"Matteo.. k-kung iyan lang--"Tumawa siya, "Joke lang! Hahahaha! Tagal tagal na nun eh! Dito ko lang talaga gusto ituloy ang pag-aaral ko. Inaasikaso ko na din kasi yung farm namin dito."
Natawa din ako. Kinabahan ako dun ah! Yun naman pala eh..
"Akala ko naman.."
"Na miss lang kita bilang kaibigan." Aniya tapos ginulo ang buhok ko.
Nakipag tawanan ako sa kaniya. Si Matteo yung childhood friend ko mula mag highschool pero dumating sa punto na gusto niyang manligaw siya sa akin, at hindi ako pumayag. For me kasi he's just a friend. A precious one. Hanggang sa nag friendship over kami dahil doon.
Lumuwas siya pa manila para doon mag-aral ng college last year, pero alam kong ginawa niya yon para umiwas sa akin. Nasaktan siya noon ng sobra.
At sana nga.. sana nga hindi niya na ako mahal. Sana bumalik nalang kami sa dati. Yung walang malisya ang lahat. Kasi kahit papaano ngayon sa pagbalik niya ay may konting gap na. Nakaka ilang din dahil sa mga nangyari. At ayokong magpatuloy ang ganito. I want my bestfriend back.
"Parekoy!"
Nakatulala pala ako sakaniya.
"O-oh?"
Sana ang pakikipag usap niya sa akin ng maayos at kumportable ngayon ay tanda na naka usad na siya.
Tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ng blouse ko, kinuha ko ito, si Ma'am Jane nag text. Wala daw kaming klase ngayon. May emergency meeting daw para sa graduation next week.
"Yes!" Sabi ko habang tinutupi ang nirereview ko. Gustong gusto ko kasing gumala ngayon!
"Oh bakit?" Tanong ni Matteo, nagulat ata.
"Ahm, wala na kasi akong klase ngayon. Nag text professor ko." Binulsa ko ito kasama ang phone ko.
"Oh? Wow! Yun lang ba klase mo today?"
Tumango ako.
Itinago niya iyong kapirasong papel na hawak niya sa bulsa niya, "Gala tayo?"
"Saan? Sure!" Sagot ko agad.
"Kahit saan."
Kaya naman naglakad kami ng sabay palabas ng school. Siguro ito na nga yung way para magkaayos kami ulit at bumalik sa pagiging bestfriends.
"Kamusta sina Tito Dean at Tita Ada?"
Tinutukoy ko ay iyong parents niya."Yun! Okay lang sila sa awa ng Ama. Uuwi ka ba sa Zambales this summer?"
"Oo!" Tugon ko. "Wala kong summer class ngayon e."
"Sabay na tayo?"
"A-ah, sige! Next week pa."
Ngumiti siya, "Okay! Parekoy!" Aniya saka piningot ang ilong ko.
Natuwa ako. Bumabalik na nga siya sa dati. "Na miss kita Parekoy!" Sabi ko. Na miss ko ang bestfriend ko.
"Me too. And.. sorry sa mga nangyari Ffion."
"It's okay Matt, hindi naman siguro kasalanan iyon 'no? Yung magkagusto tayo sa taong ayaw sa atin? Buti ka nga.. naka move on na. Ako hindi eh, at wala kong balak!" Sabi ko.

BINABASA MO ANG
My Queen 19:14 (COMPLETED)
SpiritualA spoiler's copy paste: "Ffion, kung alam mo lang.. I always wanted to come to you. To hug you like this.. to finally get a chance to hear your voice saying my name infront of me, pero hindi ko lang ginagawa kasi hindi pa natutupad yung panata ko no...