Chapter 10

1.3K 91 9
                                    

Itinayo ng bartender si Edward at inilagay ang kaliwang braso ng binata sa balikat nito. Nagdalawang-isip pa si Maymay ngunit sa huli ay pumwesto din sya sa ilalim ng kanang braso ng binata. Inilagay naman niya ang isang kamay sa dibdib ng binata.

Nang lumapat ang palad niya sa malapad na dibdib nito, nag init ang pakiramdam niya lalo ng maramdaman ang mga muscles nito. Humigit muna sya ng malalim na hinga bago inilagay ang isang pang kamay sa likod ng binata. Ngunit lamang nanginig ang kanyang tuhod ng maramdaman ang mamasel na likod nito.

"Okay ka lang ba diyan?" tanong ng bartender sa kanya.

"Ah, Eh..oo naman. Nandiyan lang sa harap ang kotse ko." sagot ni Maymay.

Si Edward lang to. Walang dapat ikabahala. Talaga namang gwapo ito pero hindi niya lang pinagtutuunan ng pansin. Kailangang magfocus sya sa bartender.

"Ano nga pala name mo?" tanong niya sa lalaki habang naglalakad sila patungong parking lot.

"Luis."

Ah, Luis. Kahit kailan hindi niya napicture ang sarili na nakikipagdate sa isang Luis. Pero ni hindi nga niya naimagine dati na aalalayan niya ang isang lasing na Edward palabas ng isang bar. Hindi siya ganung klaseng kaibigan na nang iiwan. Siya yung pinaplano ang lahat. Pero atleast unti unti na siyang lumalabas kanyang comfort zone dahil sa binata.

Kinapa niya ang susi at binuksan ang kotse. Buti nalang at nakahanap sya ng bakanteng parking lot sa harap ng club.

"On three, ipasok natin sya sa kotse at saka nalang natin ayusin ang mga paa niya." Tagaktak na ang mga butil ng pawis sa noo at likod niya.

Nagbilang si Luis ng tatlo at inalalayan nila si Edward papasok nhg kotse. Gumaan naman ang pakiramdam niya ng mawala ang bigat ni Edward.

Naramdaman ni Maymay na may nakalapat na palad sa likod niya.

"Kaya mo na ba?" pabulong na tanong ni Luis sa kanya habang ang palad nito ay pababa ng likod niya. 

Biglang nanigas ang katawan ni Maymay.

"Ahhm, oo." sagot niya bago pasimpleng lumayo dito, pumasok ng kotse at kinuha ang bag. Inabot niya rito ang isang fifty peso bill.

Pagak na natawa si Luis sa ginawa niya. "Hindi ko kukunin yan. Much better kung ang number mo ang ibigay mo."

Nanukso ang tono nito at taas-baba pa ang kilay habang nakatitig sa kanya.

Ginusto niya ito.

"Yeah, sure. Ito phone ko. Ilagay mo nalang diyan ang number mo."

"Wow!" sabi nito ng matingnan ang jewel encrusted phose case niya na Micheal Korrs.

Lalo lang nag init ang mukha ng dalaga at itinuon ang atensyon sa pag aayos ng seat belt sa dibdib ni Edward.

Sandali din niyang tinitigan ang malapad at mamasel na dibdib at braso ng binata.

"Ayan, tapos na!" biglang sabi ni Luis na ikinagulat ni Maymay kaya naman nauntog sya sa pinto ng kotse.

"Aray!"

Ayan ang napala niya sa kakatitig sa natutulog na binata.

Dahan-dahan syang lumabas ng passenger seat door at marahan isinara iyon. Buti pang patulugin nalang muna niya ang binata.

Nang ibalik ni Luis ang cellphone ay minsan pang dumampi ang palad nito sa balat niya ngunit walang spark,  walang kuryente, wala talaga.

Frustrated si Maymay. Bakit ganoon? Ang hot ni Luis at interesado din ito sa kanya. Bakit nasa natutulog na si Edward John Barber ang attention niya?

Crossing The LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon