Ilang linggo na ang lumipas. Nang mabalitaan kong pauwi na ang papa ni Ffion sa Pilipinas, binantayan ko kung kailan. Nang sabihin niya kay Fidel ang araw, nagpunta ako sa Kapilya. Alam ko kasi na magkikita kami doon ni Ffion. Alam ko naman na doon siya dadalhin ng mga paa niya lalo't may problema siya.Nagmotor ako papunta sa kapilya bandang alas dyes ng umaga.
Nagulat ako nang makita ko si Petter sa tapat. Huminto ako doon.
"Uy? Bantay ka?" Tanong ko.
"Si mama sana, ako pinalit. Busy eh." Tugon niya.
Ipinarke ko ang motor ko sa gilid tapos tinabihan siya. Hawak niya ang cellphone niya at parang may binasang mensahe.
"Nagtext si Matteo. Nandoon daw siya kina Ffion. Dumating na daddy niya. Nag iiyakan daw."
"Text them. Papuntahin mo dito si Ffion."
Nagulat yata si Petter kaya tinitigan niya ko, "Bilis mo magsalita ah?"
Umubo ako. "Uh.. Para naman lumamig siya."
"Okay. Okay." Sagot niya tapos kita kong nag type siya.
Matapos ang ilang minutong paghihintay natanaw ko na si Matteo at Ffion papunta rito. Pero.. nakasandal siya sa balikat ni Matteo.
Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Para akong nagagalit na nagseselos na ewan. Ayoko talaga na nakikita siyang may kasamang iba. Hindi ko naman siya pag-aari pero bakit ako nasasaktan ng ganito?
"Uy! Ang sweet naman!" Ani Petter. Oo nga. Ang sweet nilang tignan.
Lumayo si Ffion kay Matteo nang mapansin kami.
"Hey, Ffion. Cheer up!" Ani Petter. "Makaka recover din si Ka Diego. I will pray for him!"
Ngumiti si Ffion sa sinabi ni Petter pero halata parin ang lungkot sa mga mata niya.
At bakit ganito nararamdaman ko? Bakit parang gusto ko siyang lapitan.. gustong gusto kong tumayo para yakapin siya. Ang makita siyang ganiyan kalungkot ay parusa sa akin.
Hindi ko siya kayang tignan lang. Hindi ko kaya.
"A-ah.. mauna na ako." Tumayo ako tapos pinagpag ang pantalon ko.
Tinanong ako ni Petter kung saan ako pupunta sabi ko sa loob ng Kapilya lang.
At yun nga ang ginawa ko.. pumasok ako sa loob ng gusali. Tahimik ang loob. Mainit at may mga sinag ng araw na nakapasok sa loob.
Umupo ako sa pinakadulong upuan na nasa may tarheta board. Nanalangin ako sa Ama. Hiniling ko na sana maging maayos ang pakiramdam niya. Maging maayos ang pamilya niya at magpatuloy sa kasiglahan.
Hindi ako madaldal sa personal. Pero pag kausap ko ang Diyos sa panalangin.. halos ilang minuto akong yuyuko at pipikit. Lalo pag ang Panalangin ko.. tungkol sakaniya. Sa babaeng aking pantasya.
~*~*~*~
Ma. Ffion Marquella's POV
Inoorasan ko ang Paglabas ni Tyler Kris mula sa Loob ng Kapilya. Mag te-trenta minutos na siya sa loob. Ang tagal na?
Alam ko namang nanalangin iyon doon. Ano pa nga ba ang gagawin niya sa loob ng kapilya mag-isa. Kaya ba siya nandito kasi may panata siya ng ganitong oras?
![](https://img.wattpad.com/cover/130692651-288-k428451.jpg)
BINABASA MO ANG
My Queen 19:14 (COMPLETED)
SpiritualA spoiler's copy paste: "Ffion, kung alam mo lang.. I always wanted to come to you. To hug you like this.. to finally get a chance to hear your voice saying my name infront of me, pero hindi ko lang ginagawa kasi hindi pa natutupad yung panata ko no...