Dumating si Maymay kina Marco ng thirty minutes na maaga kaysa sa napag usapan nila ni Edward. Naupo lang siya sa loob kanyang kotse, nagngingitngit at kinukutkot ang mga kuko sa habang naghihintay. Sobra pa ang deserve niya dito, ang sampung minutong pag uusap bago pa sila pumasok ni Edward sa bahay ng mga kaibigan.
Bakit ba siya ginaganito ni Edward? Ang gusto lang naman niya ay mapag usapan ang mga nararamdaman nila at magkaroon ng unawaan. Pero heto siya ngayon, unti-unti ng naniniwala na walang kapasidad ang binata sa ganung bagay.
Ten minutes late ito ng dumating kaysa sa napag usapan. Lumabas siya ng kotse at inis na isinara ang pinto ng driver's side at pumasok sa passenger side ng Ferrari nito.
Nang makaupo na siya, tumingin siya sa harap. Pinaparalisa siya ng kaba. Hindi rin niya alam kung saan magsisimula.
Tumikhim ang binata na ikinagulat niya.
"I'm sorry." mahinang sabi nito.
Kinagat ni Maymay ang pang-ibabang labi para pigilan ang sariling umiyak. Ikinuyom na lamang niya ang dalawang kamay. Kung malungkot din si Edward, bakit nito ginagawa ito sa kanya ng binata?
"I think you are the best. Really, the best. Kung makikipagrelasyon lang din naman ako, pipiliin kita. But it's because I care about you that I know we can't move forward. Alam mo yun? Kagabi para bigla ako nagising sa katotohanan na niloloko lang natin ang ating mga sarili. Alam natin pareho na hindi natin kaya ang casual relationship lang. Magiging unfair sayo kasi you deserve more." paliwanag ng binata.
May pag aalinlangang lumingon si Maymay sa direksyon ng binata at nakita niya nakasandal ito sa headrest ng upuan habang nakapikit, halatang nasasaktan ang hitsura. Ang matinding galit na kinikimkim niya ay agad napalitan ng kalungkutan.
Bigla dumilat si Edward at tiningnan siya sa mata. “If we keep doing this I’m going to fall in love with you. I can’t fall in love with you because I know that the things you want for your future aren’t in the cards for me. Gustuhin ko mang ibigay lahat ng gusto mo, hindi ko yun magagawa at hindi ko kaya na masaktan ka ng dahil lang doon."
Halos hindi makahinga si Maymay sa sinabi nito. Umuusbong na naman ang panibagong galit sa kanyang dibdib. Bakit? Hindi naman siya humingi ng assurance o pangako mula sa binata about sa future. Ang gusto lang niyang matry ay kung paano mawowork ang isang relasyon nilang dalawa.
"Paano mo naman nasabi na pagdating ng araw hindi mo rin gugustuhin ang mga bagay na yun?" unti-unti nang nababasag ang kanyang boses.
Muling pumikit si Edward at pinindot ang itaas na bahagi ng kanyang ilong, as if nasasaktan. "Basta alam ko."
Feeling ni Maymay ay nahahati sa dalawa ang kanyang puso. Gusto na niyang makalabas ng sasakyan at matapos kanilang pag-uusap.
"Fine." maikli niyang sabi saka itunulak pabukas ang pintuan ng sasakyan. Halos madapa pa siya sa pagmamadali. Nang makabawi ng balance, dali-dali siyang humakbang patungo ng front door ng bahay.
Kuyom ang kamao sa kanyang tagiliran habang pinipilit na bumalik sa normal ang paghinga niya bago siya kumatok. Nakapagpromise siya kina Marco at Vivoree na babantayan si Edward habang binabantayan naman nito si Jinri. Mahirap man, wala na siya ng magagawa.
*******
Mga twenty na ang nakalipas mula ng umalis sina Marco at Vivoree. Ngunit hindi pa rin lumalabas ng banyo si Maymay. Dinig niya sa labas ang mahinang iyak at pagsinghot-singhot nito na lalo lang nagpapasikip ng kanyang dibdib.
F*ck! Pinaiyak niya ito. Hindi niya gustong makakita ng babaeng umiiyak pero ito ngayon si Maymay. Tensyonado ang lahat ng muscles niya sa katawan sa kagustuhan gibain ang pinto at aluin at patahanin ang dalaga. Mas matindi pa ang naganap kaysa sa inaasahan niya. Bakit ba mahirap gawin ang tama?

BINABASA MO ANG
Crossing The Line
FanfictionNafriendzone ka na ba? Fate sometimes plays tricks on us. Kung kailan hindi pa tayo ready, saka may dadating. Kung sino pa ang hindi nating inaasahang mahalin, yun naman ang ibibigay. They have known each other for quite a long time. What would i...