Chapter 21

1.2K 108 12
                                    

Parang malas ata ang araw na ito. Nakasanayan na nga niyang hindi ipakilala ang mga babae sa kanyang buhay. Bakit naman siya gagawa ng paraan para saktan ang sarili? Oo, sana ipinaalam niya kay Maymay na ang ina niya ang kameeting nila. Para lihim niya hiniling na sana matuloy. Afterall, trabaho ang ipinunta nila dito.

Salamat nalang at tumutok ang dalaga sa meeting. Sa sipag at determinasyon nito at ng kanyang ina, siguradong magiging successful ang event. Hindi nagkamali si Sarah sa hiningan ng tulong.

Pero ito? Isa itong disaster.

Tinulak niya paatras ang upuan niya at tumayo. Ang mga mata nakatutok kay Carl na ngayon ay nakatayo sa may pinto. Bagong ahit at bagong gupit ang buhok.

Lumapit si Edward sa lalaki at hinawakan ito sa braso at itinulak sa isang sulok. Nagpaubaya naman ito.

"Anong ginawa mo sa buhok mo?" Parte yun sa rough image ng banda nito. Mga mahahaba ang buhok, may bigote at maangas ang porma dahil rock music ang tinutugtog nila.

Nagkibit balikat lang ang kausap. "Mukha kailangan ko ng baguhin ko ang image ko."

Halos manggalaiti si Edward sa narinig. "Hindi ba dapat kinunsulta mo muna ako before mo ginawa yun?"

"Oo nga pala. Sorry."

Pinisil ng binata ang dulo ng ilong niya at pilit pinakalma ang sarili. Tutubo pa naman ang buhok nito. Sa ngayon, wala na siyang magagawa.

"Tingin mo, ilang buwan para humaba ulit yan? Tatlo o apat na buwan?

Umikot ang tingin ni Carl sa sahig, sa mga kasama nila ngunit hindi tumingin sa kanya.

"Carl?" tanong niya. May hindi ito sinasabi sa kanya.

Saka lang ito tumingin sa kanya. "Ililipat na kasi ako sa kid's section ng library at maraming bata ang natatakot sa hitsura ko. Well, yung mga batang tingin ay hindi ako kapatid ni Santa. I'm sorry, Edward pero kailangan lang."

Malaking kontradiksyon  ang buhay ni Carl. Sa panlabas, isa itong maangas na rock star ngunit nagtatrabaho ito sa public library pag umaga. Isang bagay na hindi niya isinama sa resume ng banda nito.

Kailangang mahanapan niya ng solusyun ito. Baka may alam si Vivoree na mga ikinakabit na artificial na balbas.

"Andyan na yan, eh. Hahanapan na lang natin ng solusyun." tinapik niya ang balikat nito.

Nakayuko siyang bumalik sa mesa kasama ito. Handang tanggapin ang galit ng ina, ni Marco at ni Maymay dahil sa kanyang pagmumura.

Agad niyang ipinakilala si Carl sa mga kasama para maiwasan ang lecture ng mga kasama.

"Si Carl nga pala. Kasama siya sa bandang minamanage ko at siya yung sinasabi kong may dala na mga items na pwedeng iauction. Carl, siya ang nanay ko, si Marco, si Sarah at kung naaalala mo, si Maymay."

Medyo tumagal ang ginawang pagtitig ni Carl kay Sarah kaysa sa ibang kasama  nila. Kumuha ng upuan si Edward at pinaupo doon ang lalaki.pinapunta niya ito doon para tumulong sa auction at hindi makipaglandian.

"Thanks man. Bago ko makalimutan,  kumusta yong camping trip mo last weekend?" printing sabi nito sa kanya.

Kaagad niyang nakita ang kislap sa mata ng ina. Shit. Matalino ang kanyang ina, at madali itong makasagap na mumunting detalye sa kanyang buhay lalo na't tungkol sa kanyang lovelife. Syempre ikoconnect the dots lang naman nito ang camping trip ni Maymay at ng kanya.

Kitang kita niya kung paano nito pinigilan ang sariling ngumiti ng maluwang.

Muntik na niyang iuntog ang ulo sa mesa.

"Ayos lang. Maulan, madaming ulan." Sagot niya dito na iniiwasan tingnan ang dalaga.

Inabot ng kanya ina ang kamay ni Maymay sa mesa ng may kislap sa mata.

"Maymay, iha. May gagawin ka ba mamayang gabi? Gusto ko sanang imbitahin ka na magdinner bilang pasasalamat sa tulong mo. At para makilala mo na rin si Nikko. Isa sa mga asong ipapaampon ko." anyaya ni Tita Cathy sabay ng pagpisil sa kamay ng dalaga.

Patay na Bai! Alam na nga nito ang namamagitan sa kanila ni Maymay. Walang duda.

*********************************

Dahil ang gaganda ng post ni Maymay sa IG niya,  mag update tayo. Grabe umawra, noh?

Yeah! Yeah! I know. Masyadong maikli. Pagtiyagaan nalang muna.  Hehe

Ayan bunyag na nga ang dalawa pero wala pa ring label ang relasyon nila. Parang mayward lang sa totoong buhay. Halata na, ayaw pang umamin. 😂😂😂

Please continue voting and posting your reactions & comments.

Love you guys. Mwaah! 😘😙

Crossing The LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon