06

1.1K 29 0
                                    


After ng insayo agad akong lumabas ng Kapilya. Nakikita ko kasi kanina sa bintana mula sa Koro na magkasama parin si Ffion at Matteo sa labas.

"Bro! Pakisabi hintayin ako.. kukunan ko lang ng transfer sina Ffion sa opisina."

Ah? Ganon pala? Huminto ako sa may canopy.

Pero.. Bakit naman sabay silang magpapatala? Diba galing sa Manila itong si Matteo? At sa Baguio si Ffion, panong sabay silang umuwi dito?

Gulong gulo ang isip ko. At sakto naman ang pagdaan ni Fidel sa harap ko.

"Hey.." Hinawakan ko ang balikat niya.

"Bakit Kuya Third?"

Hinila ko siya doon sa likod ng Van namin. Wala pa namang tao dito.

"Chat mo si Ffion."

"Bakit nanaman? Bakit hindi nalang ikaw?"

Aba nagrereklamo pa..

"Close kayo diba?"

"Eh kuyaaaa, hindi ko na nakaka chat si Ate Ffion. Saka bakit ko siya i chachat eh nandito na siya."

"Then ask her."

"Kuyaaaa...." Pag iinarte niya.

Naglabas ako ng isang daang piso, "Oh. Pang load mo." Inaabot ko sakaniya ang pera pero tinitignan niya lang ito.

"One hundred lang?"

Kumuha ako ulit ng pera sa wallet ko, "Oh..two fifty!"

"Yown!" Hinablot niya ito. "Anong sasabihin ko?"

Ngumiti ako ng slight. "Bahala ka. Basta alamin mo kung nagsabay ba sila ni Matteo pauwi dito sa Zambales."

"Yun lang pala eh!"  Aniya.

Bago pa magdatingan ang mga pinsan namin ay pumasok na kami sa loob ng Van. Magkatabi kami.

"Kuya, sabi ko naman sa'yo.. crush na crush ka no'n ni Ate Ffion. Isang chat mo lang dun bibigay na yun!"

"Manahimik ka." Tugon ko tapos ikinabit ang beatz ko na nakuha ko sa upuan ko.

Yun parin ang pinatugtog ko. Maraming nagsasabi na crush ako ni Maria Ffion. At Gustong gusto ko ang ideya na iyon. May time pa nga noong highschool kami. First year. Uso ang palitan ng phone number. Hindi ko makakalimutan yung pag amin niya. Nag text siya alas otso ng gabi. Pag uwi namin yun galing sa pagsamba.

Saulo ko parin ang pangyayari na iyon maging ang format ng text niya  kahit na ang tagal tagal na.

"Tyler Kris Francia III, crush kita! Crush na crush kita!"

Hindi naman na ako nagtaka o nabigla. Halos lahat naman yata alam iyon. Kahit nga hindi siya magtext ay alam ko na.

Ilang oras kong pinag isipan ang irereply ko. Pareho naman kami. Crush na crush ko din siya. Pero unlike her na alam ng lahat, ako.. ako lang ang may alam.

Alas dyes kinse ko na finalize ang message.

"Crush din kita Maria Ffion."

Pero nang pipindutin ko na ang send.. bigla siyang tumawag. Kinabahan ako. First time kong may kakausapin na babae sa phone call maliban kina Mama at Ate Shams.

Sa kaba ko, nasagot ko ito. Idinikit ko ang phone sa tainga ko.

"H-hello--"

My Queen 19:14 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon