After ng mabilisang pagshower sa kanyang apartment loft, dumaan si Edward sa kanyang studio. Kung saan napagtanto niya sa sariling impossible magtrabaho. Kahit ano ang gawin niya, anong musika ang pakinggan, o gaano man kalakas ang pagpapatug-tog niya, bumabalik at bumabalik ang isip niya kay Maymay.
Around four ng sumuko siya at pumunta ng Little Brother's. Usually, isang baso ng espresso lang ang kailangan niya para mamotivate. Plus, si Marco ay magaling magpayo pagdating sa mga relasyon at mga babae. Hindi naman sa kailangan niya ang isa.
Hindi nga ba niya kailangan niya ang payo nito?
Hindi mawala ang kaba niya kahit anong paraan pa ang gawin niya. Hindi naman niya kayang baguhin kung sino siya o maging si Maymay. Unpredictable siya pagdating sa relationship at takot pa rin siyang magcommit. Ang mga damdamin na dulot ng dalaga ay lalo lang dumagdag sa kanyang frustrations. Kinumbinsi niya ang sariling tanggap ni Maymay kung ano siya. Alam nito ang ginagawa at alam din nitong hindi siya ang Mr. Marriage Material.
Pareho na silang nasa tamang edad. Nagkaroon ng fantastic sex at ginustong makita lagi ang isa't isa.
Walang mali doon. Sa pagkakaalam niya, tama naman ang ginagawa nila. Baka nga okay lang sa dalaga ang lahat. Baka nga naimpluwensyahan na niya ang ang pananaw nito sa buhay. Baka nga hindi na si Maymay isang relationship, marriage at babies type na tao.
Umiling-iling siya bago tuluyang pumasok ng Little Brother's. Tama na muna ang pagmumuni muni.
"Tito Edward!" sigaw ng five year old na na anak ni Marco na si Jinri. Tumalon ito mula sa isang upuan sa may bar at tumakbo patungo sa kanyang direksyon. Nang marating siya nito, agad itong yumakap sa kanyang binti ng mahigpit.
"Ouch! Ang lakas mo naman para sa maliit na mama na katulad ko." pagbibiro ng binata.
Natawa ang bata at binuhat niya ito sa ere. Sumigaw pa sa tuwa si Jinri bago niya ito muling inilapag sa sahig.
Inaabot nito ang isa niyang kamay at nagpatiunang maglakad papuntang counter kung saan may tinatawagan si Marco."Daddy! Daddy! Can Tito Edward babysit me next week?" tanong ni Jinri.
Umupo si Edward sa isang silya at nagkibit-balikat sa kaibigan.
"Well, if you need a babysitter, I don't mind." sabi niya.
Ibinaba ni Marco ang telepono at hinarap siya. "Are you sure you want to babysit?"
Bakit naman hindi? Nagawa na niyang magbantay ng bata dati.
Ngumisi si Marco. "Bakit hindi nalang natin tawagan si Maymay para samahan ka? I've heard that the two of you are getting along well."
Hindi na mapigilan ni Edward ang sarili na kusang ngumiti hanggang para bang mapupunit na ang kanyang labi. So, nasabi na ni Maymay sa iba nilang kaibigan ang lahat. At salamat naman at hindi na galit si Marco. Hindi niya nagawa ang pangako niya dito at mabuti nalang at hindi nakaisip ng malisya ang kaibigan. Masaya siya dahil kay Maymay, ito ang dahilan kung bakit lagi siyang nakangiti na parang baliw ngayon. Buti at naiintindihan sya ng kaibigan. May mga bagay kasi na hindi pwedeng ikwento sa harap ng anak nito.
"I like Tita Maymay. She can come too." sabat ni Jinri.
Inabot niya ito sinubukang guluhin ang buhok ng bata ngunit nanlisik ang mata nito sa kanya. "Mama Viv made my braids. Don't mess them up."
"Sorry kiddo. I'll talk to Tita Maymay, Mama Viv and daddy and find time to babysit you. Sounds okay to you?" tanong niya dito.
"Okay. I'll go and find Tita Sarah. She said she'll teach me how to bake cupcakes." pumasok na ito sa counter at dumiretso sa kitchen area ng restaurant ng ama.

BINABASA MO ANG
Crossing The Line
FanfictionNafriendzone ka na ba? Fate sometimes plays tricks on us. Kung kailan hindi pa tayo ready, saka may dadating. Kung sino pa ang hindi nating inaasahang mahalin, yun naman ang ibibigay. They have known each other for quite a long time. What would i...