Matteo's POV"So ganyan pala ma inlove ang isang Tyler Kris Francia the third?" Sabi ni Ffion habang nakatitig kay Tyler na parang siya lang ang lalake sa mundo niya.
"Yeah. Iba kasi talaga pag Maria Ffion Marquella." Ganon din naman ang tingin ni Tyler sakaniya.
They are deeply madly inlove with each other. They're showing to public how inlove they are. And I too can see it.
Hindi lang ako, marami kaming nakatanaw sakanila ngayon.
"Aw, ang sweet nila!"
"Diba si Tyler Kris Francia III yo'n?"
"Ang tameeeeeeess!"
Naririnig kong sinasabi ng mga nasa paligid. Humakbang ako ng tatlong hakbang paatras bago tuluyang naglakad palayo.
Pinindot ko ang END na nabasa ko sa screen ng cellphone ko. Hindi ko pinatay ito noong tumawag si Ffion kanina, kasi hindi naman niya nasabi kung nasaan siya. Pinakinggan ko lang siya. Narinig ko ang mga pag-iyak niya. Akala ko, ito na yung paraan ng Ama para paglapitin kaming dalawa. But I was so wrong...
Dumating si Ty. At narinig ko ang lahat ng pinag-usapan nilang dalawa. Pero tanaw ko na sila. Nauna lang siya sa akin na makalapit kay Ffion
Yun yun, nahuli ako. I should've run, edi sana ako ang kayakap ngayon ni Ffion. Sa akin sana siya nag drama! Ako sana ang nagpagaan ng loob niya.
Inalis ko ang una at pangalang butones ng polo ko. Tinapon ko ang hawak kong bouquet of red roses sa trash can na nadaanan ko.
So hindi ako.. Hindi padin pala ako..
Hindi ako ang pinahintulutan ng Diyos na manalo sa friendly match namin ni Ty sa "May the best man win?"
So si Tyler Kris ang best man para kay Ffion. I can imagine how happy she is right now. Sakanila natupad ang panata ng bawat isa.
So they're really the perfect match made by heaven?
Ang hirap. Yung pinagpanata mo, pinagpanata din ng iba.
But that's life. We should face it and then move on right after.
Hindi talaga ibibigay ng Diyos ang hindi para sa'yo.
~*~*~*~
Maria Ffion Marquella's POV
"Ffion! Nakakalakad na ulit ako!"
Umalingawngaw ang sigaw ni daddy sa buong bahay.
Nag unat unat ako. Kakagising ko lang. Nagising lang ako sa sigaw niya. Napangiti ako sa narinig kong sinabi niya.
"Ffion! Ffion!"
Nagtalukbong ako ulit. Tapos narinig ko ang pagbukas ng pinto sa kwarto ko
"Ffion!"
Tawag ng tawag si daddy.
"Poooo?" Tamad kong sabi. Humikab pa ako.
BINABASA MO ANG
My Queen 19:14 (COMPLETED)
EspiritualA spoiler's copy paste: "Ffion, kung alam mo lang.. I always wanted to come to you. To hug you like this.. to finally get a chance to hear your voice saying my name infront of me, pero hindi ko lang ginagawa kasi hindi pa natutupad yung panata ko no...