa salamin?!

---James's POV---

Habang nagwawater break kami kaning nung practice ay nakita kong tumakbo papalabas si Ella. Pano ba naman sobra na yung mga pinagsasabi nung mga babae sa kanya. Kahit ako parang nasaktan sa sinabi nila kaya tumayo ako at nilapitan sila..

"Anong karapatan niyong sabihin yan?"

"James?" nakita kong nagulat sila sa sinabi ko.

"Pwede ba? Kung paguusapan niyo si Ella, wag niyo ng iparinig sa kanya."

"Eh yun naman talaga ang bagay sa kanya eh. Hindi siya bagay sa mga acticvties na ganito. Hindi nga siya marunong sumayaw eh. Mas magaling pa nga kami."

"MAS MAGALING?! Eh di sana  kung mas magaling kayo sa kanya eh di sana kayo ang napili ni Miss para maging lead at hindi si Ella o si Andrea. Diba?"

"James.." nakita ko ang takot sa mga mata niya.

"At bago ka magsalita, pwede ba tumingin ka muna sa sarili mo. Magbasa nga ng nota hindi mo kaya eh. Eh si Ella? Kahit ibang linggwahe pa ang ipabasa mo sa kanya ay mababasa niya."

Hindi na ko nagaksaya ng oras sa kanila, agad kong sinundan si Ella. Alam ko kung san siya napunta sa mga oras na ganito. Pumunta ako sa likod ng clinic. Narinig ko na umiiyak si Ella. Narinig ko ang mga hinaing niya.

"Oh." sabay abot ng panyo ko sa kanya.

"Bakit ka nandito? Pano mo nalaman kung nasan ako?"

"Pulis ka ba? Ang dami mong tanong eh. Punasan mo nga yang uhog mo, nakakahiya eh. Magayos ka nga. Kaya ka napagttripan ng iba." sabi ko sa kanya.

"Hay nako James, kung nandito ka para asarin ako, wala akong panahon para makipagkulitan."

"Hindi naman ako makikipagkulitan eh. Tutulungan nga kita eh."

"Ha?"

"Basta. Punasan mo na yang luha sa mga mata mo, pati yang uhog mo. May pupuntahan tayo."

Hindi ko rin alam kung san kami pupunta ni Ella. Bigla na lang kasi yun ang sinabi ko. Friday naman at rehearsal lang kaya pwede kaming umalis sa school. Hindi kami nagcut, wala namang klase eh. Habang nasa sasakyan kami nagtanong si Ella kung san kami pupunta.

"San ba talaga tayo pupunta? Kanina ka pa nagddrive eh. Malayo na to noh."

"Ano ka ba? Nasa Manila parin tayo. Wag ka ngang magulo."

San ba maganda pumunta? Sa Quantum nanaman? Jusko, palagi nalang don? San kaya maganda? Hmm.

============================================================

San kaya pupunta sila Ella at James? Ano kayang mangyayari sa kanila? Pano matutulungan ni James si Ella? ABANGAN. 

Don't forget to vote and comment! :D

We're Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon