21

885 32 0
                                        




Napawi ang ngiti ko sa narinig ko. Hindi parin ba niya ako naiintindihan? Parang tinutusok tusok ang puso ko. Alam mo yung gustong gusto ko siyang makasama pero pag ito na ang usapan, nanghihina ako.

Nasasaktan ako, sobra. Ayokong magalit pero bakit ganito ako....

"Ffion, may plano kami ni Taliyah. Just wait."

Taliyah. Taliyah. Taliyah! Taliyah nanaman? "At bakit hindi ko alam yun?"

"Kanina lang kasi nabuo. Kaya nga gusto ko na mag-usap tayo ngayon."

Ang hirap lang ipaunawa sa sarili kung bakit kailangan pa naming mag-usap tungkol dito at kailangan pang sila ni Taliyah ang magplano. Bakit hindi nalang kasi niya gawin yung pinaka mabilis na paraan para matigil na itong problema namin?

Anong mahirap sa ipost niya na ako ang talagang mahal niya para wala ng away.

"A-ano bang gusto mong mangyari?"
Tanong niya.

"Magsalita ka naman sa social media. Post about us! Wag mong hayaan na I manipulate ng mga fans ninyo ang isip ng ibang tao. Ayokong dumating yung araw na ma i- issue ako na nang-agaw ng boyfriend."

"That's exactly why I want you to wait, Ffion."

Natigilan ako. Am I being too much? Bakit nga ba kasi ako ganito?

"T-tyler, iniisip mo ba na m-masyado akong nagiging possessive.. n-na gustong gusto kita kaya gusto ko na mag post ka sa--"

Pinutol niya ako agad, "No, Ffion. Hindi ganon." Mahinahon niyang sabi.

Umiling ako. "Hindi mo naman kasi ako naiintindihan." Sabi ko.

"Naiintindihan kita, Ffion. Hindi lang kasi tayo pwedeng mag post agad dahil mabibigla sila. Kailangan nating mag-ingat. Natatakot lang ako kasi madadamay ka. Ang alam nila kami ni Taliyah tapos may makikita silang kwento tungkol sa atin. They might do something bad that'll affect your image, Ffion. Pareho naman tayo ng gustong mangyari. Gusto ko ding malaman ng lahat ang tungkol satin. I want them to know who my real queen is. Pero kailangan nating pag-isipang mabuti kung paano gawin yun. Kailangan munang alisin sa isip nila ang ideya na kami ni Taliyah."

Tinignan ko siya, nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot. Ang lambing din ng pagsasalita niya mula kanina. Pero hindi parin gumaan ang pakiramdam ko sa kahit anong sinabi niya.

"In the first place, bakit niyo hinayaang ganon ang isipin sa inyo ng mga tao sa social media? Bakit kailangang maisip nila na kayo? Kayo din ang gumawa no'n. Hindi magkakalat ng kung ano ano ang mga tao na wala namang basehan. Bakit hindi niyo sila pinigil nung umpisa palang?"

"Hindi pa tayo ganito noong mga panahong yun."

Natigilan ako. Ang sinasabi ba niya, wala pa akong karapatan sakaniya noong kumalat yung sakanila? Kaya hindi ko dapat isumbat yun ngayon?

"Pero sabi mo mahal mo na ko no'n Tyler."

"Mahal na mahal, Ffion."

Tss.. ang hindi ko maintindihan, bakit niya hinayaang mangyari yun?

Sinilip ko ang relos ko, 9:30PM. I will use this as an excuse.

"Nine thirty na. Ma curfew ako ng ten."

Sinilip din niya ang relos niya,
"May thirty minutes pa."

"Magagalit na si daddy."

Pagkasabi ko niyan ay tumayo ako.

My Queen 19:14 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon