Pag-uwi ko sa bahay ay saktong paalis sina daddy."Saan po kayo pupunta?" Tanong ko, nakita kong nakabihis silang pang alis.
"Kay Doc Harry." Sagot ni Mom.
"Ah, sa clinic po niya? Sama po ako?"
Check up nga pala ni Daddy ngayon.
"Huwag na. Magbantay ka nalang sa bahay."
"Sige po."
Sasabihin ko sana na magdala sila ng payong pero nakita kong maaraw naman na sa labas.
Kaya naman dumiretso nalang ako sa kwarto ko. Nilagay ko ang clearbook ko sa side table tapos nagbihis ako ng pang bahay. Agh! Bakit kasi inaway ko pa si Ty!
Kinuha ko ang cellphone ko na naramdaman ko sa may likod ko. Nahigaan ko pa.
May text galing kay Ty.
Tyler Kris:
I'm sorry.
Wala kong balak mag reply. Syempre nahihiya ako. Saka, tama din naman yung mga sinabi at inisip ko ah?
Nagbukas ako ng facebook account ko. Na isang buwan ko na halos di nabuksan. Grabe! Ganon ba talaga pag may ka M.U? Hindi na mahaharap yung mga ganitong bagay?
Panay text at tawag lang.
Nag surf ako.
Scroll down. Scroll up.
Birthday pala ngayon ni Aeva? Wow! Ano kayang ganap sakanila ni Matteo ngayong araw?
Nag PM ako sakaniya. Friends naman kami sa facebook eh.
Happy Birthday, Aeva! Wish you all the best in life!
Delivered.
Nag typing siya agad.
Thanks, Maria Ffion.
Napangiti ako. In seen ko nalang siya.
Bumalik ako sa facebook page.
Naiinis ako! Yung mga page ng Leriyahns nag iingay parin sa FB. Nagsimula kong i unlike yung mga pages na iyon. Ni like ko lang naman yun para maging updated ako sakanila dati.
Pero ngayon masakit ng makita. Hindi ko alam kung bakit, pero masakit. May tiwala ako pero masakit eh.
Nasasaktan ako.
Maya-maya biglang may nag doorbell. Narinig ko eh. Hinayaan ko lang.
Tapos paulit ulit nanamang nag do-door bell.
So nakaalis na sina mommy? Hinahayaan ko sana na sila ang magbukas eh? Sino kaya iyon?
Bumangon ako pero binitbit ko ang cellphone ko para kahit hindi na ako ulit babalik dito sa kwarto. Balak kong manuod ng TV eh.
"Wait lang.." sabi ko habang sinusuot ang tsinelas ko pagtapat sa main door ng bahay.
Tumigil naman na ang pagpindot.
"Ma'am, flower delivery.."
Anang kuya na nakasuot ng pants at poloshirt na pink at may tatak na 'Dindin's flower shop' pagbukas ko ng gate.
Yung flower shop sa bayan?
"Maria Ffion Marquella po?"
"Ah, opo kuya."
Inaabot niya sa akin yung bouquet of sunflower with red roses. Ang ganda! Nakabalot siya sa papel hindi sa plastic.
Kinuha ko ito."Thank you, ma'am." Sabi niya tapos bumalik sa motor niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/130692651-288-k428451.jpg)
BINABASA MO ANG
My Queen 19:14 (COMPLETED)
SpiritualA spoiler's copy paste: "Ffion, kung alam mo lang.. I always wanted to come to you. To hug you like this.. to finally get a chance to hear your voice saying my name infront of me, pero hindi ko lang ginagawa kasi hindi pa natutupad yung panata ko no...