"Bibs! Ingat ha!" Ani Mari. Papasok siya sa kotse ni Gael.Kinawayan ko siya, "Bye! See you sa pasukan. Pakikamusta nalang ako kay Tita Amanda!"
Pauwi sila doon sa lugar nila dito sa baguio.
"Oh sige. Alis na kami." Ani Mari.
"Ingat, Ffion!" Sabi ni Gael sabay paandar noong kotse niya.
Kumaway nalang ako.
Ako naman uuwi sa Zambales. Walang maiiwan dito sa boarding haus.
Tulak tulak ko ang maleta kong kulay abo. Nasa likod ko naman ang aking jansport bag. Naglalakad na ako papunta sa may kanto. Para madali nalang kapag dumating na si Matteo. Sabay daw kami uuwi eh. Ewan lang kung commute o private.
Ang lamig parin dito. Mamimiss ko ito! Balita ko mainit sa Zambales eh!
"Hey!"
Nalingon ko yung nagsalita. Nakalabas ang ulo niya sa bintana ng pulang kotse.
"Oh Matteo?"
Isinara niya ang bintana tapos binuksan ang pinto at bumaba. Umatras ako.
Lumapit siya sa akin,
"Bakit ka naman naglakad Ffion?" Seryoso siya.Tumawa ako, "Madaling araw palang naman. Wala pa gaanong tao."
"Mas delikado nga iyon. Akin na iyang maleta mo."
Ibinigay ko sakaniya.
"Thanks!"
Pagdating sa Zambales ay mag aalas onse na ng umaga. Dito kami sa bahay naunang bumaba.
"Oh, Matteo kamusta naman ang pag-aaral sa Manila?"
Agad na tanong ni mommy pagka hain niya ng kape sa mesa dito sa salas. Magkatabi kami ni matteo sa sofa.
Inabot ni Parekoy yung tasa ng kape na inaabot ni mom, "Ay nako Tita.. ang hirap!"
Umupo si mom sa tapat namin.
"Bakit ba naman kasi nag manila ka pa? Hindi nalang doon sa Baguio kasama nitong si Ffion."Natawa si Matteo, "Tinry ko lang po kung mamimiss ako nitong.. bestfriend ko."
Nginitian ko siya, "At na miss ko siya, Mi!" Kako kay mommy.
"Oh siya, lagi kong ka chat ang mama mo. Nakikita ko din siya lagi pag pagsamba, nakangiti lagi. Totoo bang okay lang ang health niya?"
Ang mommy kasi ni Matteo ay may hika.
Humigop ng kape si Matt bago nagsalita, "Naku pati po sa akin kapag kausap ko siya thru phone lang sinasabi niya okay lang siya pero pag nakausap ko si papa sasabihin yung totoong nangyari. Kulit din kasi ni Mom, sabing wag na magkukulit. Pag umaalis si papa for work ayun naglilinis linis pa sa bahay kaya inaatake."
"Nako talaga yun si Ada. Minsan nga dadalaw ako doon."
Sinilip ni Matteo ang wristwatch niya. "Sige po. Oh Tita.. Ffion.. mauna na po akong aalis. Miss na ko ni Mommy. Welcome po kayo sa bahay.."
BINABASA MO ANG
My Queen 19:14 (COMPLETED)
EspiritualA spoiler's copy paste: "Ffion, kung alam mo lang.. I always wanted to come to you. To hug you like this.. to finally get a chance to hear your voice saying my name infront of me, pero hindi ko lang ginagawa kasi hindi pa natutupad yung panata ko no...