12

992 25 1
                                    


"Ffion, tama na."

Napatayo ako doon. Tama na ang? Tama na, na gustuhin ko siya? Tama na, na mahalin ko siya? Kasi hindi tama na magkagusto ako sa taong may mahal ng iba?

Iniisip ba niya na makakasira ako sa relasyon nila?

Hindi! I'm not a whore! A snake or a Fish! I'm not. Mahal ko siya pero wala kong balak agawin siya sa iba. Ayokong manakit ng iba.

Hinihiling ko siya sa mga panalangin ko at hinahayaan kong Diyos ang gumawa. Magalang kong hinihintay ang pahintulot ng Ama. Kasi alam ko kahit matagal.. kahit pa habang buhay akong maghintay.. alam ko ibibigay niya. Sinusunod ko ang nararamdaman ko pero wala kong balak mang gulo.

Sa ngayon, sila. Hindi ko alam ang mangyayari sa mga susunod na panahon kaya hinihiling ko ang gusto ko. Sa ngayon, sige magmahalan sila. Basta gusto ko, sa akin siya ibigay ng Ama sa huli.

Bahala na ang Ama na gumawa ng paraan para mamgyari iyon. Hindi ako ang gagawa. Hindi ako ang manggugulo. I will patiently wait... for our right time.

I'm letting God to direct my life. Only him. 

Kahit gustong gusto ko ng umamin.. hindi ko magawa. Kahit nasasabi ko na, binabawi ko. Kasi hindi ko kayang mag-isa. Hindi ko kayang panindigan pa habang may mahal siyang iba. Hindi ko kayang magkasala sa Ama.

"W-wala akong masamang balak." Sabi ko tapos yumuko.

"Tama na Ffion. Hulog na hulog na ako."

Naiangat ko ang ulo ko para tignan siya. Nakatingin siya sa akin. He's now looking directly at my eyes. Ano yung sinabi niya? Hulog na siya? What is that means?

Kinakabahan ako. Sana.. sana tama ang iniisip ko. Sana sinagot na ng Ama ang mga panalangin ko.

"Mahal na mahal kita." Aniya.

Kumurap ako. Nananaginip ba ako? Wait.. hindi ba ito totoo? Bakit ang dali para sakaniya na sabihin iyon? Pareho ba kami? Na bigla bigla nalang lumalabas sa bibig yung laman ng isip?

"Sa tawa mo, sa pictures mo, sa ngiti mo, sa pananalita mo, sa galaw mo, sa pananamit mo, sa ugali mo.. sa'yo. Hulog na hulog na ako sa'yo."

My jaw dropped. "A-anong sinasabi mo?"

Parang umiinit ang mga pisngi ko. Para akong naiiyak.

"Mahal kita, Ffion. Matagal na."

Napalunok ako. Hindi ko na naririnig ang kahit ano. Panay ang kabog ng puso ko nalang.

"Tyler.. Kris.." Tanging sambit ko.

"Mahal kita, noon pa man! Ikaw lang." Seryoso ang mga tingin niya sa akin. Bakit ganon? Bakit yung mga mata niya sinasabing totoo ang lumalabas sa bibig niya?

Teka, paanong ako? Bakit niya ako mahal? Pano si Taliyah?

"H-how come?"  Tanong ko. Hala!!!! Bakit ganito? Akala ko kapag sinasabi sa'yo ng isang tao for the first time na mahal ka niya, akala ko magtatatalon ako sa tuwa. Akala ko pag finally narinig ko na iyon lalapitan ko siya at yayakapin ng mahigpit para iparamdam na mahal na mahal ko din siya. Pero bakit ngayon... parang natatakot akong humakbang o gumalaw man. Natatakot ako na mas mahulog.. natatakot akong sumugal.

My Queen 19:14 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon