Chapter 15

1K 105 19
                                    

Nagbabrowse ng internet sites si Maymay ng may mareceive na text.

Edward: I'm canceling our camping trip. I've changed my mind, I don't think it's a good idea. I hereby declare that you are a graduate of Edward John Barber Life Plan.
Matamang tinitigan ni Maymay ang text mula sa binata. Magkahalong galit at lungkot ang naramdaman niya. Hindi niya napigilan. Tuluyan nang bumagsak ang luha sa kanyang mga mata.

So, ano ngayon? Tapos na ang binata sa kanya? Pagkatapos siya nitong halikan saka ito lalayo? Buong gabi nung concert sa bar ay iniwasan siya nito pero umasa pa rin siyang mag uusap sila ng masinsinan tungkol sa nangyari.

Di ba nga't dalawang araw ang plano nila na magcamping. Baka naman sa panahong yun mag uusap na sila.

Kung naiba lang ang sitwasyon, baka binara at nireplyan na niya ito ng hindi maganda gaya ng dati para lang magpatuloy ang asaran nilang dalawa.
Pero wala siyang maisip na isasagot. Bagkus nagagalit siya at nasasaktan siya sa ginawa nito.

Kailangan niyang paghugutan ng lakas ang galit na yun. So, ayaw ng binata na sumama. Fine! Hindi niya ito kailangan. Unti-unti na niyang nakikilala ang sarili at kaya niya gawing mag isa ang pagtrekking at pagcamping. Hindi na sya ngangawa dahil lang ayaw sa kanya ng isang lalaki. Isang malaking pabor ang ginawa ni Edward at naiwasan niyang gumawa pa ng isa pang mali.

Isinuksok ni Maymay ang isang pares ng medyas sa gilid na bulsa ng camping bag niya. Binuhat ang bag upang subukin ang bigat nito.

Mabigat pero hindi naman masyado. Kakayanin niya siguro ang maglakad ng medyo malayo. Iisipin nalang niya na nagwork out siya para sa kanyang likod at ng kanyang arms kasing satisfying ng pagsuntok ng isang punching bag na may larawan ni Edward na nakadikit doon.

Sa huling pagkakataon, nilingon niya ang kanyang condo unit. Lahat ng inihanda niya sa coffee table ay nakapack na at ngayon ay nasa bag na niya. Tinggal na rin niya ang mga nakakasaksak na appliances at naicharge na rin niya ang kanyang cellphone.

Itinuwid niya ng likod at muling tinantya ang timbang sa likod niya. May mumunting kurot sa dibdib siyang naramdaman.

Agad niyang naramdaman na pinagsisihan ni Edward ang ginawang paghalik sa kanya. Sa puntong humiwalay ang mga labi nito sa kanya,  kitang-kita niya kung paanong biglang gumala agad ang mga mata nito sa paligid at parang nagulat pa na siya ang hinalikan nito.

Ang alaala ng kanilang halik ay muling nagparamdam sa dalaga ng kakaibang init sa katawan. It was fantastic. Tantalizing and sensual. Yung klaseng halik na nakikita lamang niya sa mga romantic movies. Yung klaseng halik na hindi dapat nangyayari sa mga tao sa totoong buhay.

Kinagat na lamang niya ang pang ibabang labi. For sure, maraming lalaki sa mundo na ganoon din humalik. Ganun naman talaga ang itinituro sa kanya ni Edward, diba? Kailangan lang niyang humarap sa mundo at hanapin ang the one, ang isang taong handa rin makipagrelasyon.

Damn it! Mamimiss pa rin niya ang binata. Dahil pareho na nilang alam ang nangyari. Kailangan na nilang magkunwari na hindi nangyari ang halikan nila, na yun ay bunga lamang ng spur of the moment na pagkakamali at alam nila pareho na mas mabuting magkaibigan lang sila.

Mas mabuti ngang sigurong ganun lang sila. Hindi sila siguro ang para sa isa't isa Atleast pwede pa nilang isalvage ang kanilang friendship. Pagkatapos ng niyang paghilumin ang bagong sugat ng puso niya.

With a renewed sense of determination, kinuha niya ang susi sa counter at tinungo na ang kanyang sasakyan sa parking lot. Minsan na siyang nakapagcamping noong college pa siya. Mayroon na siyang boots, survival pack at cellphone na may GPS. Kailangan lang niyang isearch ang Twin Peak mountain na minsang nabanggit ni Edward at makukuha na niya ang direksyon. Sa loob ng tatlong oras, magsisimula na siyang magtrekking sa gilid ng bundok na hindi kasama ang binata. Ito na ang pagkakataon niyng patunayan sa sarili at kay Edward na kaya niya.

Crossing The LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon