Chapter 25

1.2K 96 16
                                    

Nakatulugan na lang ni Maymay ang pagtitig sa telepono, desperadong umaasa na tatawag si Edward.

Ang pagtunog ng kanyang cellphone ang nagpabalik sa kanyang ulirat. Gumala ang mga mata niya sa kabuuan ng living room habang nag-uunat ng naninigas na muscles dala ng pagbaluktot niya habang nakahiga.
Dahan-dahang bumalik ang mga naganap ng nakaraang gabi sa kanyang isip. Kasabay ng pananakit ng kanyang likod at pagkahilo. Gusto niya sanang bumalik sa pagtulog pero pinili niya ang abutin ang cellphone. Kung sino man yun, si Edward, si Tanner, tawag mula sa hotel,  kailangan na niyang panindigan ang desisyon. Isa lang ang tuluyang magpapasaya sa kanya. Iyon ay ang sundan ang sariling kagustuhan at hindi sumunod sa utos o hiling ng iba.
Sa sandaling nagkaroon siya ng determinasyon, tiningnan niya ang screen ng cellphone. Nagtatakang hindi nakaregister sa kanyang phone book ang numero ng tumatawag.

Unknown: Hi Marydale. It's Fenech. I know 10am pa ang work mo sa hotel pero gusto ko sanang makausap ka. Importante lang. Pwede ka bang mameet over coffee?"

Si Fenech ang dating kaklase niya sa college. Nang minsang nagkita sila, nalaman niya na malapit na itong ikasal sa isang kababata. Siguro manghihingi ito ng advise sa kasal at makikipagkamustahan na rin.

Ngunit nakadama pa rin siya ng disappointment. Hindi si Edward. Kailangan din niyang makausap ang binata.

Bumuntong-hininga siya at naupo na sa sofa upang magtype ng reply.

Maymay: "Okay. I'll just take a shower. Ok na ba sayo sa Starbucks?"

Hindi niya gustong pumunta sa Little Brother's at harapin ang mga tao doon. Gusto niya munang makausap si Edward.

Nang maalala ang binata, panibagong sakit na naman ang naramdaman niya. Bakit ba hindi ito nagrireturn call? Gustong gusto niyang kausapin ang binata kahit hindi pa niya alam kung ano ang sasabihin dito.

Fenech: "Sure. See you in an hour."

Imbis na tumayo para magshower,  nagpatuloy sa pagtitig sa screen si Maymay. Kailangan masabi niya kay Edward ang nangyari kay Tanner, na narealize niya na hindi niya ito mahal at baka hindi nga talaga minahal.

Although nag aalala siya na pagginamit niya ang salitang love ay magpanic na naman ang binata.

Nagring ng six times ang cellphone nito ngunit walang sumagot hanggang sa madivert yun sa voice mail. Lumunok siya para mawala ang bara sa lalamunan.

"Ahhhm, I just wanted to tell you that after you left, I asked Tanner to leave and to give me back my key. I know awkward ang nangyari kagabi. Kailangan kitang makausap." sabi ng dalaga.

Bago pa siya magsalita ng kung ano-ano, pinidot na niya ang off button. Ayan. Binuksan na niya ang linya ng komunikasyon. Ang dapat nalang gawin ngayon ay maghintay kay Edward.

Nagrambol ang bituka niya sa kaba. Kailangan malaman ng binata ang feelings niya. Nasa desisyon na ng binata kung gusto siya nito o hindi. Hindi niya gusto ang casual hook up lang sa pagitan nila.

Biglang tumunog ang message alert tone ng phone na ikinagulat niya. Tiningnan niya ang screen.

Edward: Sorry, nabusy lang sa work. Everything, okay?

Umusbong ang galit sa kanyang dibdib. After everything, the least he could do was to call her. Ngunit kahit ganun, nakakita pa siya ng hope.

Maymay: Last night was weird and now I’m not sure what to say to you. I don’t want things to be weird between us too. I asked Tanner to leave and he gave my key back. Hindi na kami magkakabalikan.

Dumadagundong ang dibdib niya habang naghihintay. Sana maintindihan ng binata na ito ang gusto niya.

Edward: Not because of me, I hope. Gusto ko maging masaya ka.

Crossing The LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon