13

1K 25 0
                                    



Kumalas ako sa pagkakayakap. Nanatili siyang nakahawak sa bewang ko.

"Is this for real?"

Tumango siya. "Yes."

"Friends lang ba talaga kayo ni Taliyah?"

"Yes Ffion."

"Eh.. kasi.. yung mga believers.. shifters ninyo.. kung makapag post eh.."

"Hayaan mo sila."

Tumawa ako.

"Bakit ka tumatawa? Ha?"

"W-wala lang. Hindi ko alam na ganito ka pala."

"Alin?"

"Kaya mo rin palang magsalita ng matagal. Kaya mo rin palang ngumiti at makipagtitigan."

"May mga bagay talaga na nagagawa lang natin sa harap ng mga taong mahalaga sa atin."

Ngumiti ako tapos tinulak siya palayo.

"You're cheesy!" Sabi ko.

Napaatras siya, "I'm just being honest." Aniyang natatawa.

Ang sarap niyang tignan habang nakangiti. Parang.. ang sarap mabuhay. Parang nakakaalis ng lahat ng mga negatibo kong iniisip. His smile makes me positive.

"Balik na tayo sa cottage?" Tanong niya.

Tumango ako, "Tara."



~*~*~*~


Fidel Vienn Francia's POV

Nakikita ko mula dito sa cottage ang parating na sina Kuya Third at Ate Ffion. Magkadikit ang mga braso nilang naglalakad. At nagtatawanan sila. Ibig bang sabihin eh.. nagtagumpay si Kuya Third?

Naamin niya na sa wakas kay Ate Ffion ang nararamdaman niya?

"Tignan ninyo sila, guys!" Sigaw ni Ate Shamsee na halatang tuwang tuwa. Tinuturo niya ang dalawang kanina ko parin tinitignan.

"Finally!"

"Praise God!"

Lahat kami dito alam na may gusto si Kuya Ty kay Ate Ffion. Ang akala niya hindi namin alam. Akala niya hindi namin nahahalata. Tahimik siya at hindi nagsasalita pero hindi niya alam na ang bawat galaw niya ay kilala naming magpipinsan. Alam namin ang ibig sabihin ng bawat tingin niya. Hindi lang namin alam yung tungkol sakanila ni Taliyah Linco but we're positive na hindi totoo kung ano man ang kumakalat tungkol sakanila.

At alam naming iba siya pagdating kay Ate Ffion. He's cold and hard pagdating sa iba.. sa amin. Pero pag tungkol kay Ate Ffion, tumitiklop ang tuhod niyan. Umiiwas siya palagi dahil alam niyang anytime bibigay siya.

Alam niyang may gusto si Ate Ffion sakaniya pero kailanman hindi niya ginawang bentaha yun to make a move. Just like what other INC guys do.. hinihintay muna niya ang pahintulot ng Ama.

Kaya siguro ganiyan na sila ngayon.. magkasama.. masaya. Kaya naamin na rin niya sa wakas kasi finally, nagpadala na ng Go Signal ang Ama. Alam ko namang yun lang ang hinihintay ni Kuya Ty eh.

Ganon kasi ang turo ni Lolo sa aming lahat. Kahit anong bagay at kahit anong maramdaman, bago gumawa ng desisyon.. ipagpanata at humingi ng senyales bago umaksyon. Kasi walang magtatagumpay na buhat sa sarili lamang. Kailangan ng patnubay ng Ama. Kailangang ilapit muna sakaniya. Kailangang siya ang gumawa para sa atin.

"Taga sunod lang tayo. Ang masunod lamang ay ang ibig niya." Iyan mismo ang turo sa amin. Masunurin kaming lahat kaya alam kong yun din ang ginawa ni Kuya Ty.

My Queen 19:14 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon