Parang nagbago si mama, hindi na siya ganon ka masiyahin. Masyado niya na ding bukambibig ang mga gastusin at kung ano ano pa na hindi dapat pinuproblema.Totoo nga, kulang na kami sa budget. Nawalan ng trabaho si daddy. Malaking tulong sa pangangailangan naming tatlo yung sinasahod niyang dulyar buwan buwan. Hindi naman nakapag ipon si daddy bago siya pinauwi, hindi naman expected eh. Aksidente yung nangyari. Kaya hindi napaghandaan.
"Malapit narin akong mawalan ng hanap buhay! Mapuputulan na tayo ng internet connection!"
Sigaw ni Mommy habang naghahanda ng almusal. Ako nakaupo na dito sa harap ng hapag. Si daddy naman, nasa salas nanunuod ng TV.
Oo nga pala, online shop ang business niya. Pag naputulan kami ng internet, malaki ang tyansa na titigil na iyon.
"Ma, hindi yan!" Sabi ko nalang.
Humarap siya sa akin para ihain yung tortang talong at sinangag. Woah! Peborit! Okay lang naman saken kahit ganto ulam kada umaga eh.
Lumabas si mommy ng kusina. Nagsimula na akong kumain. Nanalangin muna ako syempre.
"Kain na?"
Nalingon ko ang nagsalitang si daddy. Naka wheelchair na tulak tulak ni mom.
"Yes daddy!"
After naming kumain ng breakfast, dumiretso ako sa garden ng bahay namin. Si mom and dad ay nanatili sa loob ng bahay.
Pinagmasdan ko ang mga nakapasong halaman. Magaganda ang mga bulaklak nito. May pula, asul, dilaw, pink, peach at marami pang iba. Mahilig magtanim si mommy. At hindi ko namana iyon.
All I do is.. pag pasukan aral, tambay sa bahay tapos kapilya. Kapag bakasyon, tambay sa bahay, kain, tulog, tapos kapilya lang. Syempre tumutulong din naman ako sa mga gawaing bahay gaya ng pagluluto at paglilinis.
Nagulat ako nang may mag doorbell. Tinungo ko ang gate. Binuksan ko ito.
"Ate Shams?"
Nabigla ako, anong ginagawa ni Ate Shams dito wearing halter top and maong shorts? May bitbit din siyang shawl.
"Tara!" Aniya na ngiting ngiti.
Napansin ko rin ang Van na nasa likod niya, kulay gray. Van ng lolo nila?
"A-ate, saan?" Tanong ko.
"Beach!"
"Ngayon na po Ate? S-saka bakit--"
Pinutol niya ako agad. "Wala ng bakit bakit. Dala ka na gamit mo. Wait kita dito."
"A-ah sige te. Wait lang po."
Pag pasok ko sa bahay nadatnan kong nanunuod si mommy at daddy sa salas.
"Mom, dad, nandyan po sina ate shams niyayaya ako.. beach daw!"
Nangiti si mom na parang may kahulugan, "Hmm.. Dad oh nagpapaalam."
Tumango si dad, "Sige! Basta pahatid ka pauwi. Okay lang kami dito ni mommy."
"Sige po!"
Tumakbo akong agad sa kwarto ko sa taas tapos nagpalit ng damit. Hindi ko na maharap maligo dahil nakakahiya sakanila naghihintay. Saka.. sino sinong nasa Van na iyon? Nandun kaya si .. crush?
BINABASA MO ANG
My Queen 19:14 (COMPLETED)
Tâm linhA spoiler's copy paste: "Ffion, kung alam mo lang.. I always wanted to come to you. To hug you like this.. to finally get a chance to hear your voice saying my name infront of me, pero hindi ko lang ginagawa kasi hindi pa natutupad yung panata ko no...