---LA's POV---
Nabalitaan ko na hindi nakuha ni Ella yung mismong role niya pero substitute parin siya kay Andrea kung sakaling may mangyari. Okay na yun kesa sa iba na hindi nakapasok. May posibilidad parin na magkasama kami ni Ella sa play. Ma-congratulate nga yun.
Saktong nakita ko siyang pababa sa hagdanan, agad ko anman siyang sinalubong pero nilagpasan niya lang ako..
"Ganyan na ba talaga kapag lead actress? Nagiging snob na?" pagbibiro ko sa kanya with matching tampo effect pa. Lumingon siya at sinabing..
"Hindi naman ako yung lead eh. 2nd option lang ako."
"Kahit na. Ganun parin yun!"
Sa pagkakasabi ko nun ay nagpatuloy na siya sa paglalakad pero hinabol ko siya.
"Teka! Gusto mo magcelebrate tayo?"
"Wag na. Kayo na lang ni Andrea magcelebrate."
"Iniiwasan mo ba ko?"
"Dahil ito ang dapat. Lance, gusto ko ng magkaayos kami ni Andrea. Siya na nga lang yung nag-iisa kong kaibigan dito eh tapos mawawala pa."
"Bakit? Hindi mo ba ko kaibigan? Kakain lang tayo sa labas. Yun lang yun. Gusto mo magsama pa tayo ng iba para hindi ka na magkaroon ng issue."
"Wag na. May gagawin pa ko eh."
Mukhang ayaw niya talaga akong kasama pero dahil makulit rin ako katulad nila James ay pipilitin ko siya. Sinundan ko si Ella at hinawakan ang kamay niya ng mahigpit at lumabas dun sa back gate. Agad ko namang tinext sila Darwin na pumunta sa Mall at isama ang mga girlfriend nila.
---Ella's POV---
Hindi na ko nakaimik nung hinili ako ni Lance papalabas ng school. Nagcut nanaman kami, patay ako nito. Ito ba ang gawain ng isang scholar? Hayy nako. Si Lance kasi eh.
Sabi naman niya na hindi na daw magkakaroon ng issue kasi kasama naman namin yung tropa niya.. KASAMA YUNG TROPA NIYA?! Kasama si James?! Yung bakulaw na yun makikita ko nanaman?! Grrr! Panira ng araw ko.
Pagkarating namin sa mall ay nandun na din pala sila Darwin at kasama daw ang 'girlfriend kuno' niya. Alam ko namang hindi sila nakukuntento sa isa eh. Ang gusto nila ay yung maramihan. Grabe talaga ang mga lalaki ngayon. Hindi mo na alam kung sino ang seryoso at kung sino ang hindi.
Halos lahat sila may mga kasama maliban kay James. WEH? Di nga? Wala talaga siyang sinama ni-isang babae. Pwede naman siyang humugot kahit isang babae dun sa school, for sure hindi na magrereklamo yun.
"Oh James.. Wala ka atang kasama ngayon?" tanong ni Lance.
"Naunahan ako eh." matipid na sagot ni Lance. Nakita ko yung pagkaseryoso sa mukha niya. Pero bigla niya tong pinalitan ng masayang ngiti at pumagitna saming dalawa ni Lance at inakbayan kami.
"Hindi naman importante kung may kasama ako o wala eh. Nandito naman kayo. Tara na! San ba tayo?" sabi ni James..
Si James ba talaga to? O may sumapi lang sa kanyang isang anghel na galing sa langit para naman sa araw na to ay bumait siya para sakin? Lord!! Thank you po.. Sana palaging ganito si James.. Pero kahit ganon, wala parin akong tiwala. Kayo na po ang bahala sa kanya. :)
Una, syempre kumain na muna kami tapos nun naglaro kami sa Quantum. Makulit talaga sila kahit pala si Lance, yung limang yun, pag pinagsama akala mo may gerang nagaganap eh. Pero ayos naman, hindi yung kulit na SOBRA, hindi umaabot sa point na masama sila. Makulit lang talaga, dahil dito, nakilala ko silang mabuti kahit mismo si James. Siguro sanay lang sila magbiruan at habang pinapanuod ko sila ay para lang silang mga bata na walang pakialam kung may nakatingin sa kanila o wala. Basta masaya sila, okay na sa kanila yun.
BINABASA MO ANG
We're Perfectly Imperfect
Teen FictionAnong pipiliin mo kung sakaling nagkagusto sayo ang crush mo pero hindi lang siya kundi pati yung pinsan niya.. Pero may nararamdaman ka na ring ibang feeling para dun sa pinsan niya. Sinong mas pipiliin mo? Ang ultimate crush mo o yung isang lalaki...