Ma. Ffion Marquella's POV
(Mariya Ffyon Markela)
Tyler Kris Francia III
Iyan ang pangalan ng taong gustong gusto ko mula siguro noong PNK pa ako. Kasabayan ko siyang PNK Mang-aawit noon sa Lokal ng Sta. Cruz, Distrito ng Zambales North. Siya yung sa paniniwala ko ay CHILDHOOD CRUSH ko.
Hanggang mag high school ako, sakaniya parin yung atensyon ko. At ngayong college na ako, siya parin talaga eh. Siya yung tipo na hindi friendly type of guy pero nakakainlove. Hindi pala pansin pero nakaka fall. Ugh I don't know.
I may sound cheesy but I don't care and it doesn't matter!
Nakaupo ako sa pinakahuling upuan dito sa loob ng Kapilya. Nakasuot ako ng mahabang floral dress, may puting belt at naka white boots ako, nakalugay ang unat at maitim na buhok kong hanggang balikat.
Malamig nanaman dito sa Baguio. Kung saan ako nag-aaral.
Alas otso pa ng gabi ang gawain. Pero alas syete kinse palang ay nandito na ako sa loob. Katatapos kong manalangin. Nag mumuni muni lang ako bago tatayo.
May ipinagpapanata kasi ako. Hindi lang tungkol sa pag-aaral ko o sa pamilya ko. Kundi tungkol sa kasiyahan ko...
Tungkol sa isang tao na gusto ko, pero hindi ako gusto.
May girlfriend siya eh.
Ano namang panlaban ko doon sa babaeng laging nakikita sa Billboard at magazine. Si Taliyah Linco. INC celebrity. Kaedaran ko lang. Siya yung babae na kitang kita mo na ang tagumpay niya. Sikat siya, masigla, maganda at may masigla at pogi na boyfriend pa. Pero may tiwala ako sa Ama na diringgin niya ako, at dun ako kumukuha ng lakas ng loob. At sa tingin ko.. yun ang panlaban ko.
Nabasa ko sa isang post ng mga so called fans nila also known as Leriyah Twinkles, Leriyah Babies etc. na nag meet sila sa isang coffee shop noon. At doon nagsimula ang lovestory nila. At bakit hindi ko alam yun?
Naiwan ko kasi doon si Ty sa Zambales. Dito kasi ako pinag-aral sa Baguio. Kung alam ko lang.. hindi ko na sana siya iniwan doon.
Pero okay lang.. alam ko namang sa akin siya ibibigay ng Ama in the end. Malakas ang pag-asa ko.
Paglabas ko ng Kapilya ay nakita ko doon si Mari Chu iyong pinsan ko na may lahing intsik. Hawak niya ang clearbook niya. May insayo silang mga mang-aawit mamaya.
Ako, ang tungkulin ko ay Kagawad sa PNK.
"Bibs Mari!" Tawag ko sakaniya, nakasuot siya ng black dress at white boots din.
Paglingon niya ay inihangin ang kaniyang buhok na mahaba at kulot na hanggang balikat din, "Hey Bibs!"
"May insayo kayo no?" Tanong ko.
"Yes bibs." Aniyang madali tapos hinarap ulit si Gael, jowa niya. Ahay!
Pero pangarap ko din iyan. Yung makasabay ko sa pagpunta sa Kapilya yung boyfriend ko. Yung pareho kaming nakikita sa kasiglahan. Gaya ni Gael at Bibs!
Bibs ang tawagan namin dahil bestfriends narin kami. Mula pagkabata ay magkasama kami.
Maging sa boarding house namin dito ay magkasama kami. Magkaiba lang kami ng kurso. BS Education ang kurso niya samantalang ako ay BSBA major in Marketing Management.
BINABASA MO ANG
My Queen 19:14 (COMPLETED)
EspiritualA spoiler's copy paste: "Ffion, kung alam mo lang.. I always wanted to come to you. To hug you like this.. to finally get a chance to hear your voice saying my name infront of me, pero hindi ko lang ginagawa kasi hindi pa natutupad yung panata ko no...