Chapter 13

1.1K 79 8
                                    

Ilang minuto na ring nakaupo lang si Maymay sa kanyang sasakyan na nakaparada sa labas ng Club24. Tapping the steering wheel impatiently wth her fingers.

"..and then you need to check our contract with the Lopezes. This is a big wedding for the hotel. The bride already changed the venue twice. Apparently, ang point niya ay kailangan daw ethically sourced ang mga bulaklak." pagdadaldal ni Christian.

Ethically sourced flowers lang pala ang gusto, e di pagbigyan. May kilala siyang florist na ganun ang offer.

"I'm on it." Pagkatapos nilang mag usap, pinipilit niyang ibalik ang dating sigla sa trabaho which is harder than she expected.

Ibinaba muna niya ang salamin upang icheck ang sarili.

With a deft hand, muli siyang naglagay ng eyeliner, pinatay ang makina saka bumaba na ng kotse.

Tumayo muna siya sa labas ng sasakyan at pasimpleng inayos ang palda ng suot na yellow sundress. Ninerbyos siya.  Ngayong gabi manonood sila ng gig ng isang banda ni Edward. Hindi ito ang kanyang usual crowd at hindi rin niya alam kung anong iexpect.

"Hey, Maymay!" sigaw ni Edward mula sa isang alley sa likod ng club. Umikot siya upang harapin ito. Nakita niya itong palapit sa kanya na maluwang ang pagkakangiti habang kumakaway pa ang isang kamay.

Yung pagiging masayahin nito ang nagpalakas na naman ng tibok ng kanyang puso. But then again, ininvite siya nito ngayong gabi so dapat lang na masaya ang binata. Walang ibig sabihin yun. Ang meron lang naman ay ang tension na namamagitan sa kanilang dalawa simula ng mangyari ang kiss sa kotse niya. Hindi nga siguro matandaan o ayaw lang iacknowledge ng binata ang nangyaring kiss pero definitely may iba na sa kanilang dalawa.

In her eagerness, she crossed the distance between them quickly. Malalakas na click-clock ang maririnig mula sa kanya high heeled skin toned shoes.

Nang tuluyan na siyang nakalapit sa binata, kinabig siya nito at niyakap ng sobrang higpit. Ramdam niya ang init mula dito. Medyo pawisan din ito na nakapagdagdag sa swabeng amoy ng pabango ng binata.

"Hey, Guys! Si Maymay, kaibigan ko!" Binitawan na siya nito mula sa yakap ngunit nanatili ang isang kamay na nakaakbay sa kanya. Sumayaw ata ang pulso niya sa kaligayahan. Inaya siya nito na lapitan ang tatlong lalalki na nagbababa ng mga musical instruments mula sa isang truck.

Ang una sa tatlo ay isang balbas-sarado at nakasuot ng leather mula ulo hanggang paa at tumango lang ng ipinakilala sya. Ganun din ang ginawa ng dalawa pa, na ang isa ay may tattoo na bungo sa kaliwang pisngi nito.

Muuling bumalik nag naramdaman niyang nerbyos. Balbas-sarado at may tattoo sa mukha na mga lalaki.  Talaga yatang hindi ito ang crowd niya.

Edward lowered his head until his mouth was only inches away from her ear. "Huwag kang matakot. Hindi lang talaga sila palasalita pero mababait ang mga yan. At magagaling sa music."

Napangiti si Maymay sa sinabi nito. Hinawakan siya nito sa siko upang igiya papasok sa loob ng club.

"May isang oras pa bago magstart ang show. Gusto ko lang na early ka para makita mo ang lugar bago pa magstart. There's something about the silence before the show,  followed by the craziness and adrenaline rush that comes after. You'll see it later. Hindi ko madescribe." sabi ni Edward.

Yung excitement sa boses nito ang nagpangiti sa kanya habang inaalalayan siya nito papasok sa loob ng medyo madilim na club. Nakakahawa ang enthusiasm ng binata.

May kakaiba sa lugar habang wala pang masyadong tao. Iba pala ang lugar nato pag walang malakas na tugtog,  maraming taong nagsasayawan at iba't ibang neon na patay sindi. Kakaiba nung last time na pumunta silang dalawa.

Crossing The LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon