05

1.1K 31 0
                                    




"Uy! Ang sweet naman!"

Naiangat ko ang ulo ko. Nasa tapat na pala kami ng Kapilya.

Si Petter yung nagsalita. Nakaupo siya sa... tabi ni Tyler? Bigla akong lumayo kay Matteo.

Sila ang magkasama dito?

"Hey, Ffion. Cheer up!" Ani Petter. "Makaka recover din si Ka Diego. I will pray for him!"

Nginitian ko siya.

"A-ah.. mauna na ako."
Rinig kong sabi ni Ty. Tapos tumayo siya. Pinagpag niya ang pantalon niya. Naka polo shirt siyang puti, tapos slippers lang.

Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi manlang ba niya ko kakamustahin? Alam kong alam niya ang pinagdadaanan namin ngayon dahil alam ng ibang pinsan niya. Habang ka text ko si Fidel kagabi ay sinabi niyang magkakasama silang magpipinsan sa bahay ng Lola nila at doon pa nga natulog. Kaya imposibleng hindi niya alam yun. Pero bakit hindi manlang niya ako pinansin?

Tapos.. aalis na siya agad?

"Uy! Saan ka pupunta?" Tanong ni Petter.

"Sa loob ng Kapilya." Sagot niya.

Ah.. sa loob naman pala ng Kapilya. Okay lang!





~*~*~*~


Tyler Kris Francia III' POV


Nandito kami sa bahay ng Lola namin. Kasama ko ang mga pinsan kong si Ariella, Kuya Jovanne, Felix, Fidel, Ate Nichole at Ate Jelay. Lahat kami may dalang clearbook. May insayo kami mamaya. Dumaan lang kaming magpipinsan bago kami dumiretso sa Kapilya na malapit lang dito sa bahay nila. Si Ate Shamsee nandoon na sa Kapilya kanina pa.

Suot ko sa tainga ko ang beatz kong puti. Tumutugtog ang paborito kong kanta sa ngayon, kanta ko para sa babaeng mahal ko. Mahal, pangako sa iyo.

Nagtatawanan sila at nagkukwentuhan kasama ang lolo at lola ko. Ako naman.. nandito lang sa isang tabi. Sanay na sila sa akin. Hindi nalang nila ako pinapansin. Tahimik ako at walang imik. Wala lang... mas kumportable lang ako na ganito.

Nagulat lang ako nang alisin ni Ate Jelay ang Beatz sa akin. Sumimangot ako dahil naputol ang music.

"Why Ate?" Tanong ko.

Natawa siya, "Bakit mo ba ako ina-ate, magka edad lang tayo oy! Tara na sa Kapilya."

"Tsss.."

Tumayo na ako.

"Lo! Pagamit ng Van. Para dito kami ulit diretso pag-uwi!" Rinig kong sabi ni Kuya Jovan.

Sumagot si Lolo, "Oo! Ipagluluto kayo ng lola ninyo ng masarap na adobo!"

"Totoo iyan." Ani Lola.

Nangiti ako. Pero hindi ko pinakita. Ibinalik ko ang beatz sa tainga ko para ipagpatuloy yung kantang naputol.

Sumakay ako sa unang row sa Loob ng Van. Nauna akong sumakay kaya ako ang nasa may tabi ng bintana. Tumabi sa akin si Ariella. Busy siya sa phone niya. Buti naman.

Nang umandar ang sasakyan na si Kuya Jovanne ang nag drive ay nagulat ako nang biglang naputol ang kanta at nag vibrate ang phone ko.

My Queen 19:14 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon