Nakaupo lang si Maymay sa passenger's seat ng pulang Ferrari convertible ni Edward habang pilit siyang nagbibingi-bingihan sa lakas ng rock music ng binata. As usual pinaplano na niya ang gagawin sa gabing yun ng bigla-biglang magvibrate ang cellphone niya sa bag.
Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag, ang pangalan ni Ellise ang rumihestro sa screen."Hello! Ellise, napatawag ka."
"Maymay, may problema." mangiyak-ngiyak nitong sagot.
"Anong klaseng problema?" pilit niya itong pinapakalma gamit ang tonong ginagamit bilang events planner. Ang gabi dapat maging perpekto para sa dalawa niyang kaibigan.
"Ang dress ko hindi kumakasya sa akin. Anong gagawin ko?" tanong ni Ellise.
"Anong hindi kasya? Pagkasyahin
mo."Natawa si Ellise sa sinabi niya. "Hindi nga eh! Halos lumuwa na ang dibdib ko."
Hindi yun maari. Ilang araw lang ang nakaraan ng sukatin nila ang damit na yun. Sumama pa siya sa designer na gumawa ng damit.
"Magpadala ka ng picture." sabi niya.
"Ano! Isisend ko sayo ang picture ng dibdib ko? May, naman! Hindi tayo talo."
"Tange! Hindi naman picture ng boobs mo ang gusto kong makita kundi yung damit. Baka maremedyuhan natin."
Dahil sa narinig na boobs, napatingin sa direksyon niya si Edward. Marahan niya tinampal ang pisngi nito upang ibalik ang atensyon nito sa pagmamaneho.
"Hindi naman pwedeng isend ko ang picture ng damit ng hindi kasama ang boobs ko. Hindi nga magkasya.
Gusto niyang pagsisihan ang pagpayag sa kagustuhan nitong umuwi sya at mariing iniutos din nito na matulog sya ng ilang oras dahil sa nakitang eyebags niya na hindi maitago ng kanyang concealer. Eh, di sana naayos niya ang mga bagay na dapat ayusin.
"Okay relax. Makinig ka sa akin." utos niya sa kaibigan.
"Okay."
"Ilagay mo sa speaker mode ang phone mo at sundin mo ang iuutos ko. Ngayon hubarin mo ang damit."
Ilang minuto ang lumipas.
"Nakahubad na pero hindi ako naman pwedeng pumunta ako sa party ko na nakahubad." sabi ng kaibigan.
"Buang! As if naman, papayag akong ganun. Now, hawakan mo ang dalawang straps ng damit. Tingnan mo sa bandang dibdib, ung mababa bahagi ay sa likod at yung mas mataas na bahagi naman ang sa harap." pag uutos niya sa kaibigan.
Ilang minuto din ang muling lumipas.
"Oh My gosh, May! Ang tanga ko. Mali lang palang pagsuot ko kanina. "
Napangiti lang siya sa sinabi ng kaibigan. "Stress lang yan. Kung hindi mo sana ako pinauwi at pinatulog, di sana natulungan kita."
"Speaking of pagtulog, nakatulog ka ba?"tanong ni Elise.
Hindi naman siguro niya kailangan sabihin dito na hindi man lang sya dinalaw ng antok. Naubos lang ang oras sa kaiisip kung bakit umalis si Tanner. Kung ano ang ayaw nito sa kanya.
Nakaamba na naman na pumatak ang luha niya kaya mariin syang napapikit. "Hindi ngayong gabi. Tama na ang pag iyak." sabi niya sa sarili.
"Oo naman. On the way na kami ni Edward. Ready ka na?" sagot niya sa kaibigan.
"Oo naman. Salamat sayo at hindi ako magmumukhang tanga sa damit ko. Kung pwede nga lang ikaw na ang kinuha kong wedding planner."
Siya yun. Taga plano ng kasal ng iba ngunit hindi sa kanyang sariling kasal.
A few minutes later..
Ipinarada ni Edward ang kanyang sasakyan sa parking lot ng malaking bahay nina McCoy.
Isang araw, pag nagtuloy ang paglago ng bar at ng music company niya bibili sya ng ganitong kalaki at kagarang bahay ngunit hindi dito sa exclusive village nato. Malayo sa mapagkunwari at mapaghusgang mga tao.
Umikot sya sa passenger's seat at binuksan ang pinto saka inalalayan si Maymay pagbaba ng sasakyan. Mabilis ngunit sopistikada itong bumaba.
"Hey, guys! You are finally here!" bati sa kanila ni McCoy sa taas ng hagdan ng bahay.
"McCoy!" saway ni Ellise sa fiance.
Nagtitigan ang dalawa at nagsmile sa isa't isa na parang may sariling mundo.
Naramdaman nalang ni Edward ang higpit ng paghawak ni Maymay sa braso niya. Halatang tensyonado ito sa situation na yon.
"Hey, Ellise! Buti nalang nafigure out mo kung paano suotin yung dress, it would have been traumatizing for us to see your boobs hanging out. Sa liit ba naman nyan. Hahaha." sigaw ni Edward.
"Gago ka talaga!" sabi ni Maymay habang tumatawa at bahagyang lumuwag ang kapit nito sa kanya.
"Come on up guys at ng mabatukan yang si Edward." anyaya ni McCoy.
"Pilyo ka rin,noh?" sabi ni Maymay.
Tumaas-baba lang ang kilay ni Edward dahilan upang kurutin sya sa tagiliran ng dalaga.
Matapos ang mahabang kumustahan at tawanan. Nagready na silang pumasok sa loob.
"Pag ako ang ikinasal, kasalan na agad. Gusto ko wala ng pre wedding parties, gastos lang yun." sabi ni Edward.
"Yun ay kung ikakasal ka pa. Sayang gusto ko pa namang isponsor ang engagement party mo. Maganda siguro ang pink motiff sa kasal mo." pang-aasar ni McCoy.
"Mas maganda ang baby blue. Para siya lang, parang baby kung umasta." sabi ni Maymay saka kinurot ang pisngi ng binata.
Hinuli ni Edward ang kamay ng dalaga at humakbang palapit dito.
Gusto niyang biruin ito para makitang tumawa ito gaya ng plano niyang gawin buong gabi. Ngunit namalayan nalang niya ang sarili nakatitig sa mata nito na parang hinihigop sya. Kita niya ang vulnerability ng dalaga.
Parang biglang nagslow motion ang paligid at biglang naging intimate ang namagitan sa kanila.
"Ahhherm!"
Pag angat niya ng tingin, nakita niya sina Ellise at McCoy sa taas ng hagdan at naghihintay sa kanila.
Sana hindi napansin ng mga ito ang tinginan nila ni Maymay kaya naman gumawa sya ng paraan para madivert ang attention ng mga ito.
"Bilang close friend ng bride, kailangan part ako ng bridal shower." sabi niya.
"No!" sabay na sabi ni Maymay at Ellise.
"Wala na kayong magagawa. May listahan na ako ng male strip clubs na pwedeng puntahan. Ako ang magbabayad pero hindi ako sasama."
Iniwan niya ang tatlo na nakanganga nalang ang tatlo dahil sa narinig. Kailangan niyang lumayo para makapag isip.
***********************************
Please vote, comment and suggest.
😘😘

BINABASA MO ANG
Crossing The Line
FanfictionNafriendzone ka na ba? Fate sometimes plays tricks on us. Kung kailan hindi pa tayo ready, saka may dadating. Kung sino pa ang hindi nating inaasahang mahalin, yun naman ang ibibigay. They have known each other for quite a long time. What would i...