22

938 26 0
                                    


Maria Ffion's POV


Paggising ko kinabukasan ay nagmadali akong bumangon. Naunahan ko ang alarm. Nagpasya ako na umaga magsamba ngayong huwebes. Usually kasi gabi talaga ako sumasamba pag huwebes. Pero kapag linggo, umaga para diretso na sa PNK.

"Mom?" Kinakatok ko ang pinto nila.

Walang nagsasalita. Kaya binuksan ko ito.

Tulog na tulog padin silang dalawa at magkayakap pa talaga.

Gabi siguro nila balak mag samba. Hinayaan ko nalang. Bumalik ako sa kwarto tapos tinignan ang cellphone ko, may text galing kay Tyler kagabi. May missed call din. Pero tulog na tulog ba ako at hindi ako nagising?

From: Tyler Kris

10:04PM

Ffion, kumain ka bago ka matulog ha? I'm sorry. Wag ka ng magalit. I love you.

11:36PM

Good Night, Ffion.

Aw! Hindi nga pala ako nakakain kagabi. Wala naman akong ganda eh.

Hindi na ako nag reply. Kagabi pa naman yun eh. Bahala na kung magkita kami mamaya. Nasa Diyos na yun kung pahihintulutan niya.

Pagkatapos ng pagsamba ay uuwi na ako.. naglalakad ako nang mag-isa. Mamayang gabi ang tupad ng mga Francia. Kaya narin umaga ako sumamba para maiwasan ko siya. Parang hindi ko kayang makita siya sa koro habang hindi kami okay.

"Parekoy!!!"

"Ay putek!!"

Napasigaw ako habang tumatawa naman siya.

"Matteo!" Saway ko sakaniya. Hawak ko ang dibdib ko. Kita kong nakasuot siya ng pangsamba. Nagsamba din siya pala.

"I miss youuuu!" Sabi niya sabay inakbayan ako.

Natawa nalang ako.

"Ayan, tumawa ka rin. Kanina mukha kang pinagbagsakan ng langit at lupa paglabas ng kapilya eh."

"Ayaw ko ngang lalabas doon eh. Kasi alam ko magiging ganito nanaman ako."

"Hmmmm, anong problema ha?"

Inalis ko ang pagkakaakbay niya sa akin. Bago sumagot. "Tse! Ikaw din hindi mo sinabi yung problema mo noon. Alam kong meron."

"Wala na yun. Past is past."

"Sus!" Sabi ko.

Tapos kiniliti ko siya bago ako tumakbo patalikod. Mabagal lang dahil naka heels at skirt ako.

Nakita ko ang pag singkit ng mga mata niya. "Ikaw ha!"

Natawa ako nang tumakbo din siya palapit.

Nang maabutan niya ako ay yumuko ako. Iniiwas ko ang sarili ko sakaniya. Tawa lang kami ng tawa dalawa.

"Ffion.."

My Queen 19:14 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon