16

976 24 0
                                        


A/N

ITO ANG CHAPTER 16, NAGKAGULO GULO YUNG ORDER NUNG IN PUBLISH KO. SORRY FOR THE INCONVENIENCE!

--

Tyler Kris' POV

Hindi muna ako aalis hangga't hindi niya pa isara ang gate.

Nang maisara niya ay tumawid na ako sa kabilang kalsada at naglakad hanggang makarating sa motor na dala ko.

Tapos biglang nag vibrate ang cellphone ko.

Matteo Calling

Sinagot ko ito. Humarap ako sa may bahay nina Ffion nang mailagay ko ang cellphone sa tainga ko.

"Bakit?" Panimula ko.

"Nandito ako sa harap ng kapilya."

"Sige."

Namatay ang tawag. Mag-uusap kami, yun ang ibig sabihin no'n. Mabuti naman pala. Talagang gusto ko siyang makausap.

Pinaandar ko ang motor tapos huminto ako sa harap ng kapilya. Nakita ko si Matteo sa may gate ng kapilya.

Pagbaba ko ay dumiretso ako sakaniya.

"Oh.." Inabutan niya ako ng isang coca cola in can.

Tinanggap ko ito, "Salamat."

Uminom ako ng konti.

"Mahal ko si Ffion." Bigla niyang sabi.

Tinignan ko siya. Mas matangkad ako sakaniya ng dalawang dangkal. Psh, magka height sila ni Ffion.

"Mas mahal ko siya." Sagot ko naman.

Ngumisi siya, "Akala ko hindi na kita magiging ka kumpitensya. Sino si Taliyah Linco?"

"A friend."

"Friend? Hindi mo ba alam na iniiyakan ni Ffion yung bawat post na makita niya tungkol sa inyo? A single picture could tear her heart."

Hindi ako nagsalita. Iniinom ko lang ang coke.

"Oo para sa iyo wala lang iyon. Hinahayaan niyo yung mga tao na mag assume because you're that quiet, pero hindi mo alam na may isang taong sobrang dinadamdam ang bawat ganon. Masyado ka lang niyang mahal para hindi isumbat sa iyo ang lahat ng iyon. At yun ang ayokong mangyari. Yung kahit nasasaktan na siya, hindi siya magrereklamo kasi sobrang mahal ka niya."

Ang daldal naman ng isang 'to.

"Sobrang mahal ko din siya." Tinignan ko siya.. "Kami na ang bahala sa iba."

"Then end things with Taliyah Linco."

"Walang kami. We're just friends."

"Hindi mo parin ba naiintindihan? Nasasaktan si Ffion sa ganon. I know her for over 10 years. Mababaw siya. She's sensitive. Matatag lang iyon sa paglilingkod. Pero pagdating sa'yo... iba siya."

"I cannot leave a friend just for that."

Hinagis niya ang coke sa trash can.
Tapos umayos siya ng tayo. Nakapamulsa na siya.

"Fine. Gawin mo ang lahat ng gusto mo. Pinapangako ko.. makikita rin niya na ako ang talagang nagmamahal sa kaniya."

Hinagis ko din ang coke in can sa trash can dahil ubos ko na ang laman.

"Hindi naman ako takot magkaroon ng ka kumpitensya." Sabi ko.

"Good." Sagot niya. Inalis niya ang kanang kamay niya sa bulsa niya atsaka inalok sa akin. "May the best man win?"

My Queen 19:14 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon