24

857 27 0
                                    



"Tara balik na tayo doon." Ani Ffion. Sinundan ko nalang siya hanggang makabalik kami sa table namin.

Umupo siya agad. Nakita ko namang wala ng laman ang plato niya, ubos na ang mga pagkain niya.

"A-ayaw ko na. Hindi ko na uubusin." Sabi ko. Nakatayo parin ako. Ayoko na dito. Natatakot ako.

Pano kung yung dalawang babae kanina, fans ng Leriyah sa facebook? Pano kung hinuhusgahan na pala nila si Ffion dahil kasama ko siya? Pano kung..

Umiling ako.

Hindi ka dapat mag-isip ng kung anu ano, Tyler Kris.

"Aw, sayang.. busog na ako. Ubusin mo yan."

Sinabi niya yan na parang wala akong choice kundi sundin ko siya.

Kaya umupo ako ulit.

"Ayaw ko sa lahat yung hindi inuubos ang pagkain."

"Opo na." Sabi ko sabay kagat sa chicken joy.



~*~*~*~



Maria Ffion Marquella's POV


"Bye po!" Kumakaway ako sakaniya. Nasa loob siya ng kotse niya na hindi pa umaandar. Bukas pa ang bintana nito kaya nakikita ko ang seryoso at misteryosong tingin niya.

Yung tingin na para sa akin lang.

Hindi ko na siya pinababa dahil kailangan niya nang umuwi agad para makapag pahinga bago ang pagtupad niya mamaya.

Bumusina siya tapos ay umalis na.

Dumiretso ako sa kwarto ko. Napagod ako sa byahe. Gusto kong matulog.

Hindi ko in silent ang cellphone ko, nilagay ko ito sa may ulunan ko. Para pag tumawag si Ty mamaya, magising ako. Sabi niya kanina tatawag siya pag-uwi niya galing pagsamba eh. Hmmm.. humingi kaya ako ng sign?

Tinignan ko ang cellphone ko. 5:46PM.

Bago ako humiga, lumuhod ako sa kama tapos pumikit. Nanalangin ako.

Pinuri ko ang Diyos at ang Panginoong Jesus, tapos nag pasalamat ako. Humingi ako ng basbas at katalinuhan, hiniling ko na gabayan ako ng Ama sa bawat pag dedesisyon na gagawin ko patungkol sa pag-ibig. Sinabi kong gusto kong gawin ang lahat ng masasayang bagay kasama si Ty na walang nalalabag na aral. Kailangan ko ng tulong niya. Kailangan ko ng lakas para mapagtagumpayan ang anumang bagay.

Pagkatapos kong manalangin, humiga ako. Hinila ko ang kumot para matakpan ang katawan ko. Malamig kasi ang panahon ngayon. Buti nalang kaninang magkasama kami ni Ty hindi umambon.

Inisip ko ang mga naganap at di ko namalayan na napangiti ako.

Ang saya ng nangyari kanina. Hinawakan ko ang labi ko habang inaalala ko ang lahat. Ang tingin niya, ngiti niya, tawa niya.. ang halik niya. Ugh! Bakit ba ganon siya? He never fails to amuse me!

Parang pagkatapos ng panalangin ko, naging positibo ako. Inalala ko ang binanggit ko sa panalangin ko kanina, humingi ako ng senyales sa Ama.

My Queen 19:14 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon