28

863 25 0
                                    



Maria Ffion's POV



Nakaupo ako sa bench, sa gilid ng Magic Mall.

Umiiyak ako.

Nakatingin ako sa ground.

Nang mapansin kong may naglalakad palapit. Nakikita ko ang black dress shoes at black slacks niya.

Si Matteo na kaya yan? Ang bilis niya?

Pinunasan ko ang mata ko to clear my sight.

Then I saw a man .. on dark red long sleeve polo....

Walking magically towards me.

Tyler Kris Francia III.

Bakit kahit nasasaktan na ako dahil sakaniya, kinikilig parin ako? Iba parin ang tibok ng puso ko. Yung napapagaan ng presence niya yung bigat ng pakiramdam ko.

"B-bakit ka nandito?" Tanong niya. Tapos umupo sa harap ko. Nakaluhod ang kanang tuhod niya.

Magkalevel kaming dalawa. Tinitigan ko siya. Ang gwapo gwapo niya..

"Ffion? bakit ka umiiyak?" Sabi niya tapos hinawakan yung mag kabilang pisngi ko ng sabay.

Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang mga daliri niya.

"W-wala.." Sabi ko.

Pero bigla nalang akong napahagulgol.

Inilapit niya ang ulo ko sa dibdib niya. Niyayakap niya ako sa gitna ng matinding sikat ng araw.

"T-ty.." Sabi ko.

"Hmmm? Bakit?" Bulong niya sa tainga ko.

Gustong gusto ko ang pakiramdam na magkayakap kami. Parang ayokong i open sakaniya yung mga nalaman ko at magpanggap na okay lang ako.

Kasi ayokong sirain yung moment namin na ganto! Ayoko!

"I love you.." sabi ko.

Mahal ko siya. Mahal na mahal.

I heard him giggled. "I so love you too Maria Ffion." Sabi niya.

Nakakatuwa! Kasi ganito na niya ko ituring. It's as if I'm one fragile thing na kailangang ingatan.

Mas lalo kong hinigpitan ang yakap sakaniya.

"Ffion.."

"Hmmm?"

"Pwede mo na bang sabihin sakin kung bakit ka umiiyak?"

"Just promise me, hindi ka aalis.. h-hindi ka bibitaw sa yakap na 'to?"

Naramdaman kong tumango siya, "Yes.."

Ang sarap ng pakiramdam ko. I feel so safe whenever we're cuddling like this.

Pero kailangan ko ding sabihin sakaniya ang lahat ng nalaman ko. At marinig ang paliwanag niya.

"Si Taliyah Linco pala ang nag donate ng kidney sa'yo last year sa operation mo?"

"Yes.." Mahinahon niyang sabi.

"Yes?" Yun na yun?

"Bakit? Ngayon mo lang ba nalaman? I thought updated ka sa rumored relationship namin?"

"Wala, so utang mo pala ang buhay mo sa kaniya?"

Natawa si Ty. "Sa Diyos ko utang ang lahat. But yeah, I owe her one. Kaya be good to her. She's a friend."

My Queen 19:14 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon