23

891 25 0
                                    



Ngumiti ako sa sinabi niya. Tama naman siya.

Ah! Walang lungkot sa mga ngiti niya. Gusto ko ganito kami lagi.

"Tara doon!" Tinuro ko yung cottage na malapit sa dagat. Walang gaanong tao sa banda do'n.

Tumakbo ako. Magkahawak kamay kami kaya nahila ko siya. Tumawa siya. Nakakatuwa!

Nauna siyang pumasok sa cottage bago ako. Umupo siya sa upuang kahoy na nasa loob. Malapit sa bintana. Hinila niya ako kaya napaupo ako sa tabi niya. Hinangin ang buhok ko.

"Ang ganda mo." Aniya. Nakatitig siya sa akin na parang ako lang ang maganda sa mga mata niya wala ng iba.

Naramdaman kong uminit ang magkabilang pisngi ko.

Ang gandang lalaki niya! Ngumiti siya bago ibinaba ang tingin sa mga kamay naming magkahawak parin.

Ang sarap sa pakiramdam. Yung ganito lang kami. Magkahawak ang mga kamay. Magkatabi. Yung kaming dalawa lang. Walang ibang iniisip kundi kami lang.

Sige, pagbibigyan ko ang sarili ko. Kakalimutan ko ang reyalidad na may problema kami. Hindi ko iisipin na hindi kami okay dahil sa pag-uusap namin ng ganon kagabi.

Hahayaan kong sumaya ako ngayon sa piling niya. Lalo't miss na miss ko siya!

"Ty?"

Pagkasabi ko ng pangalan niya, tumingin siya sa akin.

"Hmmm?"

"Mahal kita." Sabi ko ng madiin.

"Mahal din kita, Ffion."

Umihip ang malamig na hangin. Naririnig ang alon ng tubig.

Itinaas niya ang isang kamay niya at inipit ang mga takas kong buhok sa kanang tainga ko.

Nanatili ang isang kamay niya sa pisngi ko habang ang isa ay hawak parin ang kamay ko.

Nakatitig siya sa akin. Ganon din ako. Hindi ako nagsasawa na titigan siya. Sobrang ganda ng mukha niya. Ang pogi pogi niya! Hindi ko alam kung sakto lang ba ang ganda ko para maging bagay kami o kulang pa. Ang swerte ko para mahalin niya ako.

Bumaba ang tingin niya sa labi ko... tapos kinagat ko ito.

At hindi ko alam kung tama ba yung ginawa ko. Tumingin ako sa mga labi niya. Nakaawang ito.

Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Nahihiya ako! Hindi kaya niya naririnig yung malakas na kabog ng dibdib ko? Sinisigaw ng damdamin ko na sobrang mahal na mahal ko siya!

Nakatitig parin ako sakaniya tapos unti-unti siyang lumapit, hanggang sa maramdaman ko nalang ang noo niya sa noo ko. Tapos gumalaw siya kaya nagkadikit ang mga ilong namin.

Pumikit ako dahil parang alam ko na ang kasunod na mangyayari.

Napadilat nalang ako nang magdikit ang mga labi namin. Hindi ako gumalaw. Nakita kong nakapikit siya. Nanatili ang isang kamay niya sa kanang pisngi ko.

Pumikit ulit ako, tapos bahagya kong pinag parte ang mga labi ko. Dahan dahan at maingat na maingat niyang ginalaw ang kaniya sa akin, at sumunod lang ako sa ginawa niya.

Is this kissing?!

H-hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko! Unang halik ko ito!

Napadilat ako nang tumigil siya. Inalis niya ang isang kamay niya sa pisngi ko.

Kinagat niya ang labi niya habang nakapikit parin siya.

Ngumiti ako. Nakatitig lang ako sakaniya. At nakita ko ang pag ngiti niya bago unti unting dumilat. Umayos siya ng upo. Ganon din ako.

My Queen 19:14 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon