25

920 26 0
                                        



Gabi gabing may panata ang mga kadiwa sa lokal, para sa gaganaping THIS IS KADIWA sa susunod na linggo. Ito ang huling panata para makumpleto ang isang linggo.

"Mga kapatid, ang this is kadiwa na ito ay masaya. Lahat po sana tayo makipagkaisa."

Iyan ang huling sinabi ni Kuya Rogie bago magtapos ang tagubilin. Siya ang pangulong kadiwa ng lokal.

"Excited na ako!" Tuwang tuwa na sabi ni Ate Nichole.

"Naks, uuwi yung jowa mo?"

"Syempre!"

Awe.. ito ang pangalawang beses kong dadalo sa This is kadiwa mula noong naging Kadiwa ako. Noong una, sa Baguio ako dumalo eh. At lam ko ang struggle kapag wala kang ka partner sa aktibidad, yung pag wala kang ka date. Pag nakita kang nag-iisa hahanapan ka nila ng kapareha na taga ibang lokal. Yung hindi mo kilala. Tapos nay ipapagawa sa inyo na kung anu anong games.

Waaaaah~ ayoko ng maulit yung nangyari last year na naipares ako sa lalakeng senior kadiwa na.

"Huy? Iniisip mo?"

Nalingon ko ang nagsalitang si Ariella.

"A-ah, wala. Uuwi na kayo?"

"Oo. Tara na sa labas!" Aniya tapos naglakad na palabas.

Napansin kong kaming dalawa nalang pala ang nandito sa loob ng kapilya.

Paglabas ko sa pinto ay nakita ko si Tyler Kris na nag-aabang doon sa may gilid.
Nakapamulsa siya habang malalim ang iniisip.

"Uy?" Tawag ko sakaniya.

Nakuha ko ang atensyon niya.
"Oh? Uwi na?"

Tumango ako bilang tugon, tapos lumapit sakaniya. Sabay kaming naglakad. Hinahatid niya talaga ako sa bahay tuwing pagkatapos ng panata. At masasabi kong sa mga nagdaang linggo matapos ang first kiss naming iyon, hindi na kami nag away pa. Lagi kaming okay. Lagi kaming nagkakaintindihan. Sana ganito lagi!

Nakalabas na ng gate halos ang ibang kadiwang dumalo ng pulong. Pati si Ariella na kanina'y nasa loob lang kasama ko ay hindi ko na mahagilap. Magkakasama kaya sila nina Matteo at Petter?

"Anong iniisip mo ha?" Tanong niya.

"Wala, ikaw kamo kanina ang lalim ng iniisip mo." Sabi ko naman.

Natawa siya. Tapos hinagod pataas ang buhok niya.

"Ano nga?" Tanong ko ulit.

Para siyang hindi mapakali eh.

"Sige. Magpapaka honest ako.. nahihiya ako. Nag-iisip ako ng magandang paraan para yayain kang maging date ko sa this is kadiwa."

Napahinto ako tapos natawa ng malakas.

Pero natigilan ako nang makitang seryoso parin siya. Nakataas pa ang isang kilay niya habang pinag mamasdan ako.

"W-why?" Tanong niya.

"Bakit kailangan mo pang pag-isipan? Saka, nahihiya? Sus, ako na nga dapat magyayaya sa'yo eh." Sabi ko naman. Pero biro lang yun.

"E-eh.. so, ikaw na ang kasama ko sa buong aktibidad ha?"

"Oo naman!" Tugon ko.

My Queen 19:14 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon