Chapter 24

1.2K 101 24
                                        

Nag-init ang ulo ni Maymay habang nangatog naman ang mga tuhod niya sa galit.

"What are you doing? Get up!" sigaw niya ng talikuran si Tanner at nagpabalik-balik ng sala. Naninikip ang kanyang dibdib at tila nauubusan siya ng oxygen sa katawan.

"Marydale." May pagmamakaawa na tawag nito sa kanya ngunit hindi niya ito hinarap. Pagnagkataong hinarap niya ang binata, ang inis niya dito ay baka mauwi sa matinding galit at masampal niya ito.

Ilang segundo lang ang nagdaan, nasa tabi na niya si Tanner at pilit na hinawakan siya sa braso. “I’m sorry. You have every right to be mad. And I know this isn’t how you wanted me to do it, so I’ll wait, but only if you promise to give me a chance to prove myself."

Inatake siya ng matinding galit at pagkamuhi.

"Ano?! Gusto mong bigyan kita ng second chance?" halos pumiyok pa siya sa tindi ng nararamdaman.

Tumingin na lamang si Tanner sa kanyang makintab na sapatos. Naalala lang dalaga ang suot ni Edward na converse at naramdaman na naman niya ang kawalan.

"This isn't how it works, Tanner." sabi ni Maymay na nagsimula na namang magpabalik-balik ng sala. "Hindi ganun na basta ka na lang mawawala tas magpapakita sa akin dito sa unit ko. Ano ang inexpect mo? Na babalik sa normal ang lahat dahil lang bumalik ka?"

Nag-iinit na naman ang mata niya sa inis at sa kagustuhang umiyak. Umalis ang binata at iniwan siyang mag isa na humarap sa pangungutya ng kanyang pamilya, mga kaibigan at kakilala sa bayan nila. Iniisip ba nito na kapag nagpropose ito sa kanya, magiging okay na ang lahat?

Ipinihit siya ni Tanner para humarap dito at hinawakan siya sa braso. “Look, Marydale. I know I broke us when I left. But I made a mistake. Singapore was a mistake. Kaya nga bumalik ako para itama ang lahat."

Bakit ganun? Parang bumaliktad ata ang sikmura ni Maymay sa sinabi nito. Ang tingin niya sa break up nila ay hindi na isang pagkakamali gaya ng dati. She’d never loved him, not the way she was supposed to. Para sa kanya, isa na yung laro. Isang kwento na pilit niya pinapaniwala ang sarili na totoo. Ngayong alam na niya ang katotohanan, hindi na niya uulitin pa ang pagkakamali. Isang Edward lang pala ang magpaparealize sa kanya nun.

Inilabas ng binata ang isang maliit na kahon sa bulsa nito. Hawak ng mga daliri nito ang isang velvet red covered box na alam na niya ang laman. Ilang beses na ba niyang inimagine dati ang box na yun. Pero ngayong nandito na sa harap niya?

"No, I can't!" inalis ni Maymay ang tingin sa box at unti-unting humakbang paatras. Paano ba niya ipapaliwanag sa binata ang nararamdaman niya?

"Bakit? Dahil ba sa kanya? Dahil ba kay Edward?" Pagtatanong nito habang nakatingin sa pintong nilabasan ni Edward.

"No." matatag na sabi ng dalaga.

Hindi naman kasi lahat ng kanyang dahilan ay si Edward. May mga natutuhan siya mula dito na ultimately tumulong sa kanyang desisyon ngayon.

Namutla si Tanner. “You’re making a mistake.”

Tuluyang sinakop ng galit si Maymay. Lumakad siya patungong pinto at pabalibag na binuksan yun. “I already made a mistake. Our entire relationship was a mistake, one that I refuse to keep making. Gusto kong umalis ka na at ibalik mo ang susi ko."

"Marydale, I can give you everything you want. Kaya kong ibigay ang bahay, ang buhay at ang pamilya na..." Tinawid ng binata ang living room at humarap sa kanya.

May bumabara sa kanyang lalamunan. And it took all her efforts not to crumble. Itinaas niya ang kamay para tumigil ito sa pagsasalita at nanatiling nakatayo sa pinto. Eh, ano ngayon kung may binili itong engagement ring para sa kanya?
Bilang galing kay Tanner ang singsing, siguradong hindi iyun sumisimbolo sa dapat nito ikatawan.

Crossing The LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon