Chapter 7

1.3K 75 3
                                    

Muling pinuno ni Ellise ng wine ang baso niya, ibinalik sa kanya at tinitigan siya. "So, anong nangyari sayo ngayong araw? Huwag mo kaming echusin."

Nilingon ni Maymay ang katabing si Vivoree na naghihintay din ng sagot niya. Kaya naman tuluyan ng ng gumuho ang kanyang itinayong pader at pumatak ang luha niya.

"Okay lang na maging malungkot, May." pag-aalo sa kanya ni Vivoree habang hinihimas ang likod niya.

Ibinaba ni Ellise sa mesa kanyang hawak na wine glass at lumapit kay Maymay, "Mahal ka namin, tandaan mo yan."

Parang may namuong bara sa kanyang lalamunan kaya tuluyan na syang napahikbi. Bakit nga ba ang hirap ipakita sa iba na mahina ka?

Tiningnan niyang muli ang dalawa. "Minsan ba ginawa na ninyo yung mglolook back ka sa life mo tas marirealize mo na hindi yun ang ineexpect mong mangyari? Na hindi ayun ang pinapangarap mo nung mas bata ka pa."

"All the time,noh? Ano ka ba? In fact, six months ago lang ng muntikan na akong madepress dahil wala akong kliyente sa Cebu kaya nga bumalik ako dito sa Manila." paliwanag ni Ellise na hinawakan ang kamay ni Maymay. "At dahil doon nagbonding ulit tayo saka tinulungan mo kami ni McCoy na magkabalikan."

Napangiti si Maymay sa sinabi ng kaibigan. Minsan pinasakay niya ang dalawa sa ginawa niyang kwento na mag-gf/bf ang mga ito hanggang sa tuluyang nagkainlaban.

Pero iba yun. Feeling niya habang wala sya sa isang relasyon, wala siya. Hindi niya yun magawang sabihin sa mga kaibigan.

"Ikaw, Viv? Did your life turned out as you expected?" tanong ni Maymay sa isa pang kaibigan.

"Hindi noh! Ni hindi ko nga alam kung anong pangarap o gusto ko sa buhay." sagot ni Vivoree.

Natawa si Maymay sa sagot nito. May gwapong boyfriend si Vivoree at mahal din ito ng anak nito sa naunang relasyon. Matagumpay din ang maliliit na negosyo ng dalaga. Life maybe not perfect but it is perfect for Vivoree.

"Ganun naman ang buhay, puno ng surpresa. Kailangan lang matibay at handa ka palagi." dugtong pa ni Vivoree.

Hindi naman si Tanner mismo ang namimiss niya kundi ang maging part ng isang relasyon. Yung may partner, yung sense of belongingness. Ngayon dahil wala sya sa isang relasyon, pakiramdam ni Maymay wala sya direksyon sa buhay. Parang naghihintay kung saan dadalhin ng agos nito.

"Tama si Viv, May. Pagsubok lang to. Pagnalagpasan mo ito, magiging masaya ka na ulit. Just give yourself a time to heal." pag aalo sa kanya ni Elise.

Pakiramdam ni Maymay na hindi siguro sya maiintindihan nina Ellise at Vivoree. Matagal syang nasa isang relasyon. Mula highschool, lagi na syang nasa isang relasyon. Katatapos lang isa, may dumadating agad na bago. Pero nahihiya syang sabihin yun sa mga ito.

"Anyway, sabi ni Edward I have to let myself let loose and have fun." pagbabago niya ng topic.

Napatingin sa kanya si Ellise, "Anong sinabi mo, May? Paanong sumabit dito ang mokong na yun?"

Napatulala naman si Vivoree sa kanyang sinabi.

"Sabi ko kasi sa kanya, I am fun."

"Ano naman ang sabi niya?" tanong ni Ellise.

"He wants me to prove it. Sabi niya he could teach on how to have fun. So..." pagkikwento ni Maymay habang minamasdan ang laman ng kanyang wine glass.

"Ano nga?!"sabay na sabi ng dalawang kaibigan niya.

"So, we made a bet or should I say a challenge. For 3 weeks, kailangan ko sundan ang kanya lifestyle. Yung bang wala-akong-paki-sa-inyo lifestyle. Tingin ninyo, kaya ko yun?"

Crossing The LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon