04

1.2K 24 0
                                        



"Bye! Matteo!" Sabi ko habang papasok ako sa may gate ng bahay. Inihatid niya ako gamit ang motor niya. Nauna na kasing umuwi si mama dahil after ng pulong nila, nag insayo pa ang mga mang-aawit at pagkatapos no'n saka lang kami nakunan ng tala ni Ate Shams.

Dumiretso ako sa kwarto ko. Maaga pa naman kaya't kinuha ko ang cellphone ko mula sa pagkaka charge tapos nagbukas ako ng facebook account ko.

Maraming friend request. Pero hindi ko iyon pinansin. Bagkus, in search ko ang pangalang Tyler Kris Francia III. Bakasyon!Walang pasok! Walang home work! Kaya naman... let's stalk!

Puro nalang Tagged post and photo from Leriyahns ang nakikita sa timeline niya. Lalo na may show kanina lang si Liyah sa TV.

Kaya naman inis na inis ako habang ini scroll pababa para mahagip ko ang ka popost niyang DP last week. There!

Humakot na agad ng 2.3k likes. Woah?

Masasabi kong sumikat siya lalo dahil naging girlfriend niya si Taliyah Linco. Pero matagal na siyang sikat. Mula lang nung naging sila.. mas maraming nakapansin sa kagwapuhan niya. Kaya naman marami ding haters ang loveteam nila. At isa na ako doon. But unlike them.. ako mahal ko talaga si Tyler! I'm praying for him!

"Nak?"

Kinatok ako ni Mommy. Pero nabigla ako. Parang umiiyak siya. Kaya naman binitawan ko ang phone ko atsaka tumakbo sa may pinto.

"Yes, mom?"

Pagbukas ko ng door. Agad niya akong niyakap. "Ffion.. uuwi daw ang papa mo."

"B-bakit po? Bakit k-kayo umiiyak dahil don?"

"Nadisgrasya daw siya 'nak." Pagkarinig ko nun. Nag unahan ang mga luha ko sa pag agos. Basa ang kaliwa't kanang pisngi ko.

"Napilayan daw siya. H-hindi na siya makakalakad." Tuloy ni mama.

Hinahagod ko ang likod niya. Sabay kaming humagulgol habang magkayakap.

Paano yun? P-paano nangyari?

~*~


AFTER THREE WEEKS


"Mom, inom ka muna ng Cold water." Sabi ko kay mommy habang hawak ko ang isang basong tubig na inaalok ko sakaniya.

Hindi niya ito pinansin. Paikot ikot lang siya sa salas.

Nanginginig ang mga kamay niya. Ngayon na ang araw ng pagdating ni daddy galing ibang bansa. Ihahatid siya dito sa bahay ng sasakyan ng company nila sa Philippines.

Si Matteo, Ako at si Mommy ang nandito.

"Ikaw na muna ang uminom niyan, Ffion." Ani Matteo.

Kaya naman ininom ko ito tapos umupo sa sofa. "Thanks, Matt."

Nang may nag door bell. Agad akong napatayo. Pero si mom, tumakbo doon.

"Diego!" Rinig kong sigaw ni Mommy mula sa labas ng bahay.

Tumakbo din kami doon. Nakita kong tinutulak ng isang naka jacket na itim na lalake ang wheel chair na sakay si daddy.

My Queen 19:14 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon