Chapter 11

1.1K 69 4
                                    

Nakaupo si Edward sa isang silya sa kitchen counter habang umiinom ng kape.

"Are you sure ayaw mo ng pancake? Pwde kitang ipagluto kung gusto mo." tanong ni Mommy Cathy.

"Thanks Mum but I'm good."

"Are you sure you're okay? Diba't paborito mo ang pancake?"

"Mum, busog pa ako. I already ate breakfast."sagot ng binata. Pagkatapos maubos ang inihandang hotdog, egg and bacon ni Maymay, wala na yatang pag lalagyan sa kanyang tiyan. Baka mamaya nalang kung makaramdam sya ng gutom. Isa sa mga kulang sa kanyang bachelor's pad, ang magluluto at mag aalaga sa kanya.

"Does this have to do with the girl na naghatid sayo kanina?" tanong ni Laura habang nakatingin sa tasa ng kape na hawak.

"A girl dropped you off?" nabitawan ni Mommy Cathy ang hawak na sandok at lumingon kay Edward. Kitang kita sa mata nito ang excitement. "Sino siya?"

Muntik na niyang itakip ang mga palad sa mukha. Sabi na nga bang bawal magdala ng babae within 500 feet ang layo sa ina. Ngunit emergency nga naman ang nangyari at isa pa si Maymay lang yun.

"Wag kang maexcite. It was just Maymay. Magkaibigan lang kami. Nagkakakilala kami through Elise. Isa sya mga bridesmaids. Kababata ng fiance ni Elise na si McCoy." paliwanag niya.

"Oh?" tanging nasabi ni Mommy Cathy bago nawala ang ngiti  sa mukha nito.

Naguilty si Edward sa ginawa pero niremind niya ang sarili na hindi sya relationship person at alam yun ng ina.

"Don't worry Mum." sabi niya habang nilapitan at niyakap ang ina. "Next time, I'll invite her in para maikwento mo ang mga nakakahiyang ginawa ko. I know she'd love to meet you."

Hindi naman siguro mamasamain ni Maymay ang ipakilala niya ito sa kanyang pamilya after all nakilala na rin naman ng binata ang cold hearted na tatay nito.

Lumapit sa kanya ang alagang si Yong na kagat ang isang bola at inihulog yun malapit sa paa niya saka tumahol.
"Aasahan ko yan, ha?" nakangiting sabi ng ina.

Napakamot nalang ng batok si Edward sa narinig. "Maglalaro lang kami ni Yong. Pagkatapos mo diyan. Pakihatid mo naman ako sa car rental."

Parang bumalik lang sya sa highschool. Nagpapahatid sundo sa ina at iniiwasan na malaman nito ang kanya personal life.

"Of course honey. Isama mo na rin si Aizan." tukoy nito sa isa pa nilang aso.
Tiningnan niya ang alaga. Nakatihaya ito at nakataas ang mga paa sa ere.  Ito na ata ang pinakatamad na pitbull na nakita niya.

Biglang tumayo si Laura. "Sama na din ako!"

Sumunod sa kanya si Laura habang siya naman ay binuksan ang pinto para makalabas si Yong. Nagkalat ang mga tennis balls sa backyard nila na nasa iba't ibang level ng pagkasira, pinulot niya ang isa at ibinato sa malayo upang habulin ni Yong.

"So.." sabi ni Laura na tumabi sa kanya. "Si Ate Maymay. Anong meron sa inyong dalawa? Magkasama ba kayo kagabe?"

Tiningnan niya ito. Never siyang makikipag kwetuhan sa kapatid ng ganitong topic.

Nakipagtitigan pa lalo ang kapatid sa kamya. "You know,  did you have sex with her? Pagsinabi mo sa akin, hindi ko sasabihin kay Mommy."

Natawa si Edward sa sinabi nito. "No, I didn't have sex with her at kung may nangyari man sa amin hindi ko sasabihin sayo."

Bigla nalang itong nalungkot. "Bakit naman hindi? Malapit na akong mag eighteen? You can tell me those kind of things."

Naikuyom niya ang kamao. Mag i-eighteen na pala ang kapatid. Pero kahit na, hindi pa rin siya magsishare ng mga ganung bagay sa kapatid.

Crossing The LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon