Napahawak si Maymay sa buffet table at pilit na inisteady ang sarili gamit ang ang isang kamay. Umiikot ang paningin niya resulta ng kulang sa pagkain at madaming nainom na kape pero wala siyang balak huminto. In thirty minutes, darating na ang mga bisita at kahit nakahanda na ang mga pagkain at iu-auction, alam niya base on experience na marami pa ang pwedeng mangyari. Usually kung kailan kampante na ang lahat, may dumadating na delubyo.
Sa kabilang dako ng hall, dumungaw si Ellise mula sa pinto ng kusina at nagbigay ng thumbs up sign. Nakasuot ito ng isang apron na ipinatong sa cocktail dress na suot. Pagpasok pa lang nito kanina kasama ai McCoy, agad nagvolunteer ang dalawa na tumulong sa kusina.
Kusang ngumiti ang kanyang mga labi at sinagot niya ito ng isa ding thumbs up sign. Humugot muna siya ng lakas bago pilit na tumayo at bumitaw sa mesa.
Kailangan nga siguro niyang kumain ng kaunting snack. Nang iikot na sana siya para pumunta ng kusina, tumunog naman ang bell na nakaaattach sa pinto. Nang sumulyap siya sa kanyang balikat, nakita niya si Edward na ubod ng gwapo sa suot nitong sleek, black slim cut suit.
Agad na nanuyo ang kanyang lalamunan dahil sa panic, sakit at excitement. God, he was handsome. Why does he have to be so handsome?
Muli siyang tumalikod. Determinadong magpakabusy sa kung ano-ano hanggang sa dumating ang mga bisita. Mahirap sa kanya na tingnan niya ito dahil nagdudulot lang pagsisisi at pangamba ang bagay na yun.For the hundredth time, niremind niya ang sarili na wala na siyang magagawa. Nagpakatotoo lang naman siya at sinabi sa binata ang gusto niya. Natural lang siguro ng madisappoint pero ganun talaga.
Muli siyang nakadama ng pagkahilo at muling umikot ang paligid. Bago pa man niya muling maabot ang mesa, tuluyan ng dumilim ang paligid.
Naramdaman niyang parang umaangat siya mula sa sahig at idinuduyan.
Ang una niyang nasagap ay isang pamilyar na amoy. Ang amoy ni Edward ang nalanghap ng ilong niya. Parang lumipad ang puso niya dahil sa pag-asa para lang bumagsak ilang segundo lang ang dumaan. Paano kung nag iimagine lang siya?
Sinubukan niya imulat ang mga mata ngunit tila mabigat ang kanyang mga talukap. May init din siyang naramdaman sa kanyang pisngi kasabay ng tila pagdiin doon.
"Maymay? Are you okay?" nakataas ang kanyang ulo habang nakaangulo naman ang katawan niya sa isang direksyon. Parang may matigas din siyang sinasandalan.
Lahat na ata ng effort ginawa niya. Nang sa wakas tuluyan niya nabuksan ang mga mata, agad na sumalubong sa kanya ang mukha ni Edward. Pigilan man ay muling umusbong ang hope sa kanyang puso.
Ngumiti ang binata pagkatapos nitong huminga ng malalim na para bang nabunutan ng tinik sa dibdib. "Wwweew! Thank God!"
Sinubukan niyang itaas ang ulo at muling bumangon ngunit sinalakay ulit siya ng pagkahilo.
Dinala ni Edward ang isang kamay sa kanyang pisngi habang nakaalalay ang isa pa sa ulo niya. "Don't move, okay? Kumukuha na si Vivoree ng makakain mo at si Ellise naman kumukuha ng tubig."
Si Marco, Marco, Cathy at iilang tao ay nakatayo ilang dipa mula sa likod ng binata. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala. Doon pa lang niya narealize na nakaupo siya sa kandungan ng binata at nakasandig dito.
Namula siya at gumalaw para makalayo sa binata. Hindi maaring nakaupo siya sa kandungan nito habang maraming tao ang nakatingin sa kanila. Masarap sumandal kay Edward pero wala na sila. Muli, nakadama siya ng disappointment.
"Hey!" hinaplos ng likod ng palad nito ang kanyang pisngi. "Stay still, okay? Masama ata ang bagsak mo kanina."
Tinitigan nito ang kanyang mukha. Lumunok siya, pilit tinatalo ang kalungkutan na nararamdaman. Hindi pwedeng titigan siya ng binata ng ganun. Ngayon pa na tinatry na niyang magmove on.
Lumapit ito sa kanyang mukha at bumulong kanyang tainga. "Buntis ka ba? Am I going to be a father?"
Nanigas siya at itinaas ang mga kamay para itulak ito. Nababaliw ba ito? Wala itong karapatan na tanungin siya ng ganun sa harap ng mga taong ito.
Sinalag ni Edward ang kamay niya at hinawakan yun ng may lambing.
"No! Baliw ka ba?" sabi niya. Nagtatalo ang galit at pagmamahal niya dito. Muli niya tiningnan ang mga tao sa paligid nila para lang malaman na natutok pa rin ang mga mata nila sa kanya. Good. Hindi nila naririnig ang bulungan nilang dalawa.
"Ahhm, guys. Nakahiya pero pakitapos na natin yung mga kailangang gawin. Give me a few minutes, magiging maayos din ako. The show must go on." pilit niyang pinasaya ang boses. Sa takbo ng usapan nila ni Edward, kulang na lang suntokin niya ito at hindi niya kailangan ang maraming witness pag ginawa yun.
"What's wrong with you?" tanong niya sa binata nang sila na lang ang naiwan.
Bigla itong namutla ngunit nakita niya sa mata nito ang determination. "Sorry, hindi ako sanay na nagsasabi ng feelings ko. Uhhhm. I guess nahulaan mo na, yes may baggage akong dala-dala sa buhay. For almost a year, Dad left my mom, me and Laura when I was little. I never talked about it to anyone because it sucks and I can do nothing to change it. I don't need other people to psychoanalyse my life.or that's what I thought."
Naawa siya sa binata. Akala niya perpekto na ang buhay nito dahil nakikita niyang confident at masaya ito lagi. Mali pala siya.
Hinaplos niya ang pisngi nito. "I'm so sorry, Edward."
Idinikit nito ang mukha sa kanyang palad. "Well, maybe I was wrong. Maybe I do need people to psychoanalyse my life. All this time, I thought na kailangan hindi ako magbigay ng commitment sa isang babae, maiiwasan ko na may masaktan gaya ng ginawa dati ni Dad kay mom. Mas komplikado pa pala. And I’d be lying if I told you I had it all figured out, but at least now I recognize it. And I want to work on it."
Hindi makapagsalita si Maymay sa sinabi nito. Oo nga't gusto niyang magbago ang isip at marealize ang pagkakamali nito pero parang sa kwento lang nangyayari ang ganun. Pero heto ngayon si Edward sa harap niya.
Inilapit nito ang mukha at idinikit ang noo sa kanyang noo. "I realized that marriage and kids aren’t unicorn sex. I think gusto ko rin ang ganun pero hindi ko lang binigyan ng time ang sarili ko na isipin yun kasi akala ko hindi na mangyayari sa akin. Ayoko lang na mawalan ka ng chance na mag-asawa ka at magka-anak gaya ng gusto mo."
"Aminado ako na gusto ko ng mga yun pero hindi naman agad-agad. Someday." Nagsimula na namang dumagundong ang puso niya. She tilted her chin up and kissed him gently on the lips. Hindi siguro prince charming si Edward pero pakialam niya. Pwede naman silang gumawa ng love story nilang dalawa.
May sumagi sa isip niya kaya nakaramdam siya ng lamig. "Hindi pa naman ngayon, diba? Hindi naman agad-agad?"
Bahagyang umatras ang binata at kita niya sa mata nito ang panic. "No! Definitely no. I was thinking we could start with a dog or something first."
Muli niyang hinalikan si Edward, kusang gumalaw dila niya na tinugon naman nito. Finally, they were on the same page.
Bigla ito tumigil at tiningnan siya sa mga mata. "Wait, wait! I forgot the most important part. I love you. Mahal kita, Mary Dale Entrata."
"I love you too, Edward." malabing na sa sabi niya na ikinapula ng mukha ni Edward bago muli siyang siniil ng halik sa labi.
Ngumisi ang binata sa kanya. "See, sabi ko naman sayo na hindi ako sanay pagdating sa relationship. Tutulungan mo naman ako, diba? "
Huminga siya ng malalim bago nakangiting sumandal sa dibdib nito.
"I'll teach you everything I know. Forget it. Sabay na nating iexplore what this relationship has to offer us. I only hope you won't leave my side again.""Don't worry, babe. I don't have any plan to. Ever."
The end
***********************************
I'll try to write an epilogue chapter.
Salamat sa lahat ng nagbasa ng story nato. I really appreciate all your votes, comments and reactions. Nakainspire po kayong lahat para ganahan ang mga aspiring amateur writers like me na sumulat. 😘
BINABASA MO ANG
Crossing The Line
FanfictionNafriendzone ka na ba? Fate sometimes plays tricks on us. Kung kailan hindi pa tayo ready, saka may dadating. Kung sino pa ang hindi nating inaasahang mahalin, yun naman ang ibibigay. They have known each other for quite a long time. What would i...