Maria Ffion's POVExcited na ako! Magkikita kami ni Ty maya-maya lang. Ah! Gusto ko mas maaga ako sakaniya.
May plano ako! Para naman makabawi ako sakaniya sa mga naging kadramahan ko.
Nakaayos na ako. Nakasuot ako ng puting tube dress, below the knee ang haba at glittered ito.
Umupo ako sa kama para isuot ang sandals kong kulay silver.
Nang maramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko sa kama. Kinuha ko ito, nakita ko ang oras na 9:55AM.
Matteo Calling
Sinagot ko ito agad.
"Hello?" Sabi ko habang kinakabit ang sandals sa paa ko gamit ang isang kamay ko.
"Ffion!"
"Oh? Matt!"
"May sasabihin ako. Let's meet!"
"Pero may lakad kami ni Ty, parekoy!"
Narinig ko na parang nalungkot siya, "Ah, ganon ba? sige. Next time nalang!"
"Sige, sorry ha?"
"Okay lang!"
Namatay ang tawag. Awe.. nakakalungkot naman. Parang hindi ko na nabibigyan ng atensyon yung bestfriend ko.
Paglabas ko sa bahay, may nakaabang na dalawang babae doon sa may gate. Natigilan ako sa paglalakad at napawi ang ngiti ko.
Tinignan ko silang dalawa. Parang familiar sila sa akin?
"Maria Ffion Marquella.." Sabi nung isa na maikli ang buhok at mejo chubby.
"Yes? Do you need something from me?" Malambing kong tanong. Iniisip ko kung saan ko sila nakita eh?
"So, dito ka pala nakatira? Lapit lang kina Ty ah?" Sabi naman nung isa na mahaba ang buhok, tapos morena beauty.
"Kilala niyo si Ty?" Tanong ko.
Ah, baka naman mga friends sila ni Tyler Kris. Then I should be nice to them.
"Oo. Yung boyfriend ni Maria Taliyah Linco."
Nagsimula akong nainis sakanila.
Maria din si Taliyah, pero ako ang Maria sa buhay ni Ty! Sino ba sila?
"Sino kayo?" Mahinhin kong tanong.
"Ako ang president slash founder ng Leriyah fandom." Sabi ni ateng chubby.
So, sila pala ang may pakana ng lahat? Sila ang dahilan kung bakit hindi kami nagiging payapa ni Tyler!
"President ng Leriyah fandom? So ikaw pala ang malaking epal sa buhay namin?" Sabi ko.
Nanggagalaiti ako. Naiinis ako! Nakakalimutan ko na sana eh! Okay na sana ako eh! Kaso lumitaw itong dalawang ito at naalala ko ang problema namin ni Ty. Na maraming shifters ang issued relationship nila ni Taliyah. At maraming may ayaw sa akin kung magkataon. Nakakainis!
"Ikaw ang epal! Mang-aagaw ka ng boyfriend!"
"Wala kang alam." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
My Queen 19:14 (COMPLETED)
SpiritualA spoiler's copy paste: "Ffion, kung alam mo lang.. I always wanted to come to you. To hug you like this.. to finally get a chance to hear your voice saying my name infront of me, pero hindi ko lang ginagawa kasi hindi pa natutupad yung panata ko no...