Chapter 20 *I Can Do It!*

105 2 0
                                    

Exciting ang part na to. 

Don't forget to vote and comment! :D

'''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''

---Ella's POV---

Natapos ng maayos ang rehearsal.

Papunta na ko ngayon sa gym at napansing parang dumadami ang mga estudyante na napasok.. 

Ano kayang meron?

Kahit sabay-sabay ang break ng lahat, hindi naman ganito kadami ang tao dito eh.

Pumasok ako sa loob para makita kung anong meron.

Nakita ko na may nakatayong mga babae dun sa stage at yung pinaka-gitna ay nakatalikod pa.

Sa tayong yun.. tingin ko kilala ko yung babaeng yun.

Hindi kaya..

Tumugtog na ang music at hindi nga ako nagkakamali sa akala ko.

Si Andrea ang sumasayaw doon.

Pero bakit?

Anong meron?

Naririnig ko ang hiyawan at sigawan ng mga tao kay Andrea.

Pero napatigil ang lahat ng kunin ni Andrea ang mic at nagsalita.

"Salamat sa mga compliments niyong lahat. I appreciated it a lot."

"Siguro nagtataka kayo kung bakit ako sumayaw ng biglaan dito noh? Hmm. Let's say na I just did what I need to do to do to prove that I deserve the role that they gave me. I just simply show my talent to all of you. Wala naman sigurong masama dun, diba?"

Narinig ko ang bulung-bulungan ng mga tao.

"At isa pa. Hindi rin naman siguro makakaapekto ang pagbabago kay Ella para tuluyan niya kong mapalitan diba? Kahit na sabihin pa nating gumanda pa siya ay option parin siya. Pero, pagbibigyan ko parin si Ella, kasi kahit papano ay naging kaibigan ko rin naman siya. Kaya ngayon Ella, bakit hindi mo subukang ipakita ang talent na meron ka? Para naman mabigyan ka pa ng part sa musical play, diba? Hindi yung option ka lang."

Nagulat ako sa sinabi niya. 

Ano daw? 

Kahit maganda na ko ay hindi ko parin siya mapapalitan? 

Siguro nga totoo..

"Oh Ella, tinatawagan kita ngayon para kumanta kahit isa lang para naman hindi masayang yung desisyon na ginawa nila Miss na maging substitue ko, diba?"

Ano?

AKO?

Napansin kong nakatingin na ang lahat sakin.

Hindi na ko pwede pang umatras o kahit tumakbo man lang. 

Baka kuyugin ako ng mga fans ni Andrea dito noh.

Wala akong ibang nagawa kundi ang umakyat ng stage.

Inabot sakin ni Andrea ang mic at sa sumunod na pagkakataon ay nginitian niya ulit ako.

Ngayon ko na lang ulit siya nakitang ngumit ng ganon.

Pero pagkatapos niyang iabot sakin ang mic ay iniwan niya kong magisa sa stage.

Sa totoo lang, kinakabahan ako. 

Sobra-sobra na tipong lalabas na ata yung puso ko.

Pero alam kong kaya ko to. 

Kailangan kong kayanin.

Ayoko na ulit mapahiya sa harap ng maraming tao katulad noon.

Diba nga? Ito na ang bagong Ella?

Kasabay ng pagbabago sa itsura ko ay ang ugaling hindi ko na hahayaang pahiyain at saktan ako ng iba. Dapat matuto akong tumayo sa sarili kong mga paa.

Tumugtog na ung music..

Everybody's waiting

Everybody's watching

Even when you're sleeping

Keep your ey-eyes open

So here you are, two steps ahead and staying on guard

Every lesson forms a new scar

They never thought you'd make it this far

But turn around (turn around), oh they've surrounded you

It's a showdown (showdown) and nobody comes to save you now

But you've got something they don't

Yeah you've got something they don't

You've just gotta keep your eyes open

Everybody's waiting for you to breakdown

Everybody's watching to see the fallout

Even when you're sleeping, sleeping

Keep your ey-eyes open

Keep your ey-eyes open

Nakapikit kong tinapos ang kanta.

Naghihintay ng masasakit na salitang sasabihin sakin ng iba.

Naghihintay na may sumigaw na napakawala kong kwentang kumanta..

Pero imbis na masasama ang marinig ko ay mga palakpakan ng mga estudyante.

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko para makita kung totoo nga ba ung narinig ko.

Totoo nga..

Ni-isa sa kanila wala akong narinig na masamang sinabi.

Agad naman akong tumingin kay Andrea para makita kung ano ang reaksyon niya pero parang nainis pa ata siya sa ginawa ko. 

Akala ko ba ito ang gusto niya?

Ang ipakita ko sa iba ung talent ko?

Narinig ko ring may humayaw at sinabing..

"Ang galing mo pala Ella! Wooo!"

Dahil sa sinabi nung lalaki ay lalo pang lumakas ang palakpakan ng mga tao.

Pero kahit isang beses, hindi ko nakitang pumalakpak si Andrea. 

Nilapitan ako ng mga kaklase ko sa stage at niyakap at binati.

Nakakatuwa naman ang ganito.

Pero kahit ganon ay si Andrea parin ang inintindi ko..

Muli kong tinignan si Andrea pero wala na siya dun sa pwesto niya.

Nakita ko na lang siya na tumatakbo papalabas ng gym.

Gusto ko sana siyang habulin pero nakaharang ung mga kaklase ko sa daraanan ko.

 Alam kong dapat akong maging masaya kasi nagawa kong kumanta sa harap ng iba kahit alam kong madami ang nagdududa. 

At least ngayon, napatunayan ko sa kanila na deserving ako.

Pero si Andrea kasi..

Hindi naman ako nagbago para mapansin o para matalbugan siya eh.

Para rin to sa sarili ko.

Bakit hindi niya yun naiintindihan?

Ano ba talagang kailangan kong gawin?

===========================================================================

Ano na kayang mangyayari sa friendship nila Ella at Andrea? Magkakabati na ba sila at tatanggapin ni Andrea si Ella o tuluyan ng mapapagod si Ella kakahabol kay Andrea? ABANGAN. :))

Don't forget to vote and comment! :))

We're Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon