Pano kung yung pinagpapanata mo, pinagpapanata din ng iba? Ano ang panlaban mo?~*~*~*~*~
Hindi ko alam but I ended up calling Matteo.
Sinagot niya itong agad.
"Hey? How are---"
"Matt, puntahan mo ko." Bigla nalang akong napahagulgol.
"Ffion? Asan ka? Pupuntahan kita!"
"H-hindi ko.. ko.. ko.. alam!"
I don't know what to say. I don't know... ibinaba ko ang cellphone dahil hindi naman ako makapagsalita.
Wherever I am, please find me Matteo.
~*~*~*~
Matteo's POV
This is the day na pinagpanata ko. Aamin na ako kay Ffion! Wala akong pakialam kung may mahal siyang iba. Hindi pa naman sila. Hindi pa.. Gusto kong gumawa para hindi ako magsisi sa huli. I don't care anymore.
Binibigyan ako ng Diyos ng lakas ng loob might as well gamitin ko na ito sa kabutihan.
Nakasuot ako ng dark green long sleeve polo, black slacks at black dress shoes.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko.
I dialed Maria Ffion's number.
"Hello?" Agad niyang sagot.
"Ffion!" Excited kong sabi.
"Oh? Matt!"
"May sasabihin ako. Let's meet!"
"Pero may lakad kami ni Ty, parekoy!"
Napahinto ako. I sighed, "Ah, ganon ba? sige. Next time nalang!"
"Sige, sorry ha?"
"Okay lang!"
Binaba ko ang tawag.
Di pwede ngayon?
Fine, marami pang oras ngayong araw. Mamayang hapon.. mamayang gabi.. Basta pag nakapag-usap kami ngayon at naamin ko, ibig sabihin may basbas na ng Diyos itong feelings ko for her.
May tiwala naman ako sa Panata. I'll let God decide.
Umupo ako sa gilid ng kama kong May bedsheet na kulay itim.
Kinuha ko sa bulsa ng polo ko ang box of .. sparkling diamond necklace.
Ibibigay ko ito kay Ffion. Matagal ko ng binili to para sakaniya. Noon pang nasa Manila ako nag-aaral.
Mula noon hanggang ngayon, siya lang talaga.
Naging kami ni Aeva Cruz. Akala ko.. nakalimutan ko na kasi si Ffion. I have heard na the only way to move on over a girl is to put your attention to other girl.
Kaya kahit hindi pako fully recovered, I date Aeva. Naging kami. Masaya noong una. Long distance relationship kami. Manila ako, Baguio siya. Napapasaya niya ko kahit thru phone conversations lang. Hanggang sa nag me-meet na kami, okay din naman. Pero, talagang pag kinukumpara ko yung pakiramdam ko kapag kasama ko si Ffion sa kasama ko siya, iba talaga pag si Ffion.
BINABASA MO ANG
My Queen 19:14 (COMPLETED)
SpiritüelA spoiler's copy paste: "Ffion, kung alam mo lang.. I always wanted to come to you. To hug you like this.. to finally get a chance to hear your voice saying my name infront of me, pero hindi ko lang ginagawa kasi hindi pa natutupad yung panata ko no...