11

986 24 0
                                    



Kapag laman ng isip mo palagi, bigla bigla nalang talagang lalabas sa bibig mo kahit hindi mo na pinag isipan.

Bakit ko nasabi iyon? Sa harap niya? Argh!

Nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Kahit ilang segundo na ang nakalipas.

"Ah, w-wala." Sabi ko bago pa siya mag react.

Tumayo ako. Hindi naman gaanong masakit pag maglakad. Pero tiyak hindi ako makakaligo nito sa dagat!

"Babawiin mo nanaman?"

Napahinto ako nang magsalita siya. May kausap ba siya sa phone? Taliyah again?

Tss..

Maglalakad na sana ako ulit nang magsalita siya ulit.

"Ffion, manindigan ka naman."

Hinarap ko siya, "H-ha?" Naguguluhan ako. Ako ba kinakausap niya?

"Can't you just.. tell me you love me and then stand for it?"

Teka, Anong sinasabi niya?

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Kanina pa kasi mabilis habang magkasama kami. Pero ngayon parang.. kinakabahan ako.

Wala akong masabi.

Lalo nang bigla siyang lumabas. At iwan akong mag isa. Matapos niyang guluhin ang utak ko?



~*~*~*~



Tyler Kris' POV

Bakit ba lagi niya nalang binabawi? Noong highschool sinabi niya joke lang na crush niya ako matapos niyang aminin. Tapos ngayon...

Nag martsa ako palabas ng cottage. Hays! Bakit ko ba siya iniwan? Pano kung mapano siya doon? Paano kung bumalik yung letseng Matteo na iyon...

Pabalik na sana ako nang bigla akong may narinig na parang nag babangayan malapit lang sa cottage namin.

"Matteo! Ako ang girlfriend mo!"

Wala naman sana akong pakialam kaso narinig ko yung pangalan ni Matteo. Sinilip ko yung dako kung saan ko narinig.

Nakita ko si Matteo at yung Aeva. Nasa may silong sila ng puno ng niyog. Nakasandal doon si Matteo habang nakatayo sa harap niya ang naiinis na si Aeva.

"Sabihin mo lang kasi kung mahal mo ba talaga ako.. o si Maria Ffion parin yung nasa puso mo!"

"Fine.. I love her. I still love her." Matigas na sabi ni Matteo.

I knew it! Wala talaga akong tiwala sa lalakeng iyan. Nakikita ko sa mga mata at ngiti niya na mahal parin niya si Ffion. At ayokong nakikita iyon.

"M-matteo.. minahal kita. Maraming iba dyan na gusto ako! Na pilit inaabot ako! Pero sa'yo ko nahulog. Tapos.. naging tayo. Tapos.. tapos sasabihin mo hindi mo ako mahal?"

Ayokong maging tsismoso kaya nagpasya na akong umalis doon.

Babalikan ko si Ffion! Kailangan ko ng gumawa ng moves para hindi ako maunahan. Alam kong may binabalak na iyang si Matteo. Kailangan ko siyang unahan. Ayoko na ganito nalang lagi. Kailangang ako naman.



My Queen 19:14 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon