Unti-unting iminulat ni Maymay ang mga mata at minasahe niya ang kanyang leeg. Nang ilibot niya ang paningin sa kwarto, noon lamang niya napansin ang orasan sa dingding, 10:15am na.
Napabalikwas sya ng bangon sa upuan kaya naman natabig niya ang laptop at nahulog yun sa sahig.
Nakita niya ang sarili sa salamin, gulong-gulo ang buhok. Nanigas siya sa kinatatayuan nang may maalala.
"Shit! Shit! Shit!"
Dapat makapasok na siya ng trabaho sa loob lang thirty minutes dahil may ka appointment siyang bride for cake tasting. At ang buhok niya ay wala pa rin sa ayos.
Narealize niya na for the first time mula ng umalis si Tanner, saka palang siya nakatulog ng maayos. Isang mahimbing na tulog na nagpangiti sa kanya hanggang sa muling maalala na late na siya.
Dali-daling tinakbo niya ang kwarto,kinuha ang cellphone saka nagtext sa kaibigang front desk officer ng hotel na pinapasukan.
"Good Morning, Pat. Malilate ako sa appointment ko with the bride and her mother. Gawan mo nalang ako ng excuse, please. Promise babawi ako sayo."
Magkikita sila ng umagang yun ni Kirsten at ang ina nitong si Mrs. Delabajo. Ahead siya kay Kirsten ng isang taon noong nasa college pa sila. At ito nga, hindi pa man ito nag thirty ikakasal na. Buhay nga naman.
Biglang tumunog ang cellphone niya. "Ikaw? Malilate?" reply ni Pat sa kanya.
Iiling-iling na itinuon niyang muli ang sarili sa pagsusuklay. Sana lang hindi masyadong halata na kagigising lang niya.
Twenty minutes later, nasa lobby na sya ng MW hotel.
Agad siyang hinila ng baklang hotel manager na si Christian ng makita siya. Kitang-kita sa mga nakapalibot na salamin ang nakakalbong bumbunan nito hanggang sa marating nila ang isang sulok.
"Late ka." agad na sabi nito sa kanya habang nakapameywang kaya naman mas naemphasize ang mejo malaki nitong tiyan.
Itinikom nala ni Maymay ang mga labi sa inis. "Nasobrahan sa tulog. Sorry, hindi na mauulit."
"Dapat lang. Irrireport kita."
Irireport? Hindi lang isa ngunit maraming beses na niyang natanggap ang employee of the year award. Maaga siya lagi dumating at minsan late na kung umuuwi. Ginawa niya lahat para masatisfy ng mga kliyente ng hotel na mayayaman.
Kailan man hindi pa siya pumalya. Lahat ginagawa niya para maperfect ang mga events na hawak niya.
Biglang nanlabo ang paningin niya kaya naman huminga sya ng malalim para kumalma. "Sa pagkakatanda ko, after how many years akong nagtatrabaho dito ngayon lang ako nalate."
Nanlaki ang mata ng kausap at lumapit pang lalo sa kanya. "We all have problems, Ms. Entrata. Its always better to leave them at home. Trabaho mong ipakita sa mga kliyente na masaya ka para sa kanila. Kung hindi mo yun kaya dahil sa pinagdaanan mo. Hmmm, baka kailangan mong mag isip-isip at mahanap ng ibang trabaho."
Napaatras siya sa sinabi nito. Pakiramdam ni Maymay ay para siyang sinuntok nito sa dibdib. Kailanman man pulido lagi ang trabaho niya. Pumalya lang ang plano niyang magpakasal.
"Get yourself together. Now go meet our client. Importanteng tao ang mga yun. Ibigay mo ang best mo." sabi pa ng manager saka ipinatong ang mga kamay at pinisil ang balikat niya na mabilis niya iwinaksi.
Ayaw niyang magpahawak dito at maging sa sinuman sa oras na yun.
Nabuntong hininga si Maymay para lumuwag ang paninikip ng dibdib. Bigla atang nag iba ang paligid sa nararamdaman niyang galit.
BINABASA MO ANG
Crossing The Line
FanficNafriendzone ka na ba? Fate sometimes plays tricks on us. Kung kailan hindi pa tayo ready, saka may dadating. Kung sino pa ang hindi nating inaasahang mahalin, yun naman ang ibibigay. They have known each other for quite a long time. What would i...