A/N (MUST READ!)HEP! CHAPTER 20 NA ITO. HANAPIN MO SA IBABA ANG CHAPTER 16-19. NASA PAGKATAPOS NG CHAPTER 24.
---
"Aba'y ano ba ang dapat kong isagot dyan ngayong nakangiti si Ffion sa narinig niya?" Ani daddy.
Natawa si Ty tapos nilingon sila.
"Pwede ko po ba siyang ligawan?"
Ligawan? Ligawan?! Mahal na kitaaaaa! Dito nababagay ang mga salitang WHY BOTHER!
"Sure!"
Nagulat ako sa biglang sagot ni mommy.
"Mom.." sabi ko tapos hinarap siya. Nasa likod siya ni Ty.
Pero hindi ko mapigilan ang ngumiti parin.
"Bakit? Ayaw mo ba?"
Hindi ako sumagot. Humarap lang ako ulit sa windshield.
"Kami nalang po ni Ffion ang mag-uusap tita. Pwede ko po ba siyang mahiram mamaya? Pagkatapos po ng panata. Ibabalik ko po siya sa inyo before 10PM."
"Sige Ty." Ani Dad. Really dad? Agad agad?
Nakasara ang bibig ko dahil pinipigilan kong ngumiti. Ugh! Plinano ba niya ito? Na kausapin ang mga magulang ko dito?
Sa kotse niya?"Sige po, aandar na tayo."
At umandar nga ang sasakyan. Pero wala pang tatlong minuto ay nasa harap na kami ng kapilya. Pinasok ni Ty ang kotse sa gate na ang nagbukas ay si Fidel.
Nag salute pa siya nang makita ako dito sa loob. Nginitian ko lang siya.
Nagparke si Ty sa may parking lot sa gilid ng kapilya.
"Salamat po sa inyo, Tito Diego.. Tita Carmina." Ani Ty habang nakatingin sa likod.
"Salamat din hijo." Sagot nila.
Hinarap niya naman ako, "Ffion, mamaya tayo mag-usap."
Pagkasabi niya no'n ay lumabas siya sa kotse. Tapos agad pinagbuksan ng pinto si mommy.
"How sweet of you, Ty." Ani mommy.
"Always, tita."
Hay nako... sobrang gusto talaga niyan ni mom si Ty. Yung ugali daw at pagkilos napaka elegante. Kaya nga suportado niya ako mula noong una kong naging crush si Ty.
Si daddy naman siya ang nagbukas ng pinto niya. Sinalubong nalang siya ni Ty.
Bumaba narin ako. Si Ty pa yata ang mag hahatid kay daddy sa loob. Sabagay pareho sila ng uupuan. Nagsimula silang maglakad papunta sa bungad ng kapilya.
"Ffion..." Malambing na tawag sa akin ni mommy tapos kumapit sa mga kamay ko.
"Oh mom.." Sabi ko pagkatapos kong isara ang pinto ng kotse.
Tinignan ko ang dalawang lalakeng importante sa buhay ko na naglalakad at nagtatawanan papasok sa loob ng gusaling sambahan.
"Kayo na no?"
Tinignan ko si Mommy.
"Hindi po!" Sagot ko agad.
Tinignan niya ako na parang hindi naniniwala sa sinabi ko, "Eh okay. Sabi mo eh."
Dumiretso nalang kami sa loob ng Kapilya dalawa.
Pagkatapos ng panata ay naunang umuwi sina mommy at daddy. Marami naman silang kasabay pauwi eh.

BINABASA MO ANG
My Queen 19:14 (COMPLETED)
EspiritualA spoiler's copy paste: "Ffion, kung alam mo lang.. I always wanted to come to you. To hug you like this.. to finally get a chance to hear your voice saying my name infront of me, pero hindi ko lang ginagawa kasi hindi pa natutupad yung panata ko no...