"Number 26! Mr. Diego Marquella?"Nabuhayan ako nang sa wakas ay tinawag na ang pangalan ni papa.
"Dito ka muna Ffion." Utos ni mommy. Tapos itinulak niya ang wheelchair na sakay si daddy sa loob ng room ni Doc Marquez.
"Sige mom."
Umupo lang ako dito sa may upuan sa may hallway. Naka schedule ngayon si daddy para mag pa check up. That's why we're here.
Nakasuot lang sa akin ang earphone ko habang nagpapatugtog ng mga favorite song ko ng December avenue. Sabi ni mommy hindi naman daw tatagal ng isang oras dito.
Sinilip ko ang relos ko at 11:26PM na. Kaya pala medyo gutom na ako. Pumikit ako para damahin ang kanta na kasalukuyang tumutugtog.
"Miss.."
Nang biglang may kumuwit sa akin. Napadilat ako. At nagulat ako nang matitigan ko ang mukha ng kumuwit sa akin. Nakatayo. Nakangiti siya at kitang kita ko ang yellow braces niya. Singkit ang mga mata niya tapos mapula ang labi niya. Litaw din ang magkabilang dimples niya.
At bakit sobrang lapit niya sa akin?
Tinakpan ko ang bibig ko ng kamay ko atsaka umubo. Lumayo siya sa akin dahil dun.
"B-bakit?" Umayos ako ng upo.
"Nahulog mo.." Ipinakita niya yung panyong kulay pula na nahulog ko daw.
"H-hindi iyan sakin." Sagot ko.
Natitigan ko siya. May mask sa leeg niya. Nurse siya. Nakita ko din ang pangalan niya sa name tag niya, "Lyon Marvee Lincoña"
"Uh, ganon ba?" Nilingon niya yung gilid ko. "Okay. Sorry."
Lumayos siya sa akin.
"Nay, sa'yo po ito?"
Aniya doon sa matandang babae na nakayuko. Maputi na ang mga buhok at kulubot na mag mga balat. Nakasuot siya ng kupas na puting tee shirt at saya.
"A-ah, salamat apo." Tugon niya tapos inabot ang pulang panyo.
Kita ko kung paano niya ngitian ang matanda.
"Kumain na ho ba kayo nay?"
Umiling si Lola. "Hindi pa."
"Eh ano pong ginagawa ninyo dito?" Malambing na tanong niya.
"Mag papa check up lang ako." Sagot ng matanda tapos umubo. "E-excuse me.."
"Oh? Okay lang po ba kayo?"
"Ayos lang ako.."
"Inumin po ninyo itong tubig ko. Malinis po iyan." Aniya sabay abot noong bottled watter na hawak niya.
Inabot ito ng lola,
"Napakabait mo namang bata. Ang swerte naman ng mga magulang mo.""Nako Nay, swerte din po ang mga anak ninyo sa inyo."
"Wala akong anak."
Natigilan yung nurse, maging ako sa tugon ni Lola. Kaya pala wala siyang kasama ngayon para magpa check up? Nakakalungkot naman.
"Mamaya pong lunch break ko hintayin niyo ako, mga alas dose, kakain po tayo sa labas." Sabi nung nurse bago nagpaalam.
Hala, ang bait niya!
Nginitian ko siya pagdaan niya sa akin. "Pakibantayan si Lola." Utos niya sa akin.
Napatango nalang ako. Wala akong masabi eh!
Pero nang lalapitan ko na si Lola, biglang may dumating na babaeng naka pusod ang buhok, naka black tshirt, black jeans at white shoes. Boyish siya. Kasing edaran ko lang ito. Payat at maputi, bagay ang itim sakaniya.
"Lola, pasensya na ngayon lang ako!" Matigas na pagkakasabi nung bababe.
"Oh? Maria Ellery? Ikaw ba iyan?"
"Lola naman eh! Sabing Ely nalang." Sabi na, boyish eh! Pero ang ganda >__<
Tumawa si Lola, "Hahaha! Ang ganda ganda kaya ng pangalan mo."
"Naku, nambobola nanaman ho kayo." Kita kong kinuha nung Ely yung panyo ni lola sabay pinunasan niya yung pawis ni Lola sa may leeg.
Sabi ni Lola wala siyang anak, eh sino siya?
"27, Amirya Lopez!"
Napalingon ako sa may kwarto ni Doc at kita kong palabas na sina mom and dad.
"Oh Lola, tayo na pala. After nito, kakain tayo sa labas!" Rinig kong sabi ni Ely kay Lola Amirya.
Ang cute!
"Ffion!"
Narinig ko ang tawag ni daddy.
"Po?"
Nakangiti siyang tulak tulak ni mommy, si mommy naman nakabusangot.
"Itong mommy mo, pagagalitan nanaman ako sa bahay."
"Shut up, Diego.."
Siguro masama ang naging resulta kaya malungkot nanaman si mommy. Hay nako >__<
Pero bilib ako sa pagiging positibo ni daddy!
Pagdating sa bahay, umiyak agad si mom kay dad. Nakaupo siya sa sofa tapos si daddy nasa wheelchair parin. Magkaharap sila.
At syempre.. ayoko ng drama. Kaya pumunta nalang ako sa kusina para magluto ng lunch. Maaga kaming umalis kanina kaya walang nailuto.
After kong magluto, nadatnan kong tulog si mommy sa sofa habang sinusuklay ni daddy ang buhok niya.
"Dad?"
Lumapit ako sakaniya.
"Hmmm?"
"Kamusta po ang check up?"
"Si Doc kasi sinabing matatagalan pa ako bago makalakad. Kailangan ko din dumaan sa maraming therapy. Kaso.. mahal mga yun."
"Wala na po ba tayong pera?"
"Yung ipon ko.. para sa pag-aaral mo yun 'nak. Hindi ko naman inasahan na magkakaganito ako. Biglaan ang lahat."
Bigla akong napayuko. Parang naiintindihan ko na kung bakit ganon ang reaksyon ni mommy kanina. Gusto kong makatapos! Pero gusto ko ding makalakas na agad si daddy.
"Dad, anong gagawin natin?"
"Ihabilin nalang natin sa Ama ang lahat, Ffion anak."
Ngumiti ako.
BINABASA MO ANG
My Queen 19:14 (COMPLETED)
SpiritüelA spoiler's copy paste: "Ffion, kung alam mo lang.. I always wanted to come to you. To hug you like this.. to finally get a chance to hear your voice saying my name infront of me, pero hindi ko lang ginagawa kasi hindi pa natutupad yung panata ko no...