Alanganin man ay sumang-ayon si Edward sa planong wine and scotch bonding ng ina. Ang lahat ng ito ay lalong dumadagdag sa kanyang nerbyos, pakiramdam na hindi niya ikinakatuwa. Pero nagdesisyon na siyang harapin na lang ang lahat. Partly dahil alam niya kung gaano kadeterminado ang ina na magawa ang isang bagay at partly dahil nagpromise siya kay Laura na kakausapin ang ama nila tungkol sa Palawan trip nito.
Nakita niya kung paano pinamunuan at binigyan ng solusyon ni Maymay ang meeting, di malayong matutulungan din siya nitong makumbinsi ang ama na payagan ang kapatid. May gift ito sa paghahandle ng mga problema.
Gusto niyang isipin na tanggap na ng dalaga ang pananaw niya pagdating sa relationship at commitment. Sana nga lang hindi nito mamisinterpret ang pakikipagkita na iyon kasama ng pamilya.
"Um, I have a favor to ask you." Gusto niyang maintindihan muna ng dalaga ang plano.
Sa passenger seat ito nakaupo. Inayos ni Maymay ang mahabang buhok sa balikat at tumingin sa kanya at kumindat. "What kind of favor?"
Pilit siyang sumeryoso. “Keep it in your pants, Ms. Entrata. This is my mom’s house we’re going to. At kasama pa natin yung sister at father ko."
Namula ang mukha ng dalaga kaya't napatawa siya. Hindi talaga siya magsasawa sa asaran nilang dalawa lalo pa ngayon na pwede na niya itong hawakan kung kailan niya gusto.
Inilagay niya ang kanang palad sa kaliwang tuhod nito at unti unting humaplos paitaas sa hita ng dalaga habang natutok ang kanyang mata sa kayumangging balat nito. Satisfaction hits him ng tumagilid sa kanyang direksyon ang dalaga at bahagyang bumuka ang mga hita nito.
“What do you think you’re doing?” Her voice was sweet like honey but with an undercurrent of desire.
Itinaas ni Edward ang tingin sa mukha nito kaya't kita niya ang bahagyang pagbuka ng lips nito. Gumala ang mata niya sa loob ng kanyang ferrari. Hindi pa naman sila nakakaalis sa parking lot ng dalaga at may 15 minutes pa bago magdinner. May oras pa sila para magmake out. But then, eksaktong 8pm daw dapat nasa bahay na sila ng kanyang ina.
She threw her head back, exposing her long neck, and laughed. "May nakapagsabi na sayo na masyado kang transparent? Parang may giant screen ka diyan sa malapad mong noo at binobroadcast ang iniisip mo."
"Isa lang naman ang iniisip ko sa oras na ito." sabi niya habang tumaas baba ang kilay niya.
Bahagyang pinalo ni Maymay ang kamay niya. "Heep! Sabi mo ititreat ako ng dinner. Saka na natin ituloy ang binabalak mo pagkatapos ng dinner."
Hmm. Gusto niya yun. Nakita na niyang malapit na sila sa bahay ng ina na kakainan nila, wala na talagang atrasan. Despite of himself, gusto ni Edward na itama ang lahat at maging masaya si Maymay. Palaging silang nagkakasundo sa gitna. At sisimulan niya sa pag treat ng dinner dito. One that would make her feel special.
Muli pinagdikit ni Maymay ang mga tuhod at tumagilid ng pag upo sa kabilang direksyon. "Buti pa, magdrive ka nalang. Baka malate pa tayo sa ginagawa mo. Pero sabihin mo muna kung anong favor ang sinasabi mo."
"Tulungan mo akong iconvince si Dad. Magaling kang mangconvince. Well, you can make it sound like its your idea." Sa kanilang dalawa, mas kakayahan itong maconvince ang ama dahil may record sya ng maaresto sya dati sa Palawan.
"Okay, nakikinig ako."
Lumabas na sila ng parking lot at tinahak ang daan ng kanyang ina. Buti nalang at naibalik na sa kanya ang kanyang Ferrari.
"Well, it's a favor for my sister Laura. Gusto niyang sumama sa Palawan for her class trip at hindi siya pinapayagan ni Dad." kwento ni Edward.
"Bakit naman?" kunot noong tanong ni Maymay.
BINABASA MO ANG
Crossing The Line
FanfictionNafriendzone ka na ba? Fate sometimes plays tricks on us. Kung kailan hindi pa tayo ready, saka may dadating. Kung sino pa ang hindi nating inaasahang mahalin, yun naman ang ibibigay. They have known each other for quite a long time. What would i...