"What the heck! Guard!" Sigaw ni Kiefer nang may nakitang babae sa gilid ng kanyang kotse.
"Ssshhh! Ano ba tumigil ka nga riyan." Pakiusap ng babae.
"Aba't ako pa pinapatahimik mo ha pagkatapos kitang mahuli na balak mong carnapin yang kotse ko." Angil niya sa babae.
"Hoy! Excuse me Mister ilong porke't nakita mo ako dito nangangarnap agad? Mapagbintang ka." Balik sigaw niya.
"Mr. Ilong pala ha! Hoy Miss walang suklay ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha. At teka nga ikaw may gawa sa windshield ko na 'to no? Kita mo nga't may gasgas." Sabay turo niya sa salamin.
Mabilis na umiling ang babae. "Nagtago lang na--" Napatigil siya ng salita nang may iniangat si Kiefer at inilapit sa mukha niya.
"I think this is yours. And don't you dare deny, kitang kita ko sa supot mong dala na puro jar din yan ng gamot kagaya nito." Sabay wagayway niya ng bagay na iyon.
"Ahh eh, hehe. Sorry na kasi." Sabay kagat niya sa pang ibabang labi.
"Don't you dare do that!" Sigaw ni Kiefer na labis na ikinagulat ng babae.
"Ano naman ba ginawa ko Mister ilong?" Inosenteng tanong niya.
"Yan, yan!" Sabay turo niya sa mukha ng babae na puno pa rin ng pagtataka.
"Ang weirdo mo! Makaalis na nga." Sabay talikod niya sa lalake.
Mabilis naman siyang nahawakan sa braso ni Kiefer at pilit siyang hinarap sa kanya.
"Hep, hep! You think ganyan na lang yun ha? At paano ang damage ng kotse ko? Ano yun, gagasgasan mo pagkatapos aalis ka ng ganun ganun lang?" Galit na sambit niya.
"Ayy grabe siya oh. Hindi ko naman kasi talaga sinadya. May humahabol sa akin kanina eh ang bilis ng karipas ko natalisod ako kaya ayun lumipad sa ere ung mga gamot. Eh mukhang may mga tumilapon nga sa windshield mo. Asan na yung isa? Akin na nga at sayang pa yun." Sabi niya habang kinakapa ang bulsa ng lalaki.
Napaatras ang lalaki. "Hindi ka lang pala carnaper at magnanakaw manyakis ka pa eh." Sabi niya sa babae na ikinuot ng noo nito.
"Ayy ang judgemental mo talaga sa akin, Kuya." Natatawang sabi niya. "Magkano ba kasi? Isang libo?" Inosenteng tanong niya na siyang ikinahakhak ng binata.
"Miss walang suklay nagpapatawa ka ba? Ang tindi ng isang libo ha. Kulang kulang mga 15 thousand." Sabi niya sabay lahad ng kamay.
"Ay may saltik ka? 15 kyaw? Ano ako bale?" Hindi makapaniwalang bulalas niya.
"Seryoso ako. So akin na ang bayad sa ginawa mong danyos." Maawtoridad niyang sabi. Na siyang ikinabahala ng dalaga.
"Naku Kuya, Sir, Mister ilong, dalawang daan nga wala ako. 15 kyaw pa ba? Patawad na kasi." Pagmamakaawang sambit nito saka pinagsikop ang mga palad.
"Hindi maaayos ng sorry mo itong kotse ko miss. So pasensyahan tayo. You really have to pay--"
"Kiefer!" Sigaw ng isang matandang lalaki na papalapit sa kanila. Napalingon si Kiefer sa boses kaya't kinuha iyong pagkakataon ng dalaga upang makatakas. Mabilis itong kumaripas ng takbo.
"Miss! Miss! Hoy!" Walang pakundangam na sigaw ni Kiefer ngunit ay pinigilan rin siya ng matanda.
"Who was that?" He curiously asked.
"Just a random stranger Pappi." Sagot niya sa Lolo.
The old man let out a chuckle. "A stranger? Really now, apo. Kanina ko pa kayo tinitingnan na mag kausap. And guess what?"
"What?" He asked in a boring tone.
"Well, seems like you've found the perfect match for you." He said laughing.
"Oh come on, Pappi. Let's go." He said trying to change the topic.
"I'm serious apo, siya yun. Siya ang itinakda sa'yo. At sa ayaw mo man o gusto, magtatagpo at pagtatagpuin kayo ng tadhana." He firmly said.
"Whatever. I'd rather be single than mingle with that girl again." Sagot niya at saka pumasok sa kotse. Agad namang sumunod ang matanda.
"Don't speak too soon, Kiefer. You might eat your words someday." He teased.
At wala ng nagawa si Kiefer kundi manahimik na lamang.
xxxxxx
thank you for supporting impulse.
please don't expect too much on this story, but i promise no more medical terms this time. haha.❤
trixa

BINABASA MO ANG
Fate and Star *FSA Book II* [KiefLy]
Nouvellesis love fathomable? at what extent love is still worth fighting for?