Pag-uwi ko galing sa pagsamba ng kabataan, nagbihis lang ako ng pangbahay. Tapos balak kong manatili lang sa bahay buong araw. Para nadin may kasama sina mommy at daddy.Nabasa ko ang text ni Matteo sa akin kaninang alas seis kinse
Matteo:
Dalaw ka dito sa bahay. Kung di ka busy.
"Nak?"
Nakita kong palapit si daddy dito sa sofa sa sala kung saan ako nakaupo.
"Po?" Binitiwan ko ang cellphone na hawak ko at inilapag sa gilid ko.
Pag upo niya ay inilapag niya iyong saklay niya sa sahig.
"Si mommy po?" Tanong ko.
Magkatabi na kami ngayon. Nakatingin siya saken.
"Nasa taas. Nakaharap sa computer."
"Ah, may inaasikaso po yata sa negosyo."
Yumuko siya, "Umiiyak nga eh."
Umiling ako, "Bakit po?"
"Sabi niya mawawalan na tayo ng internet dito sa bahay. Ititigil na daw niya iyong online business niya. Saan na daw tayo kukuha ng pang gastos. Sinabi ko namang okay lang eh, may ipon parin naman ako kahit papano. Pero sabi niya hindi daw sapat yun. Kailangang wag ng gastusin pa iyon. Para magamit sa mga susunod."
"Hayaan niyo nalang po si mommy."
"Alam ko..."
"Basta po kayo maging positibo lang ha?"
"Oo naman. Makukulangan tayo pero hindi tayo mawawalan." Inakbayan niya ako tapos idinikit niya ako sakaniya. "I love you, Ffion."
"I love you too, dad." Niyakap ko siya. Hays.. malalampasan din natin ang lahat dy. Tiwala lang.
Nagulat ako nang tumunog ang cellphone sa tabi ko.
"Ah, wait lang dad."
Kumalas ako sa pagkakayakap.
Sinilip ko ang cellphone ko, si Tyler Kris!
Tinignan ko si daddy, inaabot niya yung remote. Kinuha ko ito atsaka iabot sakaniya.
"Dad oh, manuod ka?"
Tumango siya, "Di mo ba ko sasamahan?" Kinuha niya ang remote sa kamay ko.
Ngumiti ako.. "Ah.. aakyat lang po ako sa kwarto. Wait lang po."
Sinagot ko ang tawag tapos dali dali akong tumakbo sa taas. Sinara ko ang pinto ng kwarto ko tapos dumapa ako sa kama ko.
Tinanggal ko muna ang hingal ko bago ko idinikit ang phone sa tainga ko.
"Hello?" Tanong ko.
"Oh? Tumakbo ka?"
"Ah.. hehe.. oo."
"Bakit? Narinig ko eh."
"Wala. Katabi ko kasi si daddy kanina sa salas. Nailang akong sagutin ang tawag mo doon kaya umalis ako."
"Ganon ba? Kamusta siya?"
BINABASA MO ANG
My Queen 19:14 (COMPLETED)
EspiritualA spoiler's copy paste: "Ffion, kung alam mo lang.. I always wanted to come to you. To hug you like this.. to finally get a chance to hear your voice saying my name infront of me, pero hindi ko lang ginagawa kasi hindi pa natutupad yung panata ko no...