Nasa loob ng salas ang mga magulang. Lola Tasha at Lolo Kris, si daddy at mommy, parents ni Matteo, parents nina Ty, nila Fidel, nila Kuya Jovanne, at ni Ariella.Kami.. nandito sa may terrace. Inilabas ni mommy ang scrabble board kaya naman naglalaro sila.
Kami ni Ty ay nandito sa may gilid magkatabi. Nakatingin lang ako sa mga naglalaro. Natutuwa ako kasi ang iingay nila.
"Kamusta ka?"
Napukaw niya ang atensyon ko. Mahina ang pagkakasabi niya. Parang hangin lang.
Tinignan ko siya. "A-ah, okay lang"
Masyado pala kaming malapit sa isa't isa. Lumayo ako ng konti.
"You seem uncomfortable." Aniya. "Parang anlalim ng iniisip mo."
Ngumiti ako, "Hindi. I'm just overwhelmed. Iniisip ko lang na marami palang nagmamahal sa amin. Sa pamilya namin."
"Ah.. Oo naman. We're just here."
Nanatili lang kaming nakatingin sa isa't isa. Ang gwapo talaga niya!
Nagulat ako nang biglang may umilaw na flash ng camera sa amin.
"Ah! Bakit may flash!" Sigaw ni Ate Shamsee. "Pero ang cute niyo!"
"Ate, behave." Ani Ty.
"Sus! Okay bro!"
Nagtawanan sila tapos nag focus ulit sa paglalaro. Nakita ko namang parang hindi okay si Matteo. He's not on his usual self. Alam ko may problema iyan eh. Napapansin ko. Kailan niya kaya ikekwento?
"Ah, Sa Baguio ka parin ba mag-aaral?"
Yumuko ako, "Hindi ko alam eh.."
"Dito nalang."
Tinignan ko siya. Seryoso ang tingin niya sa akin. May ibig sabihin ang mga tingin niya. Kinikilig ako!
"B-bakit naman?" Tanong ko.
"Para malapit ka sakin." Diretso niyang sagot.
Uminit ang magkabilang pisngi ko. Gosh!
"Yun oh!!" Biglang sigaw ni Fidel. Siya yung pinakamalapit sa amin. Pero kasama siya sa naglalaro.
"Bakit?" Tanong ni Felix na nasa harap niya.
"Wala. May nilalanggam lang sa likod ko. Ang sweet eh!"
Lahat sila nagtinginan sa amin. Sabay tawa.
"Naks! Improving..."
Nahihiya ako sa mga pangangasar nila. Pero bakit ang sarap pakinggan. Yung inaasar nila ako sakaniya. Yung lahat sila alam M.U kami.
Ang sarap sa pakiramdam na parang lahat sila boto sa amin.
Nagulat ako nang biglang may tumunog na cellphone. Familiar na sa akin ang tunog.
"Cellphone mo.." sabi ko kay Ty.
Kinapa niya ang bulsa ng pantalon niya. Nakuha niya ang cellphone niya kung saan nanggagaling yung tunog.
"Ah, excuse me.." aniya sabay nilagay ang phone sa tainga niya.
"Taliyah? ... So how was it? ... Oh? ... I'm so proud! ...Congrats!"
Naningkit ang mga mata ko. Si Taliyah nanaman?
Alam kong wala lang iyan. Kasi may tiwala ako sa mga sinabi niya. Pero hindi ko maiaalis sa sarili ko ang makaramdam ng sakit na makita at marinig siya na binabanggit ang pangalan ng taong minsan ko ng pinagselosan.
BINABASA MO ANG
My Queen 19:14 (COMPLETED)
ДуховныеA spoiler's copy paste: "Ffion, kung alam mo lang.. I always wanted to come to you. To hug you like this.. to finally get a chance to hear your voice saying my name infront of me, pero hindi ko lang ginagawa kasi hindi pa natutupad yung panata ko no...